"So mas gugustuhin mo pang mamatay kasama ako kaysa mabuhay na hindi ako kasama?" Pinangunutan ko siya ng noo at tinignan ng 'what are you saying look' tinulak ko ang ulo niya. Lakas ng assume eh.
"Napaka assuming mo talaga, di yon ang ibig kong sabihin!" Ngumisi ngisi lang siya.
"Kunwari pa" bulong niya sa sarili.
"Anong sabi mo, Kunwari pa? Ha?" Sinakal ko siya.
"Oy gising"
Hindi ko siya pinansin.
"Oy gising na nga umaga na" panggigising ni Ingo
"Ano ba natutulog pa 'yong tao eh" pagmamatigas ko, sabay talikod sa kaniya at tinakpan ko ang tainga ko, may maingay kasi, kung hindi na siya inaantok hayaan nalang ako dito kasi naantok pa ako eh! beset.
Beep! Beep!
Ano 'yon rinig kong busina ng sasakyan, sakit sa tainga. Pero hindi ako nagpatinag tinuloy ko lang pagtulog.
"Ano ba gumising kana nga diyan tignan mo ang tinutulugan mo" wow ha nag-aalala ba siya, sarap kaya ng hinihigaan ko. "Silang gumising kana nga kasi!!" Sigaw niya malapit sa tainga ko kaya mabilis ko siyang nasampal. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya at parang takot na takot, dahan dahan siyang tumuro sa akin, pero iniwas ko lang ang kamay niyang nakaturo sakin. Panay sigaw ako sa kaniya,galit talaga ako sa kaniya dahil sa panggigising niya sa akin.
"Wala kang respeto! Alam mo bang natutulog yong tao,ha?!-" Sigaw ko sa pagmumukha niya. Natigil ako kasi parang may matigas na mabalahibo sa likuran ko. Dahan dahan akong lumingon at-
"AAAHHHH!!" Malakas kong sigaw, nakakatakot malaking unggoy!!. "Ingo! Ingo! Tulungan mo ako! Ingooo!" Nakita ko si Ingo nasa taas na ng relis ng iwan ko kung anong tawag dito, basta parang kulungan siya tapos nasa taas na si Ingo.
"Akin na ang kamay mo!" Nakahanda na siya para abutin ang kamay ko, habang ako hito nakikipaghabulan sa malaking unggoy, kumukuha lang ako ng saktong tyempo para maabot ko agad ang kamay niya na nakaabang na para tulungan ako makaakyat. At nang malapit na ako mabilis kong inabot ang kamay ni Ingo at mabilis niya akong hinila paitaas. Hihingal hingal akong nakaupo at ramdam na ramdam ko pa ang kaba ko.
Nakahawak ako sa bakal na kulungan na ito,baka mahulog pa ako eh. Nakita ko si Ingo panay ang tawa. Beset. Pinalo ko siya at napaaray naman siya.
"Aray ano ba!" Galit siya at tumawa na naman.
"Eh kung napahamak akong beset ka?! Ha?!"
"Diko na kasalanan 'yon" nakanguso niyang tugon. Pinalo ko na naman siya aray lang siya ng aray at panay sabi ng 'ano ba!', "Ang tigas kasi ng ulo mo, ginigising na kita kanina pa nag iinarte kapa,ayaw mong gumising, tapos ngayon ako ang sisisihin mo?kasalanan mo yan oi" paninisi niya sakin
"Hindi mo naman kasi sinabi kong ano 'yung tinutulugan ko-"
"Sinabi ko, pero naaano ako sa hitsura ng gorilla 🦍 na 'yan!" Nakita ko ang gorilla, gorilla pala tawag diyan kala ko malaki na unggoy. Nakatingin siya sa amin sa taas siguro pinag-iisipan niya pano siya makakaakyat. Oh dikaya kaya siya nakatingin samin dahil kahawig niya si Ingo. Natawa ako sa inisip ko.
