"Ingo, samahan mo si Silang sa likod kayo dumaan,bilisan niyo!" Natatarantang sabi ni Aling Facita. Natunton kasi ako kung saan ako ngayon. Mabuti nalamang at dumating ang Isa kong kababatang babae na si Sherrie upang ipaalam na natunton ako ng mga taong pumapatay sakin.
"Omg! Ako, ako sasama pa ho ba ako??" Natatarantang tanong ng pinsan kong bakla.
"Umalis ka diyan, bakla, nakakaharang ka sa daan!" Pagtataboy ni Ingo kay bakla.
"Wag kanang sumama ipaalam mo 'to sa auntie mo, bilisan mo!" Sigaw ni Aling Facita kay bakla.
"Oo, Oo, ipaaalam ko ito!!" At kumaripas na siya ng takbo.
Kami naman ay sa likod kami dumaan at mabilis na tumakbo.
"Bilisan mo ang bagal bagal mo!" Sigaw sakin ni Ingot. Bweset talaga anong kalseng bakasyon 'to, bakasyon pa ba'to?
"Aray!" Sigaw ko dahil nadapa ako. Mabilis niya akong tinulungang tumayo.
"Ang lampa lampa mo kasi! Bilisan mo!" Pambihira, kasalanan ko pa ngayon?! Tag-ulan kasi dito kaya maputik at madulas ang daan!
Mga nagaganap sa bahay nina Ingo.
No one's pov."Nasaan ang anak ni Hernandez?!" Tanong ng lalaki sa nanay ni Ingo.
"Hindi ko alam!" Pagsisinungaling ni Facita.
Sinaktan siya gamit ang mahabang baril.
"Uulitin ko, tanda, nasaan ang anak ni Hernandez?! Kapag hindi ka sumagot! Papatayin kita!" Banta ng lalaki sa matanda.
"Boss mukhang dito sila dumaan!" Sigaw ng Isa pang lalaki. Ngumisi ang lalaking nagbanta sa matanda. At bigla niyang binaril ang matanda ng walang awa. Makikita ang pagdaloy ng dugo sa sahig.
"Habulin niyo sila!" Utos nito. At mabilis namang sumunod ang mga kasamahan nito.
Kasalukuyang tumatakbo sina Silang at Ingo sa kagubatan. Habang si Ingo ay walang kamalay malay sa mga naganap sa kanilang tahanan.
Bang! Bang! Bang!
Napapasigaw ako dahil sa putok ng baril, mabuti at hindi kami natamaan.
"Habulin sila!" Rinig kong utos ng lalaki sa mga kasamahan niya.
"Bilisan mo,Silang, nandito na sila!" Sabi sakin ni Ingo.
Nakarating kami sa mahabang tulay malapit sa mga bahay bahay, at doon nagtago.
"Talasan niyo ang paningin niyo, nandiyan lamang ang mga yan!" Sabi ng lalaki. Mas nagtago pa kami ng maigi. "Do'n!" At nang hindi nila kami makita ay linampasan na nila kami. Nakahinga naman na ako ng malalim.
"Alam mo ba ng dahil sayo pati ako ngayon pinaghahanap na rin nila at gustong patayin, kasalanan mo talaga 'to!" Naglalakad kami ngayon sa kalsada.
"Eh bakit sinabi ko bang tulungan mo ako? Samahan mo ako? Eh kusa ka ngang sumasama sa akin eh!" Buwelta ko naman.
"At 'yan pa talaga ang sinasabi mo sa akin? Na imbes magpasalamat ka, sinisisi mo pa ako!"
"Sinisisi? eh ikaw nga diyan ang naninisi sakin eh na puwera na ako ang dahilan kung bakit ka na damay!"
"Dahil ikaw naman talaga!"
"Ako nga ang dahilan kung bakit ka nanganganib ngayon, pero sinabi ko bang tulungan mo ako samahan mo ako?! Wala diba?! Kaya wag mong isisi sakin kung bakit ka nanganganib ngayon dahil in the first place hindi ako nakiusap sayo na tulungan mo ako!" Mahaba kong paliwanag sa kaniya. Desisyon niya ang sumama sakin kaya wala dapat siyang ikagalit sakin dahil wala akong kasalanan!
"Kung gayon, hanggang dito nalang kita masasamahan, bahala ka kung saan ka magpunta ngayon, bahala ka sa buhay mo!" Sabi niya at tinalikuran ako, 'lang 'ya siya.
"Sige! Akala mo hindi ko kaya ang mag-isa, kaya ko ang sarili ko!"
Tinalikuran ko rin siya. Naglakad siya papunta doon sa kaliwa at nalakad naman ako sa kanan."Hello, Nanny? Can I talk to dad? Please?" Kausap ko ngayon si Nanny sa telepono. "Ah ganon po ba, oh sige po, okay po, don't tell dad na tumawag ako ngayon, okay sige" napabuntong hininga nalang ako. Aalis na sana ako dito sa tindahan ng may tumawag sakin.
"Sheina?!" Nilingon ko kung sino 'yon.
Ngumiti ako ng makita kung sino."Oy Osang!" At nagyakap kami.
"Grabe ang ganda mo at ang tanggad mo pa" Sabi niya.
"Nako ikaw nga 'tong gumanda at tumanggad eh!" Natawa nalang kami pareho.
"Anong ginagawa mo dito,diba nasa ibang bansa ka?" Napakamot nalang ako sa batok, nahihiya ako ngayon sa hitsura ko! Alam ng lahat na nasa ibang bansa ako tapos makikita nilang ganito ang hitsura ko! Nakakahiya.
"Ah kararating ko lang kahapon,at medyu nagkaproblema lang kaya ako nandito, tapos.. 'ayon hindi ko inaasahan na may mas malaking problema din pala dito" mahiya hiya kong sabi.
"Gusto mo pumunta kanalang muna sa bahay? Para makapagkwentuhan tayong dalawa?!" Excited niyang sabi. Tumango na ako kaysa naman palaboy laboy ako dito sa labas baka mamaya madatnan pa ako ng mga taong gustong pumatay sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?!" Sabay naming sigaw ni Ingo sa isat Isa, pareho kaming nagulat. Nandito din pala siya!
"Akala ko ba magkakaniya kaniya na tayo,bakit mo ako sinusundan?!" Sigaw niya sakin.
"Aba anong sinusundan? Hoy,Ingot! Hindi kita sinusundan,no, at ba't naman kita susundan,huh?, ang assuming mo naman!" Angal ko
"Teka nga teka nga, ano ba kayong dalawa? ano bang nangyayari sa inyo bakit ang init ng mga dugo niyo sa isat? Isa? Huh?" Pumagitna samin si Osang.
Nahiyang kaming dalawa at dahan dahang umupo
"Eh 'yon nga ang dahilan Osang eh kung bakit ako palaboy laboy sa labas-"
"Dahil magkaaway kayo ni Ingo?" Agad niyang tanong, nangunot ako at mabilis na umiling.
"Hindi yon, Hindi yon" pagtanggi ko "May mga tao kasing gustong pumatay sa akin eh-"
"Ano?!?" Sabay sabay nilang tanong. Halatang nagulat. "May gustong pumatay sayo?! Sino?!" Si ingot?!" Dugtong pa nila. Natawa ako.
"Anong ako, hoy, mukha ba akong criminal huh?!" Depensa ni ingot. "At fyi huh? Hindi ingot ang pangalan ko! Ingo! In-go! Ingo!" Pagkaklaro sa pangalan niya.
"Hahaha alam po namin Mr. Ingot- este Mr. Ingo" Sabi ng makulit naming kaibigan nasi Mayang.
"Ang pangit naman ng pagdating mo dito,Silang, kararating mo lang putukan agad? Hindi manlang pinalampas na makauwi ka muna sa inyo ng ligtas!"
"Oo nga!" Agree nila Mayang at Freddie "Grabe sila!"
"At bakit Shiena pumunta kapa dito sa pilipinas, nanganganib tuloy ang buhay mo!" Sabi naman ni Freddie
"Eh Malay ko bang nanganganib ang buhay ko dito, kung alam ko lang hindi sana dito ang punta ko! Basta makaalis lang ako don sa malaimpyernong bahay na 'yon Doon!" Inis kong sabi, natutok ang mga paningin nila sakin.
"Bakit anong meron don sa bahay nyo sa Florida?" Takang tanong ni Mayang naghihitay naman ng sagot ang iba.
"D*m*nyo*!" Mabilis kong sagot.
BINABASA MO ANG
GIN HIHIGUGMA KITA
ActionSi Sheina ay umuwi sa pilipinas upang takasan ang arrange marriage. Ngunit sa kaniyang pagdating magsisimula ang panganib sa kaniyang buhay. Not edited story yet