Chap.6: Sa bahay ni Nanny Edna

1 0 0
                                    

"Dito muna tayo" Sabi ko pagkababa ko ng kotse.

"Kaninong bahay 'to?" Tanong ni Ingo. Tinignan ko siya.

"Eto ang bahay ng naging nanny ko dati hindi mo maalala?" nakangiti kong sagot sa kaniya. Nakikita ko sa mga mata na ewan-hindi ko masyado mabasa eh- parang natutuwa siya na nabibigla?? (⁠≧⁠▽⁠≦⁠) Ewan ko  ba sa lalaking 'to.

Kinalabit ko siya "Oy" tatawa tawa ako sa kaniya

"Nanny Edna" tawag ko na nang makita si Nanny.

"E- iha?" Hindi siya makapaniwala nang makita niya ako

"Opo, nanny ako ho ito si Sheina, Silang nga ho parati ang tawag niyo sa akin eh" nakangiti kong sagot.

"Ikaw nga Silang!" Natuwa siya ng maalala niya ako at niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik.

"At sino naman ito ke gandang lalaki" tukoy ni nanny kay Ingo.

"Mano ho" ay magalang. "Ako ho si Ingo, kababata ni Silang" Nakangiting pagpapakilala ni Ingo.

"Aba mga binata at dalaga na kayo ngayon ah" natawa nalamang kami.

"Tara Tara, tuloy kayo, tuloy kayo sa loob" pagyaya ni nanny samin papasok sa bahay niya.

Pinaghandaan kami ng makakain. Maraming sariwang prutas sa mesa. Kumain kami at sinigang at ginataang native na manok ang ulam.

"Ingo, bilisan mo" tawag ko kay Ingo, siya kasi ang nag-igib ng tubig pampaligo ko.

"Ikaw ha parati mo akong minamadali" pagrereklamo niya nakasimangot pa siya, pinagtawanan ko lang siya pero hindi ko pinakita iyon.

"Daming reklamo eh" pumasok na ako sa banyo. At pinagtawanan siya sa loob. Para na akong baliw. Maligo na nga ako.

Nagpapatuyo ako ng buhok nang makita ko si Ingo, nagbibiyak ng kahoy, nangiti ako ng makita ko siya na ganon ang ginagawa niya at pawis na pawis. Kasalukuyan ko siyang pinagmamasdan ng bigla siyang sumulyap sa gawi ko. At bigla siyang ngumiti at kumindat. Tinarayan ko siya kunwari.

"Ilan na ba ang nakuha mo?!" Sigaw ko sa kaniya nasa taas siya ng puno ng buko. Nandito kami ngayon sa bukid nangunguha ng buko nina Aling Edna.

"Ewan, ikaw ang nandiyan sa baba eh bat di ka nagbilang!" Sagot naman niya

"Pambihira ikaw ang nagkukuha eh!" Sigaw ko naman pababa na siya. "Kumuha kapa ng isa!" Utos ko

"Ano?! Tama na yan ang dami na non eh!"

"Nagrereklamo ka ha?!" Wala siyang nagawa sa pagtataray ko kaya kumuha ulit siya ng isa pang buko.
"Oh ayan kapag dimo maubos lahat ng buko na nakuha ko itatapon kita sa ilog!" Loko talaga 'to

" At kapag naibus ko, Ikaw ang itatapon ko sa ilog na 'yan!" Sabi ko rin  na natatawa pa.

"O Sige dare!" Sabi niya pababa na siya .

"Oh Marlon tulungan mo si Sheina mamulot ng buko" utos ni Aling Edna sa anak niyang lalaki, nag iisa lang itong anak niya.
Habang siya ay abala sa pagkuha ng mga kamote. Tinulungan naman ako ni kuya Marlon sa panguha ng buko.

"Aray" Sabi ko nalang nang maramdaman kong may bumato sa akin. Nakita ko si Ingot na tatawa tawa. Bweset ka.. kumuha ako rin ako ng tuyong lupa at binato sa kaniya, tumawa rin ako at tumigil siya sa pagtawa ng matamaan siya kahit sinubukan pa niyang umiwas.