"Baliw" rinig kong salita ni Ingo.
Ngayon ko lang napansin, nasa kalagitnaan pala kami ng edsa! Nakasakay kami ngayon sa truck!
At maraming tao ang nakakita sa amin ngayon, mga nagmamaniho at mga pasahero! May nagv-video pa! Nakakahiya...nagkatinginan kami ni Ingo. At tiniis nalang ang kahihiyan.Paano ba kami napunta dito sa truck?
Rewind
After naming makatakas sa humahabol sa amin. Umalis na kami sa abandonadong train at naglakad lakad. Nakakita kami ng truck na nakapark sa kalsada malapit iyon sa isang mataas na building abandonado na yata ang building na iyon. Nakabukas siya, at madilim narin sa mga oras na iyon kaya naisipan namin ni Ingo na sa loob na ng truck kami matulog, malinis din naman at may cartoon pa, kaya saktong sakto lang para matulog kami dito, syempre magkahiwalay kami ng hinigaan.
Medyu matagal tagal narin kaming nakahiga, alam kong natutulog na si Ingo, naririnig ko na kasi ang kaniyang hilik hindi naman masyadong malakas pero naririnig ko. Habang ako sa mga oras na iyon antok na antok na rin, nakahiga narin ako at okay na rin yong feeling ko kampanteng kampante talaga ang higa ko at mahina na 'yong pandinig ko dahil ilang minuto o segundo nalang hihilik narin ako. Mayroon akong naririnig na mga boses pero hindi ko na gaanong naririnig dahil palalim na ng palalim ang tulog ko hindi ko na rin kaya na bumangon at imulat ang mga mata ko. Narinig ko pa ang pagsara ng bakal na pintuan ng truck. Nakaramdam ako ng mga oras na 'yon na parang may naglalakad pero pinakiramdaman ko lang kung anong gagawin niya at wala naman siyang ginawa sa halip ay tumabi siya at nahiga (ps. wala akong inisip sa mga oras na 'yon na panganib tulad ng- baka may mang-rape, ganon talaga ang sarili ko kung inaantok talagang focus na ako sa pagtulog( ・ั﹏・ั)ps.bad habit ito wag niyong gayahin). At Hindi ko narin alam ang nangyari dahil naging maganda narin ang tulog ko..
Bumalik na ako sa wisyo. Ganon pala ang nangyari. Kinilabutan ako.
Nakita kong kinaway kaway ni Ingo ang kamay niya.
"Hoy" tinapik ko ang kamay niya
"Ano ba?!" Tinignan ko siya ng masama. Ngumisi lang ang pahal.
"Kanina pa kita kinakausap hindi ka sumasagot, para kang gorilla na natutulala rin haha" Sabi niya at matunog na tumawa. Siraulo. Binatukan ko siya, at nag aray na naman, ginaya ko pa siya kung pano siya nag-aray. Hayun tawa ng tawa.
"Mas hawig mo 'yong gorilla,no!" Depensa ko. Lalo siyang natawa. Nakatingin lang ako sa kaniya ng matalim na tingin.
Sa tagal ng traffic gusto nalang naming bumaba dito sa truck na ito. Pero wala kaming masasakyan kapagbumaba kami dahil medyu malayo pa sa paruruonan namin. Naisipan kong mag withdraw ako para may pera kami at makapagcheck in kami sa hotel- oopps baka kung anong isipin niyo samin ni Ingo ha dahil magchecheck in kami,hindi 'yon ganon. Magchecheck in kami para hindi kami palaboy laboy na parang mga pulubi dito sa kalsada!
BINABASA MO ANG
GIN HIHIGUGMA KITA
ActionSi Sheina ay umuwi sa pilipinas upang takasan ang arrange marriage. Ngunit sa kaniyang pagdating magsisimula ang panganib sa kaniyang buhay. Not edited story yet