Chap 9:

2 0 0
                                    

No one's pov.

"Sigurado ka bang dito nagtatago ang anak ni Hernandez?" Tanong ng malaking lalaki panay ang hithit ng sigarilyo niya.

"Oho boss, Doon sila nakatira sa mag-asawang Edna at Tomas, sundan niyo lamang ang daan na ito at makikita niyo doon na may nakapark na puting kotse, don ang bahay ng mag-asawa" turo ng lalaki.

"Kung ganon, heto ang isang libo, bahala kana dito, tara mga kasama" yaya ng lalaki sa mga kasamahan niya.

"Boss tika lang boss!"

"Oh ano pang kailangan mo,naibigay na namin ang sweldo mo!" Sabi ng malaking lalaki

"Pero boss hindi naman ganito ang usapan natin, ang sabi mo singkwenta mil ang ibabayad niyo sa akin pero bakit Isang libo lang?" Reklamo ng lalaki

"Oh bakit nagrereklamo ka?! Ha?!"kinuwelyuhan niya ang nagrereklamong lalaki at aaktuhang susuntukin.

"H-hindi boss! Hindi boss!" Takot na takot ang lalaki at mangiyak ngiyak pa, napapasabunot pa sa buhok niya. Halatang hindi nagustuhan ang trinato sa kaniya ng mga lalaking 'yon, kasi niloko siya.

"Lang 'ya nabudol ako ng mga lalaking 'yon!" Pagmamaktol ng lalaki

"Hoy Pedro, sino ang mga 'yon? Bakit muntik kanang sapakin?!" Sigaw sa kaniya ng kumadre niya.

"Binudol ako! Ang usapan namin kapag tinuro ko kung saan nagtatago ang anak ni Hernandez at yong Ingo ang pangalan ay bibigyan nila ako ng singkwenta mil, eh ang binigay Isang libo lang!" Inis na paliwanag ni Pedro.

"Ganon ba eh ang tanga mo kasi" Sabi ng kumadre niya

"Hoy Pising! Anong sabi mo ang tanga ko?!" Pagkaklaro niya

"Oo tatanga tanga ka kasi, sa mga hitsura non mamimigay ng singkwenta mil? Ha! Himala!" Napakamot nalang sa ulo si Pedro. "At tika nga bakit ba hinahanap nila sina Sheina at Ingo? May mga dalang baril panaman ang mga lalaking 'yon"pang uusisa ng chismosa ay este kumadre ni Pedro.

"Eh aba malay ko tanungin mo sila!" Sagot ni Pedro. "Oh Sige aalis na ako" halatang problemado si Pedro.

"Hi Pedro, mag o-one night stand ba tayo mamaya?" Sinalubong ng pokpok si Pedro dahil alam niyang may pera ito.

"Waru-one night stand kapa! Umalis ka diyan ang mabaho mo!" Pagtataboy ni Pedro sa pokpok

"Wow ha mas mabaho kapa nga eh hindi ka marunong maghugas ng pwet mo, che!" At nilampasan niya si Pedro.

"Aaahahahahaha!" Tawanan ng mga nakarinig

"Anong tinatawa tawa niyo ha?!" Natakot ang mga tao kay Pedro.
____

"Sino ang mga taong 'yan? Bakit may mga baril?"  Usisa ng mga tao sa grupo ng mga lalaki.

____

"Ingo oh, Ang ganda nito diba?" Tanong ko kay Ingo

"Oo, bagay na bagay yan sayo, gusto mo bang isukat ko sayo?" Alok niya sakin. Tumango naman ako.

"Oh ayan ang ganda grabe, sobrang bagay sayo,Silang!" Halata naman sa expression mo sabi ko sa sarili.

"Ah miss magkano 'to?" Tanong ko sa nagtitinda nang mahubad ko ang kwentas.

"Singkwenta ho iyan, miss, bagay na bagay sayo, Lalo na kayo ng boyfriend mo" Sabi ng nagtitinda ng kwentas.

"Haha tama ho kayo miss" sang-ayon naman ni Ingo.

