"Wag kanang umiyak. Baka mamaya mapagkamalan ako ng daddy mo na inaway kita" biro niya. Magkayakap parin kami. I'm still sobbing but not as hard as lately. Pinapakalma niya ako kaya hinimas niya ang likod ko.
"Buong buhay akong hihingi ng tawad sayo, Ingo, dahil sa pagkawala ni nanay Facita, I'm sorry talaga" tinignan ko siya ng malungkot na tingin.
"Ilang beses na natin pinag-usapan to, hindi mo kasalanan ang nangyari, kaya wag kanang umiyak, dahil lahat ng nangyari ay nakatadhanang mangyari sa ayaw at sa gusto ng isang tao, kaya wag mong sisihin ang sarili mo" pinahid niya ang luha ko sa pisngi ko.
Tinulak ko siya ng mahina
"Kagabi lang eh-" tinignan ko siya, inaalala ang mga sinabi niya kagabi. Nakita ko naman siyang napakamot sa ulo niya.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko eh kasi puro ka pagsusungit" pagdadahilan niya.
So dapat ipamukha sakin ang mga nangyari para hindi na ako magsungit ganon? Ang sakit ha.
"Oh siya siya, Sige na hindi na ako magsusungit, bati na tayo" Sabi ko sa kaniya at ngumiti ng malapad. Sumilay ang ngiti niya ng sabihin ko iyon. At nagpacute. Tss.
"Oh sabi mo bati na tayo, tinarayan mo na naman ako eh" Sabi niya ng nakanguso. Nakita niya pala 'yon. Nilakihan ko ang ngiti ko at hinawakan ang mukha niya at sinindot sundot iyon.
"Ang cute cute mo talagaaa" Sabi ko na parang napipilitan lang.
"Napipilitan kalang eh" nakanguso na naman siya. Bigla akong tumigil sa pagsundot sa mukha niya.
"Umayos ka nga hindi bagay sayo ang nagpapacute"
"Akala ko ba bati na tayo? Ang labo mo naman eh!" parang naiinis na siya.
"Bati na nga tayo" Sabi ko tinutukan ko pa siya sa mukha
"Eh bakit nagsusungit kana naman!" Pipihitin ko na sana ang door knob
"Nagsasabi lang na hindi bagay sayo ang pagpapacute, nagsusungit na agad" I heaved a sigh at tumingin sa kaniya. "Hindi naman porket sinabihan kita na hindi bagay sayo ang pagpapacute ay hindi na tayo bati. Bati na nga tayo diba. Bati na? Wag mo nang isipin ang sinabi ko" at tinalikuran na siya pipihitin ko na naman ang door knob
"Bakit ba kasi Ang hirap sayong sabihan ako na cute? Sabihin mo nalang kasi na cute ako!" Aba tinaasan pa niya ako ng boses, ano bang nangyayari sa kaniya. Tinignan ko siya ng 'anong nangyayari Sayo?' pero mas lalo lang siyang sumimangot na parang bata. Grr.
Ayoko talagang may nagpapababy.
Pero ito inuubos ang pasensiya ko
Tinignan ko siya at sinabihang
"Oo na cute kana. Ano masaya kana? Itigil mo na yang pagpapacute mo, kasi di bagay sayo" Sabi ko at ngumisi ngisi. Pinihit ko na ng tuluyan ang door knob at lumabas na.OPPS may nakalimutan akong sabihin sa kaniya kaya agad akong bumalik at binuksan ang pinto niya.
"Siya nga pal-"
(☉_☉)!
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nagulat ako sa nakita ko. Nagbibihis siya. Nakita ko ang pwet niya ಥ‿ಥ, mabilis niyang kinuha ang tuwalya at itinakip iyon sa ibabang parte ng katawan niya.
Nagulat nga din siya. Wala mo nang may nagsalita sa amin, nakatingin lang kami sa isat isa binabasa ang bawat mata. Awkward is in between.
"A-ahh n-nakalimutan kong sabihin sayo, a-aalis na tayo dito. Mag-impake kana rin" Sabi ko at mabilis na sinara ang pinto at bumalik sa room ko. Pagkasara ng pinto ko dito sa room ko , huminga ako ng malalim at napapikit. Bweset. Nakalimutan kong hindi pa pala siya nakapagbihis. Napaface-palm, nalang ako.
Swi-nitch-off ko na ang light sa banyo ng matapos akong maligo. Nagpupunas ako ng buhok nang mapansin ko ang isang piraso ng papel. Dahan dahan ko itong kinuha at binasa. Sa una wala akong maramdamang takot dahil wala naman akong kaide-ideya kung ano ito. Nagulat na lamang ako ng mabasa ang nakasulat. Nanginig ang mga kamay ko dahil sa takot at pangamba, hanggang sa nabitawan ko na lamang ang papel at hinayaang mahulog da lapag.
Kung gusto mo pang makitang buhay ang mga pinsan mo. Magkita tayo sa__________ , siguraduhin mo lang na hindi ka magsusumbong sa pulisya.
G.
Sina auntie at bakla nasa panganib sila!
Huling naalala na magkasama kami, doon pa sa probinsiya. Kung ganon sila ang ginawa nilang alas para tuluyan nila akong makuha. Sagad na talaga sa buto ang galit ko sa kanila. Grabe na ang ginagawa nila! Ayokong may isang buhay na naman ang mawawala. Naikuyom ko nalang ang mga kamay ko.
Hindi safe at hindi mapagkakatiwalaan ang mga iyon. Maaari silang hindi sumunod sa usapan at sama sama kaming patayin!
Ingo..
Hindi, ayoko na siyang madamay, ayoko ng mapahamak pa siya.
Mabilis akong nagbihis at lumabas na ng hotel. Hindi ko na pinaalam kay Ingo na umalis ako at ang tungkol sa pagdukot sa mga pinsan ko.
For sure hindi niya ako hahayaang magpunta nang mag-isa.
Pumasok ako sa unit ko. At kinuha ang _____ kong baril. Pumunta na ako dito alam naman na ni dad kung nasaan ako at wala na akong lusot sa kaniya, sa kahuli hulihan ipapakasal din naman din ako kay Francis.
"I miss my gun" Sabi ko habang sinusuri ang kabuuan nito at sinubukan kong i-try, itinutok ko pa kunwari may target akong gustong barilin. At sinilip ang _____ ng baril.
Nagsuot ako ng kulay black na ______ at fitted short na black. Isinukbit ko ang __(name of the gun)____, sa hita ko. At kinuha ko ang ___(name of the jacket)____ko.
Pagkatapos kong sipatin ang sarili sa whole body mirror, mabilis muna akong sumulyap sa kabuuan ng sarili ko at akmang bubuksan na ang pinto ng maalala ang susi ng kotse ko. Kinuha ko ang susi sa drawer at lumabas na ng unit.
Malayo palang ako kung saan nakapark ang kotse ko dito sa parking lot. Pinindot ko na ang (__car remote___) at nabuhay naman ang mga (__light ng kotse__)ko.
I miss my car.
Mabilis akong pumasok sa loob at nagmaneho patungo sa lugar kung saan kami magkikita sa taong kumidnap sa mga pinsan ko. Alam ko na kung sino ang mga ito. Walang iba kundi ang step-mom ko.
BINABASA MO ANG
GIN HIHIGUGMA KITA
ActionSi Sheina ay umuwi sa pilipinas upang takasan ang arrange marriage. Ngunit sa kaniyang pagdating magsisimula ang panganib sa kaniyang buhay. Not edited story yet