Chapter 5:

0 0 0
                                    

"Mabuti pang magtungo kanalamang sa manila, para narin makaiwas ka sa mga taong gustong pumatay sa'yo, panigurado magiging ligtas ang buhay ko do'n" Sabi ni Ingo, nandito kami ngayon sa station ng bus.

"Ano, ako lang ang magtutungo doon? Eh Hindi ba pinapapatay ka narin nila" Natahimik siya at tinignan ako ng seryuso.

"Kaya ko ang sarili ko, Basta ikaw tumakas ka dito, makakabuti 'yon para sayo, hindi ka nila matutunton agad, at ako na ang bahala sa mga taong 'yon, para hindi ka masundan" tinignan ko siya.

"Naaappreciate ko ang tulong mo pero hindi kita kayang iwan dito, sasama ka sakin, Ingo, baka mamaya mapano kapa ayokong mawala ka tulad kay Aling Facita, kaya sasama ka sakin, Ingo"

"Iyon din ang dahilan kung bakit ano mananatili dito, kailangan nilang pagbayaran ang ginawa nilang pagpatay kay Inay" seryuso niyang sabi

"Pero Ingo, huwag kang magpadalos dalos, madami sila at mga armado, mapapahamak kalang o di kaya mapatay ka nila" Sabi ko ng may halong pagaalala.

"Mas mabuting mamatay ako na lumalaban kaysa naman mamatay ako na hindi lumalaban" seryusong saad niya.

"Pero Ingo, kasama mo ako, hihingi tayo ng tulong sa mga police, at sila na ang bahala sa mga taong gustong pumatay satin" Nakita ko siyang halatang hindi kumbinsido. Bweset ang tigas talaga ng kukuti nito. "Alam mo Ingo, ang bobo mo" bigla siyang tumingin sakin ng nakakunot ang noo.

"Anong sabi mo?" Ganon pa din nakakunot parin ang noo niya habang nakatingin sakin.

"Sabi ko, alam mo ang bobo mo"pag uulit ko

"Ano?!" Pag uulit niya.

"Ang sabi ko! Ang b-" nilakihan ko na ang boses ko, pero naputol ang sasabihin ko dahil tinaas niya ang daliri niya, sabi niya 'ssshh'

'lang 'ya

Hinila niya ako at maingat na naglakad papunta sa bus.

"Sumakay kana" mahina niyang sabi.

"Ayoko hanggat dika kasama!" Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang palad niya. Napalakas kasi boses ko.

"Sige na, sumakay kana" pamimilit niya sakin.

"Ayoko nga!" Mahinang sigaw ko, pamimilit ko rin.

Nakita ko siyang napakamot sa ulo dahil sa katigasan ng ulo ko.

Hinila niya ako papunta sa loob at pinaupo sa isa sa mga upuan.

"Please, huwag mo na akong alalahanin, alam kong gusto mo ako, pero kaya ko ang sarili ko" Sabi niya. Napataas naman ang kilay ko sa kaniya nang marinig ang alam daw niya na gusto ko siya talaga ba't hindi ko alam 'yon, mas may alam pa pala siya keysa sakin huh.

Binatukan ko siya.

"Anong gusto kita, sira ka talaga, Ingo!" Mahinang sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Kung ganon, kung hindi mo ako gusto, hayaan mo na akong magpaiwan dito" natulala ako sa sinabi niya.

"Ingo, ayokong mapahamak ka. Na guilty na nga ako sa pagkamatay ni Inay Facita, pati ba naman sayo,please din sumama kana sa akin, kasi ng dahil sakin nadamay kayo. Obligasyon kong protektahan kita, at sisiguraduhin ko 'yon. Madami akong kilala na makakatulong na malutas ang problemang ito"

"Oh  sakay na sakay na! aandar na itong bus!" Sigaw ng kundoktor.

"Paandar na ba ito, iho?" Rinig kong tanong mula sa isang ale.