"Umalis ka nga diyan ingot" biro ko hindi ko na siya hinintay na magsalita, natatawa lang ako sa reaksiyon niya  at binayaran ko na ang kwentas.

"Kanina mo pa tinitignan ang kwentas na yan" nakasakay na kami ng sasakyan

"Eh anong paki mo, ang ganda naman kasi nito eh" Sabi ko habang tinitignan ang kwentas

"Tsk" Hindi na niya ako ginulo.

Malapit na kami sa barangay nila Aling Edna galing kasi kami sa palengke namili ng karneng baboy. Bigla kaming hinarang ng lalaki panay inom sa bote ng alak, buti nalang naihinto agad ang kotse.

"Ano ba, bat bigla bigla kang humaharang!" Sigaw ni Ingo sa lalaki nakasilip siya sa bintana.

"K-kayo! Kanina pa kayo pinaghahanap ng mga lalaki! San ba kayo nagpupupunta ha? Bilisan niyo mga gonggong!" Malasing lasing na sabi ng lalaki kung hindi ako nagkakamali siya si Pedro.

"Teka nga Teka nga sino bang mga lalaki?!" Nalilitong tanong ni Ingo.

"Mga lalaking mga sira ulo! binayaran ako para ituro kung nasaan kayo pero niloko lang nila ako!" Sagot ni Pedro halatang lasing na at uminom sa bote ng alak. Beer ang iniinom niya.

"Sino naman kaya ang mga yon?" Tanong ko

"Ewan puntahan nalang natin kung sino ang naghahanap satin" suhestiyon niya tumango naman ako.

Malayo palang kina Aling Edna pinark na namin ang kotse kasi walang sinisilungan ng kotse doon eh kaya dito nalang kasi may bubong.

"Ako na ang magdadala,Silang" tukoy ni Ingo sa mga pinamili namin sa palengke.

"Hmm" at binigay ko sa kaniya.

Naglakad na kami panay tawa kami kasi kwento siya ng kwento ng kung ano ano tapos nakakatawa pa!haha

Panay tawa kami, hindi namin inaasahan na makakasalubong pala namin ang grupo ng mga lalaki, biglang ngumisi ang malaking lalaki, tinapon niya ang sigarilyo niya habang nakatingin sa amin.

"Sa wakas! Nagtagpo muli tayo!" Napaatras kami ng dahan dahan, nakita namin na huhugutin na ng lalaki ang baril niya kaya kumaripas na kami ng takbo!

Bang! Bang! Bang!

"Ahhhhhh" rinig kong sigawan ng mga tao.

"Silang, dito!" Sigaw ni Ingo.

Mabilis kaming tumakbo kahit saan saan nalang basta makatakas kami sa mga taong gustong pumatay sa amin.

"Ah!" Natalisod ako

"Ayos kalang?" Huminto siya sa pagtakbo, at tinulungan ako

"Oo ayos lang ako" tinanggap ko naman ang kamay niya.

"Tara dito tayo" nagtago kami sa abandonadong train.

Nang makasigurong wala na ang mga humahabol. Malakas ang paghinga napasandal pa ako sa makalawang na train.

"Ayos kalang ba, Sheina?" Alalang Tanong ni Ingo

"Hanggang kailan tayo magtatago, Ingo?" Nawawalang pag asa kong tanong.

"At hanggang kailan tayo magiging tanga, kung Sabihin nalang kaya natin 'to sa mga police?" Suhestyon niya.
"Matutulungan pa tayo at mapoprotektahan sa mga taong gustong pumatay sa'tin" dagdag pa niya, nakapag-isip isip ako. Siguro tama ang sinabi ni Ingo, magsumbong nalang kami sa mga pulis. Ngunit kapag nalaman ito ni dad, paniguradong pauuwiin niya ako, at ipapakasal sa anak ng kaibigan niya.

Umiling iling ako.

"Hindi? Ayaw mo? Bakit?" Tanong ni Ingo. Tinignan ko siya.

"Dahil kapag nangyari 'yon, baka malaman 'to ni dad at paniguradong pauuwiin niya ako pagkatapos at ipapakasal don sa lalaking diko naman mahal!"

GIN HIHIGUGMA KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon