Nang hindi ako kumibo.
"Okay, I get it by myself" Sabi niya pero agad kong kinuha ang catsup at ibinigay sa kaniya nang walang lingon, kamay ko lang ang ginalaw ko pinadaan ko sa bandang ulo ko.
Tumagal muna bago niya kunin, siguro nagtataka siya, pero kalaunan kinuha niya rin. Hinawakan niya ang balikat ko.
"What's wrong,mahal?" Tanong ng lalaki
"I sense something" Sisilipin niya na sana ako pero biglang tumunog ang cellphone niya.
"Ahh hello" sagot niya sa phone. Medyu lumayo siya ng konti, rinig ko ang tunog ng heels niya.
Hindi na ako ginugulo ni Ingo, panay kain lang siya. Talagang sarap na sarap siya, first time niya bang makakain ng ganiyan. Kinalabit ko siya sa paa gamit ang aking paa sa ilalim ng mesa. Tumingin siya sa akin. May nagtatanong na tingin. Sininyasan ko siya na 'tayo na' ngumuso pa ako at iginawi palabas. Inaasahan ko siyang magegets niya pero ginaya niya lang ako, ngumuso din siya at para na kaming mga siraulo. Natawa pa siya. Dahil badtrip ako sa kaniya, walang pag-alinlangan akong tumayo at siniguro kong sa labas nakatutok ang mukha ko para hindi makita ng madrasta ko ang- ni side view ko, dahil makikilala niya ako panigurado.
"Teka lang, Sheina!" Sigaw ni Ingo.
Fv¢k!
Napahinto ako. Pero hindi ako lumingon. Kinabahan ako. Kaya mabilis akong naglakad pa exit at walang lingon lingon.
Malapit na tayo sa exit.. malapit na..
"Teka lang, Sheina"
pak!
Mabilis akong lumingon at sinampal ko siya. May pa tawag tawag pa kasi di nalang sumunod. Ayan tuloy na sampal na naman. Deserve.
"Bilisan niyo,hulihin niyo sila!" Sigaw ng lalaki na kadate ng madrasta kong cheater.
"Takbo!" Sigaw ko paunahan kaming lumabas ni Ingo sa pinto ng mcdo.
Kalalabas lang namin ng bigla agad na may tumutok ng baril sa mga ulo namin. Agad naming tinaas ang aming mga kamay.
Prrrt!
Busina ng police. Agad na inalis ng mga lalaki ang mga baril sa aming mga ulo, at isinukbit iyon sa kabilang jacket at mabilis na umalis at tumakbo.
Tinignan ko sa loob ng mcdo hindi ko na makita ang magaling kong madrasta at ang lalaki niya.
"Boss! boss! hulihin niyo sila bilis!" Utos ni Ingo. "Don sila nagpunta!" Dugtong pa niya.
"Alam namin wag kang maingay!" Bwelto ng police kay Ingo.
Huh pakialamiro kasi.
"Nagsasabi lang eh" bulong niya sa sarili. At bumaling siya sakin. Hinabol naman ng mga police ang mga taong may mga baril. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya with concern look pa. Tinarayan ko siya at tinalikuran siya.
Naiinis ako sa kaniya. Sobra. Tatanga tanga kasi. Sinabihan na siyang wag maingay mas lalong umingay pa kanina. Ayan tuloy, ngayon alam na ni madrasta kong cheater na alam ko na na siya ang may pakana ng lahat. Pero dapat ba akong mainis kay Ingo kanina, hindi din naman niya alam kung ano ang nangyayari kanina eh. Pero naiinis parin ako sa kaniya masyadong papansin! Kung nag behave lang sana siya edi sana hindi mangyayari yon!
"Ano bang nangyayari sayo?!" Malakas na sigaw niyang tanong at pilit niya akong hinarap. Tinignan ko siya ng masama.
"Ang tanga mo kasi!" Sigaw ko sa mukha niya.
"Ako tanga? Bakit anong ginawa ko?"
Nalilito niyang tanong."Anong ginawa mo?" Tinignan ko siya at pinagcross ko ang kamay ko sa bandang tiyan ko. "Nagpinapansin kalang naman sakin, may patawa tawa kapa, may patawag tawag pa sa pangalan ko. Hindi mo ba alam na na sa likuran ko ang madrasta ko at siya lang naman ang gustong magpapatay sakin o sa ATIN!" Diniinan ko ang huling salita sa pagmumukha niya. Napapahid pa siya sa mukha niya. Tumatalsik ba ang laway ko? At nakita ko siyang inamoy ang palad niya. Ew
"Unfairness, ang bango ng laway mo" Sabi niya nakangisi pa siya at dinilaan ang palad niya.
"Yuck! Kadiri ka!" Tinulak ko siya at tinalikuran siya. Walang 'yang lalaking 'yon nakakadiri. Kinilabutan ako sa pandidiri. Nakita ko siyang ngingisi ngisi.
Dumating kami ng hotel. Magbabandang alas dos ng hapon. Para kaming mga tangang lilingon lingon sa likuran o sa paligid dahil baka may makakita sa amin kung saan kami nag e stay. At wala naman kaming nakitang kakaiba at feeling namin safe na rin kami.
"O bat nandito ka?" Masungit kong tanong sa kaniya. Nakaharap na ako sa pinto tanging ulo ko lamang ang nakaside view sa kaniya. Tinukod niya lang ang kamay niya sa pader malapit sa pinto ko. "Pumasok kana sa kwarto mo, baka mamaya magkaabiriya pa. Puro kamalasan nalang ang dala mo sa buhay ko" Sabi ko at aakmang bubuksan na ang pinto pero tinigil niya iyon. Pinangunutan ko siya ng tingin at sinubukan ko uli na buksan, hinahawakan niya kasi ang door knob! Bweset, kaya ayaw talaga mabuksan sinamaan ko na siya ng tingin. Nakangisi lang siya, mas lalo akong naiinis kapag ngumingisi siya. Ano ba ang nakakangisi?? Naiirita na ako.
"Ano ba?!" Tinapik ko pa ang kamay niya na nakahawak sa door knob. Ano ba ang trip ng lalaking 'to?
"Ano ba ang nangyayari sayo, bakit ang init ng dugo mo sakin? Wala naman akong ginagawa. Kung naiinis ka kanina pwes sasabihin ko sayo, Hindi ko alam ang nangyayari kanina malay ko ba na madrasta mo ang nasa likuran mo at siya ang gustong magpapatay SATIN, dahil kung alam ko lang na nandoon SIYA, malamang hindi ako MAGPAPAPANSIN sayo- ika mo, at higit sa lahat, dapat nga hindi IKAW ang nagagalit at maiinis sakin dapat nga AKO ang dapat magalit at mainis sayo, dahil sayo nawalan ako ng mahal sa buhay, dahil SAYO napahamak ako at nasa peligro ngayon ang buhay ko" mahabang paliwanag niya at mabilis niyang binuksan ang pintuan niya at pumasok doon ni hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Pero sa sinabi niyang yon, ayon na naman ang guilty ko, mahina lang ang pagkakasabi niya pero tagos sa puso ko ang bawat letrang lumalabas. Tama naman siya, wala akong karapatan para magalit at mainis sa kaniya. Dahil kasalanan ko ang lahat kung bakit pati siya napapahamak na ako lang naman dapat. Dahil sakin may taong nawala. Nang dahil sakin may taong na pahamak, dapat hindi sila nadadamay sa kung anong nangyayari sakin ngayon.
Mabilis na tumulo ang mga luha ko.
Naguguilty ako. Ang sakit isipin na nawalan siya ng mahal sa buhay dahil sa akin. Kung nanatili na lamang ako sa tabi ni dad at hayaan ko nalamang siyang ipakasal ako. Edi sana buhay pa ngayon ang kaisa isang pamilya ni Ingo, si Nanay Facita.. Edi sana magkasama pa sila ngayon.
Bumalik na naman ang mga alalang yon na sa akin. Sobrang sakit.
BINABASA MO ANG
GIN HIHIGUGMA KITA
ActionSi Sheina ay umuwi sa pilipinas upang takasan ang arrange marriage. Ngunit sa kaniyang pagdating magsisimula ang panganib sa kaniyang buhay. Not edited story yet