"Oho, nay, paandar na ito" sagot ng kundoktor. Nakita kong pinauna ng ale ang dalawa niyang apo sumakay nitong bus. Bumaling ang tingin ko kay Ingo.

"Ingo, sumama kana sa akin" pagmamakaawa ko, tinignan ko pa siya ng nakakaawang tingin.

"Sige na, aalis na ako" tatalikod na sana siya kaso hinawakan ko ang pulsuhan niya. Lumingon siya sakin at dahan dahang inalis ang kamay ko sa pulsuhan niya.

Hindi na siya lumingon pa at lumabas na siya ng bus.

Nakita ko siyang matamlay na naglalakad palayo sa sinasakyan kong bus at ni hindi manlang niya ako nilingon.

Hindi niya ako iniwan kahit na alam niyang madadamay siya at manganganib ang buhay niya, pero ako heto iiwan siya ng mag-isa. Mapapahamak siya, habang ako heto ligtas. Ako dapat ang mapahamak at hindi siya. Inosente silang tao nadadamay sila ng dahil sa akin. Kung meron mang mapapahamak dito ay ako dapat 'yon at hindi siya.

No one's pov.

Umandar na ang sinasakyang bus ni Sheina ,habang si Ingo ay huminto upang pagmasdan ang paalis na bus palayo, malungkot siyang nagpatuloy sa paglalakad nang masiguro niyang hindi na niya mapipigilan ang pag alis ng dalaga. At bigo din siyang hindi manlang niya nasabi ang kaniyang nararamdaman..

Samakatuwid, walang kamalay malay si Ingo, na bumaba si Sheina mula sa bus.

Sheina (Silang) pov.

"Manong! Para po! Para po!" Biglang sigaw ni Silang sa bus.

"Ano ba 'yan!"

"Kaaalis lang ng bus! Para agad?"

"Nakakaabala naman 'to, pababain nyo 'yan!"

Reklamo ng mga tao sakin, talagang bababa ako!

"Oh huwag sasakay kung hindi sigurado ha?!" Sigaw sakin ng kundoktor nang makababa ako ng bus. Bweset.

Paandar na ang bus pero naalala ko ang pamasahe ko.

"Hoy yong pamasahe ko ibalik mo!" Sigaw ko, pero hindi na ako pinansin. Pinagmasdan ko nalang ang paalis ng bus.

"'lang 'ya! Mabutasan sana kayo ng gulong!" Pahabol ko pang sigaw.

At inayos ko na ang damit at buhok ko. Hmp! Mga gonggong! Naglakad na ako at nakita ko sa malayo si Ingo, nangiti ako.

Sorry Ingo, pero hindi kita kayang iwan, Ikaw ang dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon!

Masaya akong naglakad papalapit sa kaniya. Pero malayo palang nakita ko na ang grupo ng mga lalaki ito yung mga lalaki na gustong pumatay sakin. Nagtago ako sa damuhan.

Nakita kong hinabol ng mga lalaki si Ingo!

Lentik heto na anong gagawin ko?!

Nakita ko ang isang kotse, ito yata ang kotse ng mga lalaki. Binasag ko ang bintana nito, at iniunlock at saka minaniho ko ito.

Brooooom!

"Ingo! Sakay!" Sigaw ko sa kaniya nagulat man siya sakin pero pinilit niyang makasakay parin.

Nakatutok lang ako sa daan.

"Babangga tayo! Bangga!!" Sigaw niya. Mabilis kong niliko ang kotse. Tumingin ako sa side mirror at nakasunod samin ang mga barilang lalaki!

Mas pinaspasan ko pa ang pagmaneho.

Brooooommm!!!

"Bakit kaba nandito?!" Tanong ni Ingo.

"Hindi ba gusto mo ako?!" Biro kong tanong. Hindi mo na siya nakapagsalita. Kaya mabilis akong sumulyap sa kaniya ng nakangiti.

Hahahahahaha! Tawa ko sa kaloob looban ko. Nakakatawa kasi ang ekspresyon niya. Hahahahaha!

GIN HIHIGUGMA KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon