Third person
Si Sheina ay nagtago sa taas ng puno at inihanda na niya ang kaniyang AK 47 na baril. Nagkagulo ang mga tauhan ni Edwardo ng bigla siyang magpaputok at dalawa sa tauhan ni Edwardo ay natamaan ng bala agad.
Makikitang nagsipagtago ang mga kalaban. Nang Isa sa mga ito ay nakita siya, agad siyang tumalon sa puno at nagtago. Kinuha niya ang nakatago niyang baril sa may hita niya. Mabilis niyang itinutok ang baril sa kalaban at agad na pinaputukan.
Naglakad siya ng nakataas parin ang kamay at nakatutok ang baril sa daan.
Nang may biglang sumulpot na kalaban, inunahan niya ito bago pa siya nito mabaril.
Mabilis siyang tumakbo at nagtago sa pader at mabilis na sumilip at pinaputukan ang kalaban.
Head shot.
Boom!
Mabuti nalang at mabilis siyang tumalon pakabilang side dahil tinapunan siya nito ng bomba.
"Ano ba?! Bat mo tinapunan ng bomba?! Mayayari tayo nito kay boss! Ang sabi dakpin lang hindi patayin!" Galit na sabi ng kalaban sa kasama niya.Pinagalitan niya ito dahil sa nagtapon ng bomba.
Bigla silang pinaputukan ng baril ni Sheina at agad silang naghiwalay.
Akmang babarilin na sana ni Sheina ang kalaban nang marinig niyang nagtunog click lang ang baril niya. Naubusan siya ng bala. Mabilis siyang napatingin sa kalaban na akma na siyang babarilin. Mabilis siyang tumakbo at pinahabulan siya nito ng bala.
Mabilis na nakapagtago si Sheina sa isang poste at doon na siya nagkaroon ng chance na magpalit ng magazine sa kaniyang baril.
Sakto naman ang pagsulpot ng dalawang kalaban sa harapan niya, palipat lipat niyang itinutok ang baril niya sa mga ito. Nakangisi pa ang dalawang kalaban sa kaniya.
Biglang may humawak sa likuran niya at kinuha ang baril niya. Pinilit niyang makawala sa pagkahawak dito ng lalaki ngunit masyadong malakas ang lalaki. Dahan dahang naglakad ang dalawang nasa harapan niya palapit sa kaniya habang nakangisi.
Habang pinipilit niyang makawala sa lalaking gumagapos sa kaniya, nakatingin siya ng masama sa dalawang lalaking naglalakad palapit. Pero bago pa makalapit ang dalawa biglang may lumabas na dugo sa bibig ng isa sa kanila, habang ang isa ay lilingon palang sana ngunit bigla siyang sinuntok at humandusay sa sahig. Natumba ang dalawang lalaki at bumungad si Ingo. Nagulat si Sheina nang makita si Ingo.
///<><><><><><><><><><><><><><>\\\Sheina's pov
Nakarecover lang ako sa pagkagulat ky Ingo nang itutok ng lalaki kay Ingo ang baril. Bago pa iputok ng lalaki ang baril ay agad kong sinipa ang private part niya at hinawakan ang braso at inikot ko ang kamay niya . Pagkatapos ay tinuhod ko siya at doon na ako nagkaroon ng chance na maagaw ang baril, sabay pukpok ko sa kaniya ng baril sa batok na ikinatumba niya at nawalan ng malay.
Nang matapos kong mapatumba ang kalaban. Bumaling ang tingin ko kay Ingo, pinangunutan ko siya ng tingin.
"Bakit ka nandito? Pano mo nalaman na nandito ako?" Taka kong tanong. Nginisihan niya lang ako at may ipinakitang isang peraso ng papel. Ito yong papel na nakita ko kanina, nahulog ito pero hindi ko na binigyan pa ng pansin para pulutin.
Tinarayan ko siya.
"Dapat hindi kana nagpunta pa dito" Sabi ko ng hindi tumitingin sa kaniya.
"Pagkatapos mong maglihim yan pa ang sasabihin mo sa akin?" Inis ko siyang tinignan
"Eh anong gusto mo, sabihin ko sayo? At kapag may mangyaring masama sayo, ako nanaman ang maguguilty?"
"Bat Puro guilty nalang iniisip mo. Ganon ba ako kabobo sa pakikipaglaban para hindi mailigtas ang sarili ko?" Lumapit siya sakin habang magkahinang parin ang mga mata. "Patutunayan ko sayong magaling ako sa pakikipaglaban" nakatutok parin ang mga mata niya sa akin. Hanggang sa may narinig nalang akong putok ng baril. Nanlaki ang mata. At ibinaling sa side niya ang paningin ko. Don ko nakita ang kamay niyang nakatutok sa kalaban na ngayo'y nakahandusay na sa sahig. Ibinalik ko ang paningin ko kay Ingo, nasa akin parin ang paningin niya, nakataas parin ang kamay niya kung saan banda ang kalaban na nakahandusay.
Okay napatunayam na nga niya. Inalis ko ang isa niyang kamay na nakahawak sa balikat ko.
Nang makatalikod na ako, biglang may sumulpot na kalaban kaya mabilis ko itong binaril. Nagkasabay pa kami ni Ingo sa pagbaril dahil meron ding sumulpot na kalaban sa side niya, magkadikit ang aming likod.
"Dito ako sa side, don ka" utos ko sa kaniya habang hawak ko ng dalawang kamay ang baril ko.
"Anong don ako, pwede naman tayong magsama ah" ngumisi ako pero hindi niya yon makita kasi magkatalikod kami.
"So binabawi mo na ang sinabi mo kanina, duwag"
"Anong duwag, Sige dito ako, at patutunayan ko sayong hindi ako duwag. At kapag napatunayan ko." Huminto siya sa pagsalita at naramdaman ko sa likod na gumalaw siya, na curious naman ako kaya nilingon ko siya. Nakita ko siyang nakangiti.Ano na naman niyan
Nakangisi parin siya. "Hahalikan kita" dugtong niya, tinaas baba pa ang kilay niya.
Ano? Hahalikan niya ako? Loko talaga.
"Ayoko nga, kahit wag mo nang patunayan, magpakamatay ka nalang" bwelta ko. Umalis na ako at hindi ko na siya nilingon. Bahala siya-
Bang!
Mabilis akong lumingon kong nasaan si Ingo. Nakita ko na lamang siyang nakahandusay sa sahig! Nakita ko pa ang lalaking nakatutok pa ang barin-siya ang bumaril kay Ingo!
Binaril ko siya, pero mabilis itong naka-iwas. Nagtago ako sa poste. Binaril niya ako pero ang poste lamang ang natatamaan. Nagpalitan kami ng putok. Sa kahuli hulihan na chambahan ko siyang matamaan. Ewan ko kung chamba 'yon o masyado lang akong magaling.
Tinigil ko muna ang pagkabilib sa sarili. Kailangan kong alalahanin si Ingo. Patakbo akong lumapit sa kaniya.
"Ingo" panggigising ko sa kaniya.
"Ingo!" Tawag ko sa kaniya ulit. Pinakinggan ko ang kaniyang heart beat. Glad that he still had. Tinapik tapik ko ang mukha niya habang sinasabi ang kaniyang pangalan. Pero hindi siya nagrerespond. Naiiyak na ako. Nagsisimula na naman akong sisihin ang sarili ko.
"Lintek ka, duwag kanaman pala eh" Sabi ko habang tumutulo ang mga luha ko. "Sabi mo kaya mong iligtas ang sarili mo , eh bakit ngayon, tinamaan ka" maluha luha kong sabi, naikuyom ko pa ang kamao ko, kasi lagi nalang napapahamak ang mga taong nakapaligid sa akin ng dahil sa mga gagong 'to. "Sige na Ingo, gumising kana naguguilty na naman ako eh" patuloy na dumadaloy ang luha ko. "Papayag na akong halikan mo ako, basta gumising kalang-"
"Talaga, papayag ka??" Bigla siyang nagising.
BINABASA MO ANG
GIN HIHIGUGMA KITA
ActionSi Sheina ay umuwi sa pilipinas upang takasan ang arrange marriage. Ngunit sa kaniyang pagdating magsisimula ang panganib sa kaniyang buhay. Not edited story yet