Tinanggal ko ang shades ko nang makalabas ako sa airport at lumanghap ako ng simoy ng hangin. Finally nasa pilipinas narin ako so how many years. Namiss ko dito.
Hmm
So peaceful-
Bang! Bang!
"Ay p*nyeta!" Bigla akong dumapa ng marinig ko ang putok ng baril . Marami narin ang nagtatakbuhan. Nagkakagulo na dito sa labas ng airport, ang iba ay nagsipasukan sa loob.
Letche kararating ko lang putukan agad!
"Sheina!" Biglang may tumawag sa akin luminga linga ako. And there I saw Kean and burnok.
"Dito,bilis!" Tawag sa akin, pagapang akong lumapit sa kanila. Hila hila ko pa ang maleta ko.
"Bilisan mo!" Galit na sigaw sa akin. Teka lang naman.
Nang malapit na ako sa kanila kinuha agad ni Kean ang maleta ko. At mabilis akong sumakay sa kotse.
"Ano ba hindi diyan!" Sigaw niya sa akin.
Dito kasi siya nakaabang kaya akala ko ito ang ginamit niyang kotse pansundo sakin.
"Eh sa'n ba?!" galit ko ring sigaw. Nagkakagulo na kasi ang lahat.
"Dito!" Kumampay pa siya. Dagli akong lumabas sa kotse at sumunod sa kaniya, mabilis ang hakbang niya kaya sakin mukha na akong tumatakbo, at kapag may naririnig na putok ng baril tinatakpan ko ang tainga ko.
Ano 'to, kararating ko lang putukan agad?!
Nakarating kami dito sa pinakahuling parte ng airport, at nakita kong sumakay si kean at si Burnok sa tricycle. Nauna pa sila sakin sumakay.
"Ano pang hinihintay mo,sumakay kana!" Sigaw ni Ingo sakin. Bweset. At mabilis na akong sumakay, hindi ko pa nga naipapasok ang isa kong paa pinaandar na, buti nalang hindi ako na saktan, dahil kong nagkataon, lagot sakin ang mga 'to.
"Ano bang nangyayari, bakit may putukan?!" Sigaw kong tanong sa kanila.
Mahigpit akong kumapit dito sa loob ng tricycle,ewan ko kung anong tawag dito,basta may hawakan.
"Gusto ka nilang patayin!" Sigaw niyang sagot, nakafocus siya sa daan. Siya kasi ang nagmamaneho ng tricycle.
"Ano?! Ako?! Gustong patayin?! Anong kasalanan ko sa kanila?! At kararating ko lang naman paano ako nagkaatraso sa kanila?!" Nagulat ako don kasi wala naman akong inagrabyadong tao, at mabait akong tao at isa pa,wala naman ako dito in 5 years!
"Ah basta huwag kanang magtanong diyan, hinahabol na nila tayo!" Sabi niya, dagli akong lumingon, and omygush! Hinahabol nga nila kami!
"Ano ba, bilisan mo ang pagmaniho mo nitong tricycle, nandyan na sila!" Sigaw ko. Nag-aalala ako dahil baka maabutan kami, lalo pat nakakotse ang humahabol sa amin at kami hito tricycle lang!
"Kumapit kang mabuti!" Sigaw niya. At kumapit akong mabuti. Mas binilisan niya.
Aray ang sakit sa pwet, baku-bako kasi ang daan, Hindi pa narerenovate 'tong daan eh.
Narinig ko nalamang ang putok ng baril.
"Ahh!" Sigaw ko dahil sa takot.
"Ano ba bilisan mo!" Sigaw ko sa Ingo na'to sobrang bilis kasing magpatakbo nitong bulok na tricycle.
"Binibilisan ko na nga eh!"
Bang! Bang! Bang!
Paliko-liko kami sa daan.
BINABASA MO ANG
GIN HIHIGUGMA KITA
ActionSi Sheina ay umuwi sa pilipinas upang takasan ang arrange marriage. Ngunit sa kaniyang pagdating magsisimula ang panganib sa kaniyang buhay. Not edited story yet