Chapter 21

1 0 0
                                    

"Mula ng aking masilayan tinataglay mong kagandahan" pagsisimula ni Ingo sa pagkanta. Mabilis kaming nagsisilip sa bintana. Si Ingo nga ang kumakanta. Masasabi kong may talent siya sa pagkanta.

"Di na maawat ang pusong sayo ay magmahalpagpapatuloy niya sa kanta. Kinikilig naman sina tita at bakla at ang nga pinsan ko pati rin ang mga pamangkin ko.

Sino ba kasi ang hinaharana niya.  Pero sakin siya nakatingin. So ako. Psh

Pinakinggan ko ang kanta niya.

/



/

"Halika, tuloy ka Ingo" Sabi ni auntie.

Tumuloy sila, inayos muna ni auntie ang mga nakakalat na pasalubong ko sa lamesa, pagkarating sa sala nina Ingo, sunod naman na dumating ang mga pagkain.

L*tche busog pa ako eh.

"Silang, para sayo?" Binigay ni Ingo sakin ang pulang bulaklak. Nag 'ayyiee' naman ang mga pinsan ko.

Naparoll eyes ako pero tinanggap ko parin.

"Ayiieee" Sabi nilang lahat.

"Umupo ka" pagyaya ko sa kaniyang umupo.

"Kumusta kana?" Tanong niya agad.

"Ayos lang" tipid kong sagot. Medyu nahihiya ako, hindi kasi ako sanay na ginaganito. Masyadong pormal.

"Ayiieee!" Mga lokong pamilya. Baka kung anong isipin ni Ingo. Napapakamot nalang ako sa batok.

Nang mapansin ni auntie na parang nahihiya ako.

"Magsitulog na kayong lahat, sigi na may pasok pa kayo bukas" Sabi ni auntie sa mga pinsan ko.

"Sayang naman oh gusto ko pang marinig yong usapan nila eh" pagrereklamo ng Isa kong pamangkin.

"Wag kanang masyadong chismosa ikekwento ko nalang sayo bukas" Sabi ni bakla na malapad ang ngiti sabay taas baba ng kaniyang eyebrows.

"Ikaw rin bakla, matulog kana hindi pwedeng nagpupuyat ang mga bakla sa ganitong oras" Sabi ni auntie

"Bakit naman po mommy?" Curious na tanong ng anak niya. Medyu ngumisi si auntie

"Dahil nakaka_____ yon sa mga bakla" at nagtawanan ang mga pamangkin ko. Sinamaan naman sila ng tingin ni bakla.

"Mommy, ayoko pa pong matulog kasi gusto ko pang kumain sa mga dala ni kuya Ingo" nakangusong sabi ni Bimboo. Natawa nalang sila

"Sira, di naman para sayo yan, para kay Sheina Marie naman yan eh"

"Mommy oh, si tito bakla" sumbong ni Bimboo kay auntie. Binatukan ni auntie si bakla. Sinabihan niya kasing sira alam niyang bata ang kausap eh, ayan tuloy, napakamot nalang siya sa batok.

"Oo mamaya na gigisingin ko nalang kayo kapag kainan na, okay?" Tumango naman si Bimboo at matakbo pumasok sa room niya.

"Promise yan ha?" Sabi pa nito nang nakasilip sa pinto tumango naman si auntie. Nagsisunuran naman ang iba.

"Pati rin ako auntie, gisingin mo rin ako" Sabi ni bakla at hindi na hinintay ang sasabihin ni auntie at pakimbot na itong pumasok sa room niya.

Nakahinga naman na ako.

"Take your time, Wala ng makakaabala sa inyo, asikasuhin ko lang 'tong mga dala mo Ingo" Sabi ni auntie at nagpaalam na at pumasok sa kusina.

Bumaling ang tingin sakin ni Ingo at ngumiti.

Sheesh..

May gusto parin 'ata 'to.

"Kumusta kana" ako naman ang nagtanong sa kaniya, Hindi naman ako ochusira pero parang may nagsasabing may dapat akong malaman about sa kaniya.

"Heto buhay na buhay" sagot niya, sinamaan ko siya ng tingin para kasing, pinapaalala niya sakin ang nangyari sa kaniya nong una, yong nabaril siya.

"Are you reminding me of what happened 5 years ago?"

"Bakit mo naman naitanong 'yan? Kinalimutan ko na nga yan eh" Sabi niya

"Eh sabi mo buhay na buhay, eh ang naalala ko nag aagaw buhay kana non eh. Naalala ko kasi ang salitang buhay kaya nagflashback sa utak ko ang nangyari" Sabi ko sa kaniya. Nginisihan lang niya ako.

"Talagang sasabihin ko sayong buhay na buhay ako dahil buhay na buhay naman talaga ako ngayon. Alangan namang sabihin kong Patay na Patay eh buhay na buhay naman ako" Pagpapaliwanag niya, may ngisi pa siya. "At isa pa, kalimutan mo na ang nangyari noon, ang importante ang ngayon" dugtong pa niya.

"Btw bakit bigla kang nagglow up?" Pag iiba ko ng usapan, mas lumapad ang ngiti niya.

"Mas lalo na ba akong gumwapo?" Nakangisi niyang tanong. Hindi ko na kayanan ang titig niya kaya inalis ko ang paningin sa kaniya.

Ba't parang nahihiya ako?

I think normal lang 'to lalo nat 5 years kaming hindi nagkita.

"A-anong gumwapo, mas lalo ka ngang pumangit eh" pagde-deny ko. Mas lumawak ang ngiti niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Talaga ba?" Sabi niya. At sumandal sa upuan, ini-spread niya ang mga kamay niya sa sandalan ng upuan at nakapandikwtro pa ang upo, habang nakatingin sa akin.

"Mukha ba akong nagbibiro? At pwede ba ikwento mo nalang sa akin kung paano ka nagkaroon ng kotse eh ang mahal na mahal niyan!"

"Yon lang ba ang gusto mong pag-usapan natin?" Tanong niya.

"Bakit meron pa ba? May pa harana- harana kapang nalalaman eh" paliit ng paliit ang boses ko na don sa dulo.

"Syempre para naman ma experience mo kung paano ang feeling ng hinaharana, eh wala namang naghaharana Sayo kundi ako lang" nangunot ang noo ko sa kaniya ng sabihin niya non. "Ewan ko nga kung may nanliligaw sayo eh, dahil yong daddy mo nalang ang naghahanap ng lalaki namapapangasawa mo" dugtong niya pa, nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. Binato ko siya ng tissue, bweset siya.

"Hoy! Anong walang nagkakagusto sakin?! Fyi huh. Madaming nagkakagusto sakin. Nagawa lang yon ni dad kasi anak yon ng kaibigan niya!" Pagdedepensa ko sa sarili ko. Nakita ko siyang tumatango tango.

"So, kumusta na kayo ngayon ng ASAWA mo?" Talagang may diin yong Asawa ha.

"Okay lang naman kami" pagsisinungaling ko. Natutok ang paningin niya sa akin halatang nagulat kalaunay nangunot ang noo. Natawa ako ng palihim dahil sa naging reaction niya. Gusto ko lang makita ang reaction niya. Siguro na realize na niya ngayon na dapat hindi niya ako hinarana kasi may Asawa na ako haha.

"Bat ganiyan ang reaction mo, nabigla ka kasi may Asawa na ako? Di ba sinabi ko na yon sayo dati, na kapag nagkita kami ni dad matutuloy talaga ang kasal namin ni Francis. Pero hindi ko yon pinagsisihan naging okay na kasi ang lahat eh"

GIN HIHIGUGMA KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon