Chapter 20

0 0 0
                                    

Kararating ko lang ngayon sa airport, kunting hakbang nalang makakalabas na ako sa airport. In one -two-three- okay nandito na ako sa labas.

Tinanggal ko ang shades ko at nilanghap ang sariwang hangin ng pilipinas, shet namiss ko 'to.

Bang!

Nagulat ako ng may biglang pumutok na baril. Napadapa pa ako.

Anyari another fighting na naman??nakakaloka, Hindi na 'to matapos tapos ah!

"Sheina!"nagpalinga linga ako kung sino yong tumawag. Imposible namang si Ingo 'yon may accent eh, wala namang accent si Ingo!

"Silang ano ba dito! Bilisan mo!" And there I saw kean Ingo Napoles and si Burnok.

Bang! Bang!

Kainis naman oh kararating ko lang putukan agad??

Hindi panaman ako nakapagdala ng baril!

Gumapang ako habang hila hila ko ang dalawa kong maleta. Letche dati yong maleta ko hindi ko na alam kong saan ko naiwan dinala iyon ni Burnok eh pero naiwan ko parin ewan kong saan.

"Bilisan mo ang bagal mo naman!" Ay sandali lang naman, kahit nagtataka kung bakit ang gwapo niya, gumapang parin ako. Lagi nalang bang ganito sa tuwing nagbabakasyon ako dito sa pilipinas may putukan agad na nagaganap? Letche talaga oh. Nang makalapit ako pumasok ako sa isang tricycle, dahil dati yong pinasukan kong kotse hindi pala sa kaniya, tricycle pala ang service niya.

"Ano ba?! Hindi diyan, dito!" Sigaw niya sa akin, pinapalabas niya ako dito sa loob ng tricycle. Nangunot ang noo ko. Tinuro niya kasi ang kotse. Nang hindi muna ako makagalaw, mabilis niyang kinuha ang dalawa kong maleta at ipinasok doon sa loob ng kotse.

"Ano tutunganga kana lang ba diyan?!" Sigaw niya sa akin at pumasok sa kotse niya.

Bang! Bang!

"T-tika s-sandali!" Mabilis akong lumabas at pumasok sa kotse. Dito ako sa passenger pumasok at siya doon sa driver seat. Takang taka ako.

Anyari? Bininta ba niya ang lupain nila para makabili ng kotse?? At marunong na din siyang magdrive ng kotse dati rati tricycle at motor lang ang alam nitong e drive. Pero ngayon kotse na.

At nakapaggglow up pa, dati medyu moreno 'to ngayon, sobrang puti na niya. Oh no, Ang gwapo niya talaga. Bagay na bagay sa kaniya ang puting pulo at itim na pantalon. Naka Rolex pa ang p*ta. Ang kintab pa ng sapatos. At kung hindi ako nagkakamali, itong kotseng 'to ay isang Mercedes. Bat biglang yumaman 'to.

"Wag mo akong titigan, baka dimo na ako makalimutan" Sabi niya sabay ngisi, mabilis ko siyang pinalo sa braso.

"Hanggang ngayon assuming ka parin" Sabi ko, ngumisi ngisi lang siya. Pero namiss ko 'to, at mas Lalo siyang gumagwapo, *with heart eyes*

"At hanggang ngayon, ikaw parin" Sabi niya sabay ngiti, mabilis niya akong sinulyapan at kinindatan. At saka ibinalik ang paningin sa daan.

"Sandali bakit marunong kana ngayong magdrive ng car?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Malamang nag-aral" Sabi niya, Hindi mawala sa kaniya ang ngiti niya. Kahit walang sinasabi panay ngiti siya. Pero ang sarap namang tignan.

"Ano ba kinakausap kita Ng maayos eh" Sabi ko, medyu naiinis ako. Mabilis niya akong sinulyapan.

"Bakit, totoo naman ah, paano ako matututo kung hindi ako mag-aaral?" Letche, Tama naman kasi 'yon. Hindi na ako nagreact pa. Dapat pala hindi yon ang tanong ko eh.

"Eh itong kotseng 'to kanino 'to? Siguro ci-narnap mo 'to no?" Sabi ko, natawa siya.

"Bakit mukha ba akong car napper?" Paminsan minsan siyang sumusulyap sa akin.

""Sagutin mo nalang kasi ang tanong ko, hindi yong ibabalik mo Rin sa akin ang tanong!" Naiinis na talaga ako.

"Mamaya na kita sasagutin, Basta sagutin mo rin ako" na curious naman ako.

"Saan?" Sumulyap siya sakin.

"Sa tanong ko syempre" nagfocus na siya sa pagdadrive, hindi ko na rin siya inabala, ang alam kong tanong niya iyong sinabi niya kung car napper siya. Ungas din 'to eh, aba malay ko kung car napper siya. Hindi naman niya 'to maaafford na bumili ng kotse no.

"Nandito na tayo" Sabi niya at inihinto na niya ang kotse sa tapat ng bahay nila auntie.

Pagkalabas ko ng kotse, pinagbuksan niya kasi ako. Cli-nose na niya ang pinto ng makalabas ko.

Akala ko susunod siya sa loob pero bumalik agad siya sa loob ng kotse.

"T-tika Tika lang" suminyas ako na huminto siya aalis na eh. Umikot ako sa kotse.

"Ano ba hindi ka ba papasok muna sa bahay ni auntie? Tara mag snack ka muna" Yaya ko sa kaniya.

"Hindi na, busog na ako" Sabi niya habang nakatitig sa akin at nakangiti. Loka 'to ah, panay ngiti eh, mapagkamalan ko na 'tong may saltik.

"Oh Sige bahala ka" tatalikod na sana ako pero naalala ko ang nangyari kanina sa airport.  Paandar na sana siya pero nag'wait' 'wait' ulit ako.

"Ano na naman ba?" Kunwari siyang naiinis, halata naman eh na kunwari lang.

"Anong pala ang nangyari sa airport, bakit may putukan??"

"Wala lang 'yon, inutusan ko lang Ang mga police doon na magpaputok ng baril, dahil alam kong darating ka" pinangunutan ko siya ng tingin.

"Ano?!" Natawa lang siya.

"Sige alis na ako, wag Kang mag-alala magkikita pa tayo mamaya" Sabi niya at pinaandar na ang kotse niya.

Tinanaw ko pa ito habang papalayo, pero Hindi pa ganon kalayo huminto ito. Lumabas si Burnok dala ang dalawa kong maleta.

"Ong aho mo haheha" maleta raw. Parati nalang si Burnok ang nagpapaalala sa maleta ko.

Tumango ako at tumakbo na siya palapit sa kotse na pinagdadrive-an ni Ingo. Kumawat pa siya at nag flying kiss sa akin. Nakita kong sasakay paggalang si Burnok pinaandar na agad ang kotse, may saltik talaga.

\\\<><><><><><><><><><><><><><>\\\
Tapos na kaming maghapunan, kinuha ko na ang mga pasalubong ko para sa mga pamangkin ko at Kay auntie at sa iba pang narito sa loob ng bahay. Abala kami sa pagbibigay ng mga pasalubong, nagkakatuwaan pa nga kami kasi tuwang tuwa sila sa mga pasalubong ko sa kanila at itinatry pa nila ang mga iyon.

Nagkatinginan kaming lahat nang  may narinig kaming tunog ng gitara sa labas. At ilang segundo ay may narinig kaming kumakanta.

Boses ni Ingo kung hindi ako nagkakamali.

GIN HIHIGUGMA KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon