Kinabukasan nag order ako ng pagkain. Para sa breakfast namin ni Ingo. Kagabi wala akong ganang kumain kaya hindi ako kumain pero nag order ako ng pagkain para kay Ingo. Binalik ng delivery boy ang pagkain sa akin, dahil ayaw daw siyang pagbuksan. Pinakisuyo ko kasi sa kaniyang ibigay iyon sa katabi kong room pero hindi siya pinagbuksan nito. Kaya binigay ko nalang sa kaniya ang pagkain na 'yon, ayaw pa ngang tanggapin kasi nakakahiya daw, pero pinagpilitan ko at sa huli tinanggap din at nagpasalamat.
Dumating ang order ko. Kumukulo pa nga ang tiyan ko, nang tanggapin ko ang order ko, pero hindi ko na iyon pinansin kung narinig iyon ng delivery boy. Pagkaalis ng delivery boy. Kumatok ako sa pintuan ni Ingo. Ilang beses muna akong kumatok bago ako pagbuksan. Akala ko nga hindi ako pagbubuksan eh dahil sa nangyari kahapon, baka mainit pa ang dugo niya sa akin. Simple akong ngumiti sa kaniya yong hinding ngiting ngiti. Wala siyang ekspresyon. Hindi galit at hindi rin masaya. Pano siya sasaya pagkatapos ang realization o confession ka gabe. Until now naguguilty parin ako.
"Ahm p-pagkain" yon na lamang ang nasabi ko, pinakita ko pa sa dalawa kong kamay ang paper bag na may lamang pagkain. Medyu tumabi siya at ewan ko gusto yata akong papasukin. Kaya dahan dahan akong pumasok, sinarhan niya ang pinto, pinauna ko muna siya maglakad palapit sa kama niya. Tinuro niya ang kama siguro pinapalagay sa kama ang pagkain. Pumasok siya sa banyo niya. Sinuri ko ang buong kwarto. Ang linis.. di tulad don sakin na nakakalat ang mga damit ko sa kama. Umupo ako sa kama at inilabas ang mga pagkain, actually hindi pa ako nakakain, nagugutom narin ako. Ang tagal niya sa Cr, ano ba ang ginagawa niya don at ang tagal niya.
OPPS self wag kang mapikon ha, habaan mo ang pasensiya mo, Wala kang karapatan para magalit diyan.
Kaya no choice ako kundi maghintay.
After 30 minutes lumabas na siya.
Nakatapis ng puting tuwalya. Basa pa ang buhok niya at ang dibdib niya. Lumabas siya ni hindi manlang ako tinapunan ng tingin, dumiretso lang siya sa may cabinet at may kinuha doon. Pagkatapos ay..magsusuot yata ng brief kaya sumulyap sa akin aakto na para isuot iyon tinignan niya ako ng nakakalokang tingin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.
"Ano pagmamasdan mo ako habang nagbibihis?" Tanong niya. Hindi parin ako makagalaw. Ilang Segundo ang lumipas ganon parin ako di gumagalaw. Nakita ko nalang na tinapon ang brief niya pabalik sa cabinet. At naglakad palapit sa akin este sa kama at umupo. Kumuha siya ng pagkain at kinain iyon ni hindi manlang nanginvite.
"Akala ko ba umalis kana?" Tanong niya sakin habang ngumunguya ng pagkain. Doon lang ako na himasmasan.
"H-hinintay kita eh" Sabi ko habang tinitignan siyang kumakain. Biglang kumulo ang tiyan ko. Tinignan niya ako. "Ahh,,hindi pa kasi ako kumakain kasi hinihintay kita" Sabi ko ng nahihiya, ibinaba ko pa ang paningin ko.
Suminyad siya sakin.Tinuro niya sa akin ang pagkain. At nakita ko siyang kumagat ng fried chicken. Kaya kumuha narin ako at kumain. Tahimik kaming kumain. In-enjoy ko nalang ang pagkain ko ganon din siya.
Nakatapis lang panaman siya ng tuwalya at walang underwear.
Pero hindi ko na inisip iyon.
Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.
Natapos na ang pagkain namin at inipon ko na ang basura at inilagay sa basurahan.
Nahalata niyang hindi parin ako umaalis kaya sumulyap siya sakin at tinaasan ako ng kilay. Naibaba ko ang paningin ko. Guilty parin.
"Tinawagan ko na si Dad kagabi, pupunta siya dito sa pilipinas, sinabi ko na rin sa kaniya ang lahat." Ginawa ko yon para wala ng mapahamak sa amin. "Ang alam niya lang 'yong nagcheat si tita sa kaniya meron kasing nakapagsabi sa kaniya na may kinakasama si tita at meron siyang evidence kaya napaniwala agad si dad. Sinabi ko rin sa kaniya na si tita-gusto niya tayong ipapatay, ikinagulat nga niya yon eh hindi pa siya naniniwala kaya ang sabi niya paiimbistigahan daw niya muna" Pagpapaliwanag ko sa kaniya. Mahinahon lang. Nakikinig lang siya sakin. "Kapag daw naayos na ang lahat babalik na kami ng Florida at aayusin na ang kasal namin ni Francis" Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko, I don't know why. Pinakititigan niya ako at makikita sa kaniya ang pagkalungkot sa mga mata niya. Ibinaling niya sa ibang direction ang paningin niya at naisandal niya sa pader ang kamay niya, halatang disappointed.
Ang tahimik sa loob ng room.
"Mabuti narin 'yon para matahimik na ang lahat, Hindi ka narin mapapahamak, Ingo" Sabi ko sabay tulo ng luha ko, yon lang naman ang gusto ko ang maging safe siya, na guilty na kasi ako sa pagkawala ni Aling Facita, at ayokong mawala rin siya. Buhay na ng tao ang nakasalalay dito. Sobra na akong mababaliw sa pagiging guilty. Kaya ngayon palang kailangan ko nang tapusin ang lahat. Kaya I ask for dad's help. Para maging okay na ang lahat.
Nakita ko si Ingo na nakatingin sakin, nakatukod parin ang isa niyang kamay sa pader at tinanggal iyon at dahan dahang naglakad palapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko. Habang nakatingin kami sa isat isa. No one wants to break the silence. Our eyes are the ones talking to each other.
"Kung yan sa tingin mo ang tama-" Sabi niya at dahan dahang tumatango. I can feel his hard grip on my shoulder "Gawin mo" pero sa mata niya I could see his pain and disappointment.
Dapat hindi niya maramdaman 'to, siya pa nga 'yong nag udyok sakin dati na e report 'to sa mga police kahit na sinabihan ko siyang malalaman ni dad. Pero ngayon parang he regretted it. Alam ko namang may gusto siya sa akin eh. Pero dapat niyang kalimutan iyon. Dahil masasaktan lang siya kapag pinagpatuloy niya pa.
"Making you safe is my priority, Kasi sabi mo nga diba ako ang dahilan kung bakit nasa panganib ka ngayon- at ako ang dahilan kung bakit nawala ang kaisa isa mong pamilya.." and here again, can't stop my tears falling down while my heart aching's again.
" Ingo.. palagi akong binabangungot sa mga nangyari, hindi ko intension ang mawala ang nanay mo, hindi ko kaya.. hindi ko kaya, ang sakit, sobra akong naguguilty! huhuhu" Mas lumakas pa ang hagulgol ko. He embraced me.
BINABASA MO ANG
GIN HIHIGUGMA KITA
ActionSi Sheina ay umuwi sa pilipinas upang takasan ang arrange marriage. Ngunit sa kaniyang pagdating magsisimula ang panganib sa kaniyang buhay. Not edited story yet