Chapter 22

0 0 0
                                    

Nagulat nalang ako nang bigla itong ngumisi. Tinignan ko siya ng nagtataka.

"Bakit?" Curious kong tanong. Panay ngisi lang siya. Kinuha niya ang sigarilyo na nasa mesa at nagsindi ng Isa. Nakapangdikwatro pa siyang nakatingin sakin habang nagsisigarilyo. Allergy ako sa sigarilyo kinaway kaway ko ang kamay ko para alisin ang usok sa mukha ko.

"Ano ba?!" Inis kong sigaw. Itinigil niya ang pagsisigarilyo. At hinayaan lang na umusok ang sigarilyo na hawak sa kamay niya.

"Diba may sinabi ka sa akin bago ako mawalan ng malay?" Tanong niya. Nandon parin ang ngisi sa labi niya.

Sinabi? Anong sinabi ko? Hindi ko na maalala.. yong naalala ko lang yong k-kiss.

"Hindi mo na maalala? Pero yong kiss naalala mo?" Sabi niya na mas ikinalaki ng mata ko. Mas ikinalawak naman ng ngisi niya.

"Anong kiss? W- wala akong naaalala ha. I-ikaw nagsabi niyan" tumango tango lang siya.

"Mukhang 'di mo nga naalala kasi nagb-blush ka" Sabi pa niya. Hinawakan ko ang pisngi ko. Dinga?

Kinuha ko ang salamin. At tinignan ang mukha ko. Waaaaaaahh!!

Totoo nga!

Nakita ko siyang tatawa tawa.

Akala ko kasi mamamatay na siya kaya binigay ko na ╥⁠﹏⁠╥

"Oh nandito na ang pagkain. Inilagay ko na sa mga sisidlan" Sabi ni auntie dala ang pagkain.

Buti nalang dumating si auntie dahil kung hindi, tutuksuin at tutuksuin ako ng ingot na 'to.

"Nakapag-usap na ba kayo?"

Hayst kung alam mo lang walang usapang naganap puro pangtitrip lang.

"Opo, auntie" Sabi ko nalang. Tumingin si auntie kay Ingo na nakangiti. Tinarayan ko siya.

"Di naman masyado, auntie, parang nahihiya kasi sakin si, Silang" napanganga ako sa sagot niya. Tinignan ko siya. Ngumiti lang.

"Nakong batang 'to, pagpasensiyahan mo na iho, ha, nagulat lang siguro si Sheina kasi mas lalo kang gumwapo hehe" Sabi ni auntie, kinikilig pa. Totoo naman kasi.

"Oh siya tatawagin ko na ang mga anak ko at pamangkin. Diyan lang kayo. Hehe" may pagka ano rin tong si auntie eh.

Hindi ako makatingin kay Ingo nasa ibang direction ang paningin ko.

Bahala sa diyan.

Kumakain na kami ngayon.

"Ang sarap naman nito kuya Ingo. Siguro ang dami mong pera kasi ang dami mong pagkaing dala" Punong Puno ang bibig niya habang nagsasalita si Bimboo. Ginulo ni Ingo ang buhok ni Bimboo.

"Kung gusto mo dadalhan pa kita niyan ng marami" Sabi ni Ingo ng nakangiti.

"Talaga po?" Halatang natuwa.

"Nako wag na, mas lalo kalang tataba" singit ko. Ang totoo ayokong pumunta pa dito si Ingo, ayokong magkaroon ng utang na loob, kaya kong bumili ng ganito no.

"Ang sakit mo namang magsalita, tita, Ang sabihin mo ayaw mo lang papuntahin dito si kuya Ingo kasi baka mamaya malaman niyang may gusto ka sa kaniya" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Ano? Ako may gusto?

Lokong batang 'to-

"Ano ba kasing nangyayari sayo tita, masyado kang e denial eh o manhid kalang talaga?" Dugtong pa nito. Ni hindi nga ako pinapagsalita. " Oh ang bobo mo lang pagdating sa pag-ibig?" Kalokang batang to, sunod sunod ba naman ang mga sinasabi.

"Pwede ba. Hindi ako e-denial at hindi rin ako manhid at mas lalong hindi ako BOBO!" Sigaw ko. Natahimik at na estatwa silang lahat. Mga puno pa ang mga bibig nila at may mga hawak na paa ng manok.

