Chapter 3:

0 0 0
                                    

"Ano?!" Sabay sabay nilang tanong. Halatang nalilito.

"Anong d*m*my*?" Takang tanong ni Ingo.

"Gusto nila akong ipakasal sa business partner ni Dad" Nagulat sila sa sinabi ko. Nakita ko namang ngumisi si Ingo. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Eh Buti nga 'yon eh, mas yayaman kana" Sabi ni Ingo. Halatang sarcastic ang pagkasabi niya non, at syempre sa pandinig kong 'yon hindi maganda para sakin.

"Oo nga, palagi kanang naka Lamborghini kapag lalabas,hahaha!"
Sang ayon ni Mayang

"Anong akala niyo sa akin mukang pera?!" Galit kong tanong. "At higit sa lahat hindi ko siya type!" Amin ko.

"Eh sino ang type mo, aber?" Tinaasan ako ng kilay ni Osang.

Hindi na ako sumagot.

"Eh sino pa edi 'yong mga ka fling niya sa states" sarcastic ulit na sabi ni Ingo.

Tinarayan ko siya.

"As if naman na malandi ako? Ang kapal ng mukha mo!"

"So kaya ka nandito ay para iwasan ang pagpapakasal sayo ng business partner ng dad mo? Tama?" Pag-iiba ng topic ni Mayang.

"Hmm" tumango ako.

"At ang tanong ngayon, sino ang mga taong gustong pumatay sa'yo at bakit ka gustong patayin?" Tanong naman ni Freddie.

"Yan ang pinakamalaking tanong!" Sabi ni Osang.

"Sa dinami dami ba naman ng mga nilandi nito, mahulaan pa kaya niya kung sino ang gustong pumatay sa kaniya" Sabi naman ni Ingo. Sinamaan ko siya ng tingin. Natawa naman ang iba pa naming kasama.

"Ang taba talaga ng utak mo kung makapagbintang ka sakin, ganiyan ba talaga ang tingin mo sakin,Ingo? Na malandi akong tao?" Seryuso kong tanong. Napa 'O' naman ang mga kasama namin

"Malay ko ba, kaya ka nga diba lumuwas ng pilipinas ay para makasama mo na 'yong na meet mo sa dating apps na 'yan, excited ka pa nga dati eh na umalis, at tuwang tuwa kapa" Nakakaloka ang lalaking 'to sa totoo lang.

"Kaya ako lumuwas ng pilipinas ay dahil nandon ang daddy ko, at excited ako at tuwang tuwa ako dahil makakapunta na ako sa ibang bansa, hindi dahil sa makipagkita lang sa na met kong foreigner sa dating apps na 'yan" paliwanag ko, pero halatang hindi pa kumbinsido, "At isa pa joke ko lang 'yon ang bata bata ko pa sa mga panahong 'yon para makasali sa mga dating apps-dating apps na 'yan,no" pagtatapos ko.

"Kahit anong paliwanag mo hindi ako maniniwala, dahil malandi ka padin!" Dahil sa inis ko sa kaniya binato ko siya ng plastic na baso. Tumalim ang mata niya sakin.

"At kung hindi ka maniniwala, Wala akong paki sayo!" Tinarayan ko siya't lumabas na ako ng bahay, gusto kong magpahangin. Bweset, ang kapal talaga ng mukha ng Ingot na 'yon, ingot talaga.

Kean "Ingo" pov.

"Anong sasabihin natin kay Ingo ngayon?" Kung hindi ako nagkakamali si Freddie ang nagtatanong. Inaantok pa ako at pilit kong nilalabanan ang antok.

"Wala na tayong magagawa, kailangan niyang malaman ang totoo" bumangon na ako

"Anong totoo?" Nalilito kong tanong pero para sakin hindi big deal 'yon kung ano man ang gusto nilang ipaalam sakin.

"Huwag ka sanang mabibigla, Ingo" kinakabahang sabi ni Freddie, sinamaan ko siya ng tingin, ang bagal kasing magsalita. Nakita ko naman si Sheina bakas ang lungkot sa mga mata niya, ano na namang kaartehan 'yan, tsk. Tumingin ako sa bintana

"Nakasagap kami ng balita, P-patay na raw ang I-inay mo" naikuyom ko ng mahigpit ang mga kamay ko at parang nanginig ang mga tuhod ko. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. "Pinatay siya ng mga taong gustong pumatay kay Sheina noong araw na tumakas kayo" Hindi ko na nagawang magsalita pa, mabilis akong lumabas ng bahay at mabilis na tumakbo patungo sa bahay namin, narinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko ngunit hindi ko na sila nilingon pa.

At doon nakita ko ang inay kong wala Ng buhay at duguan. Ginising ko siya ng ilang beses, ngunit walang boses na sumagot, hindi ko alam kung gaano ka sakit ang nararamdaman ko ngayon, si Inay na lamang ang natitira kong pamilya, siya na ang nag-alaga sa akin simula nong araw na iwan ako ng mga magulang ko, kaya hindi ko matanggap na wala na siya ngayon, hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap.

Sheina pov.

Hinaplos ko ang likuran ni Ingo. Bigla siyang lumingon sa akin.

"Ingo, s-sorry" humingi ako ng tawad sa kaniya kasi dahil sakin hindi na niya makakasama ang Inay niya. Hindi ko mapigilang hindi maiyak.

"L-lumayo ka sakin" Madiin ang pagkasabi niya. Ngunit hindi ako sumunod. "Lumayo ka sa akin!" Sigaw niya sa akin. Inalalayan ako nila Osang na ilayo sa harapan ni Ingo.

Bumalik siya sa pagkakaupo para yakapin ng mahigpit muli ang inay niya.

Naalala ko pa nong kabataan palang kami.

Flashbacks

"Oh Ingo, pinakain mo na ba si Silang? Kumain muna kayo bago pumasok sa paaralan ha" Kararating lang niya galing sa pagpapakain ng mga baboy niya.

"Opo, nay, tapos na siya"  pagsisinungaling niya.

"Nay Facita nagsisinungaling po si Ingo, Hindi pa po ako kumakain" nakanguso ko namang reklamo.

"Nako ikaw Ingo ha masama ang magsinungaling, Sige iha kumain ka ng madami, ito gusto mo 'to? Kumain ka ng gulay para humaba ang?" Pambibitin niya.

"Buhay!" Dugtong ko. Natawa na lamang siya.

"Silang, Tara na malalate na tayo eh" tumayo na si Ingo ngunit ako susubo pa lamang.

"Ha ano?" Tanong ko tinignan ko pa ang pagkain, nalungkot naman ako kasi hindi pa ako nakakain.

"Hintayin mo muna na makakain si Sheina, Ingo" suhestiyon naman ni Nay facita.

"Eh malalate na kami,Nay eh"  pagmamatigas ni Ingo gusto na niya talagang pumasok sa paaralan.

"Oh Sige iha baonin mo nalamang ito, tika kukuha ako ng sisidlan" at yon nga may bitbit akong baon papasok sa paaralan. Palagi kaming magkasabay ni Ingo tuwing papasok sa paaralan, parati din akong kumakain sa kanila.

Minsan kapag may mga kaaway kami Lalo na ako magsusumbong lang ako kay inay facita at siya na ang humarap  sa mga kaaway namin. Pinapagalitan niya ang mga batang nang-aaway samin. Hindi yon kaduwagan samin, sadyang malalaki lang Ang mga kaaway ko, grade 2 ako mga kaaway ko grade 5! Kaya kailangan ko na talaga ng back up!

GIN HIHIGUGMA KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon