Nagtungo ako sa Baguio pagkatapos ng dalawang linggo kong pamamalagi sa probinsiya. Hindi ko na nakita si Ingo-ni anino niya.
"I didn't expect to see you here in the Philippines, Axl" rinig kong sabi ng babae. Malamig dito sa Baguio kaya naisipan kong magcoffee muna. Mag-isa lang ako kaya nakikichismis ako sa usapan ng iba. Hindi naman nila mahahalata na nakikinig ako sa usapan nila eh , kasi nakatalikod ako sa kanila.
"Me too, Abegail , I just have something important to do, that's why I'm here". Nagulat ako ng magsalita ang lalaki, kaya agad akong lumingon sa likuran ko.
Nakatalikod sa akin ang lalaki. At kaharap niya ang babaing-ang pangalan ay Abegail, kaya kami ng babae ang nagkatinginan. Nagkatinginan kami ng babaing 'to mga dalawang segundo bago ko ilipat ang paningin sa likod ng lalaki.
Parang may kutob ako sa lalaking 'to.
Pero para hindi ako mapahiya don sa babae, hindi ako nagpahalata, nginitian ko siya. Nag aalangan pa siyang ngumiti, pero pilit.
"Oh, really is it about your business?" Tanong nong girl.
"No" tipid na sagot nong Axl. Narinig ko kasi ang pangalan na tinawag ng babae kanina.
"Then what is it?" Malalaman mong ganadong ganado siya makipagkwentohan napaghahalataan tuloy na gusto niya ang lalaki. Pero wait, baka magjowa sila.
"Haha just nothing, why are you here, btw?" Pag-iiba ng usapan ng lalaki.
"Ahm as usual about business haha"
Natapos ko na pala ang pagkape hindi ko na namalayan dahil sa pagiging chismosa ko. Bakit ko ba pinakinggan ang mga 'to nakakairita. Focus Sheina focus sa iyong sarili.
"Excuse me ma'am ,heto po ang bill" agad ko itong kinuha at tinignan ang bayarin. Kumuha ako ng pera ibinigay dito sa lalaking nagbigay ng bill.
Nakita ko ang dalawang nasa likuran ko na palabas na nang coffee shop. Mabilis kong kinuha ko ang bag at mabilis na lumabas ng coffee shop. Parang familiar talaga yong guy! Kaya nagmadali ako at sinundan ang dalawa.
"Ay sorry po, sorry" paumanhin ko don sa mga nababangga ko. Nang tignan ko na kung nasaan na ang dalawa- hindi ko na sila makita!
Nilibot libot ko pa ang paningin ko, tumingkayad pa ako dahil masyadong mataas ang mga naglalakad. Hindi ko na sila makita!
Para akong wala sa sarili habang naglalakad papunta sa unit ko. Tamad kong pinindot ang elevator.
Nang bumukas pumasok ako. Bago magsara ang elevator biglang may kamay na pumigil sa pagsara nito. And there
O_O
Nagkatinginan kaming dalawa. Ilang segundo din ang tumagal. Bago siya pumasok may isang babae ang naunang pumasok. Nang makapasok ang babae sumunod naman si lalaki.
Ang hirap niyang pansinin ngayon. Lalo pat alam kong magkakilala sila. Pero bakit naiinis ako sa kanila-sa kaniya-sa babaing 'to.
"You know what Axl, I'm so happy to be with you. You made my day" ngumiti pa siya ng matamis kay Ingo. Nakikita ko kasi sila sa harap parang mirror kasi 'tong elevator eh, ngumiti naman 'tong ingo'ng 'to. Naparoll eyes nalang ako.
Hindi ko alam bat ako nagkakaganito, siguro dahil hindi ako sanay na may kasama siyang ibang babae. Nasanay kasi ako na ako lang parati ang kasama niyang babae ay except don sa iba pa naming kaibigan sa probinsiya.
*Ting!*
Nasa floor na pala ako kung saang floor ang unit ko. Mabilis akong lumabas nang walang lingon lingon. Pagkarating ko sa door ko mabilis kong si-nwipe ang card ko at pumasok.
Habang kumakain ako dito sa loob ng unit ko. Bigla akong may narinig na nagdodoor bell. Baka mamaya yong inorder ko na ito. Pagkabukas ko, si Ingo ang bumugad sa akin. Isasara ko na sana kaso bigla niyang iniharang ang kamay niya.
Pinagcross ko ang dalawa kong kamay sa bandang dibdib ko. Nakaupo siya ngayon dito sa sofa ko. Habang ako ako nakaupo din at nagkaharap kaming dalawa sa isat isa. Nagkakatitigan lang kami, seryuso akong nakatingin sa kaniya. Habang siya nagtataka bakit ganito ang mukha ko. At wala akong pakialam.
"Bakit ka nandito?" Para akong Isang strict na teacher kung umasta.
"Nan-"
"Hindi bat kasama mo yong babae, bat hindi ka pumunta don sa kaniya?" Para akong Isang magulang na tinatanong ang anak kung bakit siya nagpalipas ng oras sa labas. Bakit niya kasama ang jowa niya.
"Ano-"
"At Hindi na pala Ingo ang pangalan mo ngayon. Axl kana pala ngayon ha." Pinadikwatro ko pa ang paa ko. Habang sinasabi ko iyon.
Bigla siyang ngumisi.
"Anong nakakatawa?" Tinaasan ko siya ng kilay. Napapakamot na siya sa batok.
"Ano bang nangyayari sayo, bat ka nagkakaganiyan, nagsisilos kaba?" Biglang nagseryuso ang mukha niya. Ako naman ngayon ang parang tuta na pinapagalitan.
"A-anong nags-sisilos, hoy h-hindi ako nags-sisilos ha"
"Eh bat ka nauutal?" Sabi niya pinagcross niya ang kamay niya sadibdib at nakapangdikwatro pa siya, habang nakasandal ang likuran sa sofa. Para siyang isang boss at pinapagalitan ang kaniyang employee na nagkasala.
"Hindi ako nagsisilos! Naaano lang ako kasi may kasama kang babae kanina tapos ngayon nandito ka!"
"Eh bat ka sumisigaw?"
"Hindi ako sumisigaw!"
"Sumisigaw ka!"
"Eh ikaw din naman eh sinisigawan mo na ako ngayon! Porket may kasama ka kanina na malaki ang boobs ang yabang yabang mo na. May palakas lakas kapa ng boses sakin ngayon! Tapos may pa Axl Axl kapang pangalan na nalalaman!" Binuhos ko talaga ang gusto kong sabihin. Natahimik siya. Hindi niya alam kong matatawa ba o maiinis sa akin. Ewan hindi ko mabasa ang mukha niya.
"Sheina Marie Hernandez, You're jealous" Sabi niya sa akin ng seryuso.
Kinunutan ko siya ng noo.
Ako? Jealous? No way!
"Umalis kana nagiging assuming kana eh!" Tinuro ko pa ang pintuan.
Nag aalangan pa siyang lumabas, kaya tinulak ko na siya, bahala siya diyan. Pumunta siya don sa babae niya, total naman yon naman ang mga tipo niya ang mga malalaki ang boobs.
Speaking of boobs, meron naman ako kahit paano, mga 1 cup. Ayaw ba niya ng 1 cup? Kung tutuusin pwede na nga yan eh, yong iba nga 1/4 cup. Yong iba pa nga wala.
"BAM!*
Malakas kong sinarado ang pinto.
BINABASA MO ANG
GIN HIHIGUGMA KITA
ActionSi Sheina ay umuwi sa pilipinas upang takasan ang arrange marriage. Ngunit sa kaniyang pagdating magsisimula ang panganib sa kaniyang buhay. Not edited story yet