"Aba lumalaban ka ha" Sabi niya, tumakbo na ako nang makita ko siyang kukuha ng tuyong lupa.

"Ay!" Sigaw ko habang umiwas sa pagbabayo ng ingot na 'yon. Dagli akong kumuwa ng bato at binato Rin siya. Tatawagon tawa kami habang naghahabulan at nagbabatuhan

"Oyyy ang sweet nila" panunukso ni Isabel samin ni ingot nakilala ko na siya dito sa lugar nina Aling Edna.

"Hindi ah!" Angal ko agad.

"E denial pa siya" Sabi niya pa.

"Oo nga halata namang kinikilig siya" Sabi ni Ingo na ngingiti ngiti. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ako?! Kinikilig sa'yo?! Hoy! Hindi ka rin lang ingot kundi assuming kapa!" Bwelta ko.

"Bakit hindi mo nalang aminin sakin Silang na may gusto ka sakin, pakipot kapa eh" mas lalo ko siyang pinanlakihan ng mata sa sinabi niya

"Tumigil ka nga ingot wala akong gusto sayo!" Sigaw ko sa pagmumuka niya. Nag 'Ow' naman ang mga nakarinig. Parang nawala ang ngiti ni Ingo na kanina lang ang lakas makapangtrip tas ngayon biglang nawala. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Siguro may gusto ka sakin no?" Nakataas ang isa kong kilay at nakapamaywang akong nakaharap sa kaniya.

"A-ako m-may gusto s-sayo?! Eh Isa ka rin palang assuming eh!" Sabi niya na hindi makatingin sakin ng diretso.

"Eh bakit hindi ka makatingin sakin ng diretso at utal-utal kapa? Aber?" Kunwari seryuso ako sa kaniya pero deep inside gusto ko ng bumulwak ng tawa dahil sa hitsura niya hindi alam kong anong gagawin. Halata kasi sa pagmumukha niya na naiilang siya at nahihiya dahil ang dami ba namang tao ang nakatingin samin at nakikinig, tinigil muna nila ang ginagawa nila dahil nanununod sila sa amin!(⁠≧⁠▽⁠≦⁠)

"Umamin kana Ingo!"

"Sige na Ingo ipakita mo kung sino ka!"

"Ipagtapat mo na yan, Ingo!"

"Huwag kang duwag ipakita mong matapang ka!"

Chinecheer nila si Ingo

"Oo nga tayong mga lalaki mapagmahal at hindi duwag!" Sigaw ng isang lalaki, kahit paano may hitsura.

"Anong mapagmahal?!" Sigaw ng isang babae at binatukan niya ang lalaking 'yon 'yung huling sumigaw. "Eh babaero kanaman!"

"Kaya nga mapagmahal diba kapagmapagmahal madami ang minamahal" depensa niya. Gusto Kong lumingon sa lalaking 'yon dahil sa sinabi niya pero nakatutok lang ako kay Ingo ayaw kong ialis ang paningin sa kaniya. Hindi ko alam kong naaasar na ba siya basta gusto ko ng tumawa sa hitsura niya ngayon haha!

"Ah ganon ha!" Narinig ko nalang na puro 'aray' na ang sinasabi ng lalaki.

"Pwede ba tumahimik kayo wala akong gusto sa b-babaing i-ito!" Sigaw ni Ingo

"Ah talaga ba?"halatang hindi naniniwala ang iba. Doon na ako bumulwak ng tawa.

"Kung ganon kung wala nga eh bakit nauutal kapa at ang tagal mong sumagot!" Tinignan ko siya ng nanunuksong tingin. "Hmm?" Sabi ko pa.

"Eh ang dami daming tao eh! At tiyaka maingay sila!" Tatango tango naman ako kunwari naiintindihan.

"Oh sige na nga hindi na nga ako mangungulit sayo namumula kana eh" Sabi ko at nilampasan ko na siya, narinig ko naman ang tawanan ng mga tao.

"Magsitrabaho na kayo sayang ang Oras!"

GIN HIHIGUGMA KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon