Chapter 22

2 1 0
                                        


Adam's POV

Pinagmamasdan ko si Annie mula sa malayo dahil hindi ako puwedeng lumapit sa kaniya. Parang may kung anong nakadagan sa dibdib ko habang nakikita ko siya sa ganiyang kalagayan.

"She's... in shock." Said Annie's father who's just beside me. We're both looking at her as she sits on a bench, surrounded by flowers and trees. We're in this small garden of the hospital she got admitted to.

I wanted to reach out to her the way she did to me when I once sat hopelessly on the street. Gusto kong iparamdam sa kaniyang hindi siya nag-iisa. But I can't since his father won't let me. He said Annie needs time and that she needs to rest.

"Hindi ko akalaing ganito ang kahihinatnan ng paghihiwalay namin ng mommy niya. I thought.." he paused. Sinulyapan ko siya at nailang nang makita ang ilang butil ng luha mula sa mata niya. "I thought she'd be able to accept it. Lagi kasing nasa isip ko na matapang ang anak ko. Nakalimutan kong she's still a child. She needed us."

Kumuha ako ng lakas para itanong ang kanina pang gumugulo sa isip ko. "Nasaan po ang mommy niya?"

I saw the hesitation in his eyes before answering. "She left."

"When will she visit her?"

"She won't ever see her again. Ni sulyap hindi niya magagawa."

I stood still. Kilala ko ang mommy ni Annie. In fact, she's the Professor I wanted to learn from. I used to think that I might want to become a Psychologist only if she'd teach me since she was famous for being one of the best Professors in our town for her research and stuff.

Though my respect for her didn't change, the admiration has gone. I didn't want to judge her for having a forbidden affair but I wished she didn't do it.. for the sake of Annie.

Nang ipaliwanag sa'kin ni Sheen ang problema sa pamilya ni Annie ay mas naintindihan ko kung bakit nagpunta siya sa Diamond High School at kung bakit ang laki nalang ng galit niya sa mundo.

"Araw-araw kang pumupunta dito pero ngayon palang ata kita mapapasalamatan. Salamat sa pag-aalala mo sa anak ko, iho."

Napangiti ako ng tipid. I tried to take a look on Annie's lifeless eyes. Sa unang tingin, aakalain mong nakatitig siya sa puno na nasa harap niya pero kapag tumagal, mapapansin mong lumalagpas doon ang tingin niya.

"Kaya hindi ko kayo pinapalapit sa kaniya ay dahil malapit na kaming lumipat abroad."

Mabilis akong napalingon sa kaniya, nagpatuloy siyang magsalita. "Ayoko sanang masanay siya na nakikita kayong dumalaw sa kaniya. Dahil pag nagkataon, dagdag pasakit lang yun kapag hinanap-hanap niya pa ang presensya nyo sa ibang bansa."

"Pero... nagpapagaling pa po siya dito."

"Mas mapapagaling siya doon. Bukas na ang alis namin."

Hindi na 'ko nakapalag. Ano pa bang saysay kung kokontra ako? Ramdam kong desidido na siya at naiintindihan ko rin naman ang desisyon niya. Kapakanan ng nag-iisa niyang anak ang nakasalalay dito, hindi madaling desisyon 'to para sa kaniya.

Kaya pinilit kong mag-isip ng dahilan para makalapit kay Annie.. para makausap siya. Pero wala akong matinong idea. Sa huli, sinubukan ko nalang makiusap. At sa wakas pumayag din siya.

Kaya dahan-dahan akong naglakad palapit kay Annie. Tumabi ako sa kaniya at tinignan kung napansin niya ba ang presensya ko pero walang nagbago sa ekspresyon niya, nanatili iyong blangko.

"Madami akong kwento sayo." Panimula ko. "Nagkaayos na kami ni Kuya Laurence. Papayag na siyang sumama sa'kin papunta kay Dad."

Nakahinga ako nang maluwag dahil dun. Kahit na ba ilang sapak at bugbog ang inabot ko mula sa kaniya, hindi ako nagpatinag. Hindi ko alam kung bakit parang sabay-sabay ang lahat ng pangyayari dahil lalong lumala ang sakit ni dad.

Kailangan ko na ring sundan siya sa Batangas kasama si Kuya Laurence para magkita na sila. Kaya kung aalis si Annie, ayaw ko mang isipin pero baka ito na rin ang huli naming pagkikita.

"Si Sheen naman, babalik na ulit siya sa Aldea next year. Balak niya daw maging doctor, akalain mo yun? Haha! Si Ben, nag-aayos na sa pag-aaral, dahil nung pinakilala siya ni Sheen sa parents niya, ayun, hindi siya tanggap. Nangako nalang siyang magtatapos din siya bago yayaing magpakasal si Sheen." Napailing ako at bahagyang natawa.

Naaalala ko si Evan na siyang pinatawag sa Guidance Office dahil may nagsumbong na nagbebenta raw siya ng marijuana sa school. Wala namang sapat na ebidensya para dito kaya hindi siya naparusahan. Minabuti ko nang hindi na to sabihin kay Annie dahil ayaw kong madagdagan ang mga iniisip niya.

"Namimiss ka na ng barkada. Ilang linggo ka palang nandito pero parang ang tagal tagal na." Hindi ko maiwasang masaktan sa kinahinatnan niya. At some point, sinisisi ko rin ang sarili ko dahil wala ako sa tabi niya nung araw na yun. Maybe something could've changed if she knew I was by her side.

"I.. I broke up with Jen yesterday." Hindi ko nalang talaga kinaya dahil hindi niya naintindihan ang pagdalaw ko dito sa ospital. She still got jealous of her and even prohibited me from seeing Annie. I just couldn't take how irrational she can be.

"Pero ayos lang ako. I think that's just the end of our relationship."

I reached for her hand, it was cold as ice. Then the short time that we spent together flashes back to my mind like a film. Her smile and laughter, her kindness inside. The way she made me feel like I am not alone, the time when we ran over the pouring rain.

I just couldn't accept that I did nothing to give the same affection to her. "I'm sorry, Annie." I tightened my hold on her hand, hoping she'll feel my sincerity. "I didn't know you were in such pain too."

I took the courage to remove my jacket, the same one I wore when we first met at DHS. Pinatong ko yun sa balikat niya. "I won't hide these scars anymore. Aayusin ko rin ang sarili ko pagpunta ko ng probinsya. At sana, kung may pagkakataon man na magkita tayo ulit, sana pareho na tayo na totoong masaya."

"I will always remember our friendship, Annie."

She didn't move at all. But I still hope that she hears me. I wanted to embrace her but I don't know if she'll agree. So I gently tapped her shoulders before getting up. I took one last glance before taking my steps away from her.

The Scars in Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon