Chapter 20

0 0 0
                                    

Warning: Sensitive issues are mentioned in this chapter.

"Wala talaga sa kondisyon yung boses mo ngayon eh. Ipahinga mo muna, Nie." Sabi ni Pres sa'kin. Tumango ako at naupo. Inabutan ako ng tubig ni Sheen.

"Ayos ka lang?" Aniya. Tumango lang ulit ako.

"May problema ba? Sabihin mo naman sa'kin oh. Makikinig ako."

"Wala lang 'to."

Gusto ko sanang magpahinga pero naisip kong mas ayaw ko naman tumigil sa bahay. Kaya pumunta pa rin ako ng practice kahit pakiramdam ko ay magkakasakit ako. Pagod na pagod ako kahit wala naman talaga akong ginawa maghapon.

"Alis na ko." Paalam ko sa kaniya. Hindi na ko tumingin sa iba at basta nalang umalis.

Pumunta ako sa B&P pero wala pala dito ang sadya ko. Ipinagtanong tanong ko kung saan nakikituloy ngayon si Renz. Natagpuan ko siya sa tapat ng isang bahay. Nakaupo siya habang nagkukusot ng mga labahin. Seryosong seryoso siya sa ginagawa na hindi manlang niya napansin na nandito ako. Napapailing na kumuha ako ng mauupuan saka siya tinulungang magkusot. Napatigil siya at tumitig sa'kin. "Sa dami nito, matatapos mo to lahat nang mag-isa?"

"Anong pakielam mo?"

Hindi ko siya sinagot. Kumuha ako ng isa pang batsa at binuhusan yun ng tubig. Mabagal na lumipas ang oras pero nagawa naman naming tapusin lahat. Saktong pagkasampay namin ay lumapit sa'min ang isang Ale. Binigyan niya si Renz ng dalawangdaan. Bumuntong hininga lang ako nang mapansin ang sugat-sugat na kamay niya.

Naupo kami sa isang tindahan. Bumili siya ng dalawang RC para sa'min. Ilang minuto kaming tahimik lang habang pinapanood yung mga batang naglalaro sa daan.

"Ru-rumaraket ako paminsan-minsan. Mas gusto nung mga tao dito na sa'kin magpalaba kasi mabilis akong kumilos tsaka..." Iwas ang tingin na aniya.

"Tsaka nagpapabayad ka nang ganon kababang halaga." Dugtong ko.

"W-wala namang mali dun. Hindi lang to yung raket ko, ha. May panlalake din akong trabaho-"

"Sinong may sabing pambabaeng trabaho lang ang paglalaba?" Mahinahong tanong ko.

"Di naman yun yung ibig ko sabihin-"

"Yun ang dating sa'kin." Bumuntong hininga ako. "Di mo kailangan mahiya."

"Bakit mo ba ko pinuntahan dito?"

"Samahan mo si Adam papuntang Batangas." Direktang sabi ko. Kumunot agad ang noo niya. "May taning na ang buhay nung tatay niyo. Alam kong gusto mo manlang siya murahin bago siya mamatay."

"Di ko siya kailangan makita."

"Ikaw lang ang masasandalan ni Adam. Hindi ko alam kung maaasahan ba yung ibang kamag-anak niya. Pero sigurado akong di niya kakayanin mag-isa kapag nawala pa yung nag-iisang magulang niya. Walang ibang poprotekta sa kaniya dun bukod sayo."

"Tangina, bakit ko gagawin yun?" Gitil na aniya. "Annie, ilang beses ko palang nakakausap yang kaibigan mo. At isang beses ko palang nakikita yung tatay ko sa tanang buhay ko! Tingin mo, gugustuhin kong magpakahirap sa pagprotektang sinasabi mo? Isa pa, ano bang magagawa ko kapag pumunta ako dun? Makinig sa huling salita niya? Mag-speech sa lamay niya?!"

"Sa tingin mo, pinapauwi ka ng tatay mo dahil lang sa gusto ka niyang makita? Renz, hindi lang yun yung dahilan! Alam mo ba yung yaman na maiiwan niya kapag nawala siya? Mag-isip ka nga!"

"Wala akong pakielam sa pera niya, Annie! Gusto niya dalin niya pa yun hanggang hukay niya!"

"Kaya nga ikaw lang yung mapagkakatiwalaan ni Adam! Hahayaan mo talagang pabayaan sa kamay ng iba yung pinaghirapan ng tatay nyo? Pano kung agawin yun ng kung sinong ganid na tao? Wag naman sana pero walang matitira ni singko sa kapatid mo at sayo!"

The Scars in Our HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon