"Sa tingin niyo ba ganon ganon nalang 'yon? Ng dahil sa kaniya namatay ang Inay ko, nang dahil sa kaniya nawalan ako ng magulang! Sa tingin niyo ba ganon lang kadali ang lahat?! Sobrang sakit para sa akin 'to!"
Rinig ko si Ingo mula sa loob ng bahay. Tatlong araw na mula ng ilibing si Inay Facita. Hindi parin ako kinakausap ni Ingo, galit parin siya sakin, ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng Inay niya. Kung alam niya lang labis din akong nalulungkot. Sinisisi ko rin ang sarili ko dahil sa akin namatay si Aling Facita."Ingo" tawag ko sa kaniya. Nakita ko siya dito sa labas ng mag-isa kaya nilapitan ko na siya. Hindi niya ako nilingon alam kong galit siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Walang ka emo emosyon niyang tanong.
"Ingo, sorry, kung alam mo lang nasasaktan din ako sa nangyari kay Inay Facita, hindi ko rin naman ginusto ang nangyari" hindi ko mapigilan ang luha ko.
Akala ko magsasalita pa siya pero wala ng salita ang sumunod sa kaniya. Alam kong nagpipigil lang siya ng galit kaya hindi na niya ako kinausap.
Hinarap ko siya.
"Sapakin mo ako" Sabi ko bigla. Tumingin siya sakin, nagulat sa sinabi ko. "Sapakin mo ako kung 'yan ang makakapagpaalis sa galit mo sa akin. Sapakin mo ako!" Sigaw ko sa kaniya, kinuha ko pa ang kamay niya para sapakin ako. "Sapakin mo ako! Oh kung gusto mo patayin mo pa ako eh!"
Seryuso kong sabi, inagaw niya bigla ang kamay niya."Sana nga ganon lang kadali iyon" mas nagulat ako sa sinabi niyang 'yon. So gusto niya rin akong patayin? Ganon ba talaga kalaki ang galit niya sakin? Sabagay buhay na ang pinag-uusapan dito. "Umalis ka" dugtong pa niya.
"Ganon nalang palagi paaalisin mo ako sa harapan mo?" Hindi makapaniwala kong tanong "pagod na pagod na ako na ganito nalang palagi!"
"Eh ano bang gusto mo!" Bigla niya akong sinandal. At pinakatitigan ako ng matalim.
"Ang mawala ang galit mo sa akin!"
Madaling araw palamang naglabada na ako gusto ko lamang makatulong sa tinitirhan kong bahay ngayon.
"Ingo,buhatin mo nga ito!" Tawag ko kay Ingo, pinapabuhat ko 'yong balde na puno ng mga damit. Magsasampay na kasi ako ngayon. At Oo magkabati na ulit kami ni Ingo 。◕‿◕。 .
"Ingo, ano ba, bilisan mo naman!" Ang bagal kasi eh.
"Oo nandiyan na po, madam!" Sigaw niya. Natawa nalamang ako.
Nakita ko siyang binuhat na 'yong balde na puno ng mga damit, nagtungo na ako sa sampayan.
"Oh eto na po, madam" Sabi niya pagkalapag ng balde
"Salamat, katulong" biro ko, at kumuha ng isang damit para isampay na.
Naramdaman kong nabasa ang likod ko kaya bigla ko siyang nilingon.
"Bweset ka!" Sigaw ko at aakmang babasain din siya pero agad siyang tumakbo, kaya bumalik nalang ako sa pagsampay. Nakita ko pa siyang dumila, pero hinayaan ko nalang ang pagkaisip bata niya.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagsasampay ng biglang matanaw ko ang isang grupo ng kalalakihan na papalapit sa direksiyon ko. Agad kong nabitawan ang damit, at tatawagin ko na sana si Ingo ngunit bigla silang nagpaputok. Tatakbo na sana ako kaso nadapa ako.
"Silang!" Tawag ni Ingo. Akala niya yata natamaan ako ng bala. Gumapang siya papunta sa akin, at tinulungan niya ako. Gumapang kami patungo sa mga damo.
At pagkarating tumakbo na kami sa kagubatan
Bang! Bang!
"Habulin niyo!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki
Mabilis kami na tumakbo. Buti nalang at hindi maulan ngayon kaya tuyo ang daan.
"Saan tayo pupunta, Ingo?" Kinakabahan kong tanong. Hinihingal na rin ako
"Hindi na mahalaga iyon ang importante malusutan natin ang mga humahabol sa atin ngayon!" Sagot niya nakapako lang ang mata niya sa daraanan
"Dito tayo!" Sabay naming sabi.
"Ano ba huwag diyan! Dito tayo!" Suhestiyon ko.
"Huwag diyan, dito tayo!" Suhestiyon rin niya.
"Paputukan sila!"
Bang! Bang! Bang!
Pinahabulan kami ng bala kaya nagkahiwalay kaming dalawa.
"Ay!" Sigaw ko habang tumatalon talon sa mga nakaharang na kahoy. Nakita ako ng pwedeng pagtaguan kaya nagtago ako, Nakakita naman ako ng isang kahoy na pwedeng pamalo kaya kinuha ko ito. May lalaking sumulpot sa harapan ko pero hindi niya ako nakita, mabilis ko siyang pinalo sa ulo makalawa, at ayon! Knock out!
Tinapon ko ang kahoy at umalis sa pinagtataguan ko, maingat akong naglakad-takbo sa masukal na daan at madaming nakatambak na kahoy. Hanggang sa nakita ko si Ingo nanakikipag-agawan ng baril sa kalaban, bigla niya itong sinapak at nakita kong sinapak din siya! Nagpapalitan sila ng suntok! Hanggang sa natumba si Ingo! Tinutukan siya ng baril, pero mabilis siyang nakailag at nahawakan ang kamay ng kalaban, at nagkaroon siya ng pagkakataong sikohin ang mukha ng kalaban na naging dahilan para mawalan ng malay.
"Ingo!" Tawag ko sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya, at biglang may nagpaputok, pero agad naman kaming nakapagtago.
Nakipagsalitan si Ingo sa pakikipagbarilan. Ow kailan kaya 'to natutong bumaril?
"Kailan kapa natutong bumaril?" Pagtataka ko
"Ako pa ba?" Sagot niya, may halong yabang. At biglang may bumaril sa kaniya muntik pa siyang matamaan sa mukha.
"Ikaw pa ba? Huh? Ano ka ngayon" bwelta ko naman.
"Tsk muntikan palang 'yon!" Sabi niya ng may halong yabang.
"Sa susunod head shot kana"
"Huwag puro daldal, napapahamak ako ng dahil sayo eh, Tara na!" Hinatak niya na ako at mabilis na timakbo, habang nakikipagbarilan parin. Bweset ang sakit na sa paa!
Mastermind pov.
"Ano?! Nakatakas na naman?! Mga bobo! Hulihin niyo sila at patayin!" Suminghal ako ng malakas.
"Huwag po kayong mag-alala, boss, hindi namin sila hahayaang makatakas ulit, magtiwala lang ho kayo samin"
"Magtiwala?!! Ilang beses na! Kilala niyo ako kung paano magalit,Halter, kaya huwag niyo 'kong bibiguin, naiintindihan mo?!!" Magsasalita pa sana siya pero agad ko nang pinatayan ng telepono. Mga palpak!
"Huwag ng mainit ang ulo mo mahal ko, magagawa din nilang patayin ang anak ni Hernandez" Nakayapos sakin ang mga kamay ni Eduardo, tanging siya nalamang ang nagpapakalma sakin. Naramdaman ko naman ang mainit niyang mga halik sa leeg ko. Napapaliyad ako sa tuwing nararamdaman ko ang maiinit niyang mga halik.
"Ohh, mahal ko, walang sino man ang nakakapagbigay sakin ng ganito, kundi ikaw lamang,mahal ko" Sabi ko habang hinahayaan ko siyang gawin ang nais niya sa katawan ko.
"Kahit pa ang walang kwenta mong asawa,mahal ko?"
"Oo mahal ko,at ayoko mo nang isipin siya mahal ko" at ginawa namin ang gusto naming gawin sa isat isa.
BINABASA MO ANG
GIN HIHIGUGMA KITA
ActionSi Sheina ay umuwi sa pilipinas upang takasan ang arrange marriage. Ngunit sa kaniyang pagdating magsisimula ang panganib sa kaniyang buhay. Not edited story yet