"Oo na hindi kana bobo! Tumahimik kana nakakaistorbo ka sa pagkain eh!" Magdadrama pa sana ako kaso , bigla akong hinila ni Ingo palabas. Nagpatuloy naman sa pagkain ang pamilya ko. Parang ngayon lang sila nakakain ng fried chicken.

"Hindi mo ba talaga ako gusto?" Tanong ni Ingo. Nakatalikod siya sa akin. Nasa labas kami ngayon. Nagsisigarilyo siya.

"Anong klaseng tanong 'yan" nakaharap lang ako sa likuran niya.

"Sagutin mo nalang ako" Hindi parin niya ako nililingon. Nakatalikod parin siya at nagsisigarilyo.

"Wala namang halaga yan kung sasagutin ko pa" lumingon na siya sa akin. Ang tigas kasi ng ulo ko, sabing sagutin ko eh. Ang dami ko pang paligoy ligoy.

"Can you just answer my damn question??" Seryuso niyang tanong. Seryuso na talaga nakapag English na eh.

"Hindi ko alam. Pero feeling ko hindi."
Sagot ko. Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo. Bago tumango tango.

"Yon lang ang gusto kong malaman. Geh good night" Sabi niya at tinalikuran ako at umalis na ni hindi manlang ako nilingon. Bigla siyang nanlumay.

Natulala ako sa pag alis niya. Parang nakaramdam ako ng konting kirot don. Ni hindi manlang siya nagpaalam kina auntie.

"Nasaan na si Ingo?" Tanong ni auntie kalalabas lang nila.

"Umalis na" tipid kong sagot. Bigla akong nawalan ng gana. Nag echo bigla sa akin ang huling sinabi niya. At kung ano ang expression niya kanina. Daig pa niya ang natalo sa lotto.

"Ikaw naman kasi tita pahard to get hard to get kapa! Ayan tuloy umalis na si kuya Ingo" parang naiinis si Bimboo sa akin. Hindi ko siya pinansin. Napabuntong hininga nalang ako. Letching pag-ibig 'to oh.

"Tao po!" Nasa labas ako ngayon sa bahay nina Ingo. Hindi ko alam kung may tao o wala kasi kanina pa ako dito eh ni walang may sumasagot. O ayaw lang akong pansinin ni Ingo.

"Ay miss, Wala na hong tao diyan matagal na" Sabi ng babae. Kapit bahay nila Ingo. Mukhang kararating lang galing palengke.

"Ah ganon po ba, kilala niyo ho ba si Ingo? Nandito ho kasi siya kagabe, nagbakasakali lang ako na baka dito siya natulog sa kanila"

"Ah Oo kahapon bumisita siya dito sa bahay nila pero umalis din agad" sagot ng babae.

"Alam niyo po ba kung saan siya naninirahan ngayon?"

Nakita ko siyang nag-isip isip. "Ang alam ko ho, doon na siya nakatira sa tatay niya" kinilabutan ako sa sinabi ng Ali. Nag stay ako dito dati nong bata pa ako pero hindi ko mafamiliar 'tong Aling 'to siguro bagong lipat lang sila. Paano nagkaroon ng tatay si Ingo. Ang alam ko lang si Aling Facita nalang ang pamilya niya. Yon lang ang alam ko.

"Ah Sige ho, salamat po. Bagong lipat ho ba kayo rito?" Nakangiti kong tanong sa kaniya.

"Oho mga 5 months na ho kami dito, nakapangasawa ho kasi ako ng taga rito eh" nakangiti ring sagot niya.

"Mama, papay" biglang sumulpot Ang isang batang babae. Napatitig ako dito at nanlaki ang dalawa kong mata.

"Oh para sayo 'to pasalubong ni mama para sayo" Sabi ng babae siguro mga 25 ata ang edad niya. Ibinigay niya sa anak niya an pasalubong niyang tinapay.

"Papay! Papay!" Tuwang tuwa ang bata.

"Ah ate, sino ho pala ang Asawa niyo?" Nakakahiya namang itanong ko 'to. Pero nasabi na eh. May hinala na ako kung sino ang Asawa niya sa hitsura palang ng anak niya may pinagmanahan ng mukha.

"Si Burnok, miss, Kilala niyo siya? Kaano ano ka niya?" Wow sunod sunod talaga ang tanong niya haha.

"Oo kilala ko siya, at kaibigan rin"

Pagkatapos nang kwentuhan, umalis na ako. Ang init pa naman ng araw. Buti nalang nagdala ako ng payong.
(⁠ ⁠ꈍ⁠ᴗ⁠ꈍ⁠)

GIN HIHIGUGMA KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon