Chapter 19

1 0 0
                                    

Makalipas ang limang taon

"This is my son, Calyxx Axl Bond" pakilala ng daddy ni Axl sa kaniya nagkamay sila ng mga kaibigan ng dad niya.

"Congratulations for your new achievement, Ang galing mo Axl, pinahanga mo kami" makikita sa mga mata nila ang pagkamangha at pagiging proud kay Axl.

"Thank you, Mr. Tan" Nakangiting pagpapasalamat ni Axl.

"You're always welcome, iho" Sabi ni Mr. Tan. "Btw, this is my daughter, Abegail, you can have a date with her, she's nice, adorable, and of course gorgeous" Sabi ni Mr. Tan kay Axl, tinignan pa siya ni Mr. Tan ng makahulugang tingin. Talagang gusto niya ang anak niya ang makatuluyan ni Axl.

"It's my pleasure to know that, Mr. Tan" lumawak ang ngiti ni Mr. Tan.

"Ohomn" kunwaring ubo ng isa pang kaibigan ni Mr. Bond. Nakuha naman niya ang atensiyon ng lahat, kaya nagsilingon sa kaniya.

"Why don't you date my daughter, Mr. Axl, She's kind of chic, flawless skin, sweet, caring, and a loving lady you would probably wish to be with her forever " Sabi naman ni Mr. Rodriguez

Natawa nalang si Axl, dahil sa mga inaasta ng mga kaibigan ng dad niya. Na pinagpipilitan siyang e date ang kanilang mga anak sa kaniya. Sumagot lamang siya in a nice way.

Marami na siyang na e date, pero ni isa sa kanila, hindi niya mahanap ang love. Iisa lamang ang tinitibok ng kaniya puso. Pero alam niyang hindi na sila magiging sila dahil may asawa na ito ngayon.

Napasigh na lamang si Axl ng isiping iyon.

Tok Tok Tok

Narinig ni Axl ang tatlong katok mula sa labas.

"Come in" Walang gana niyang sagot, nilalaro laro niya ang ballpen sa kamay niya, bumukas naman ang pinto at iniluwa ang secretary niya.

"Good afternoon sir, nandito na po ang pinaiimbistigahan niyo" ibinigay niya ang folder kay Axl. Kinuha naman iyon ni Axl at binuklat agad.

Nangunot ang noo niya at palihim na napangiti.

The next day..

Sheina pov.

"Dad, please, hayaan mo nalang akong pumili sa taong gusto kong pakasalan. Ayoko sa mga arrange arrange marriage na 'yan, alam mo 'yan" Sabi ko kay dad. And yup, hindi naituloy ang pagpapakasal namin ni Francis. Kinausap ko siya na ayokong magpakasal sa kaniya. At yon sinabi niya ring nagkabalikan sila ng Ex niya na buntis pala sa mga oras na'yon.

I feel relief nong time na 'yon. Naging busy ako sa loob ng limang taon. Sabi ko kay dad, uuwi ako ng pilipinas. Gusto kong magbakasyon. Alam kong wala nang manggugulo pa sa akin dahil nakulong na sina tita Denise at yong kabit niya at mga tauhan nila. Kaya alam kong safe na ako. At if ever, kaya ko na silang patumbahin mag-isa.

"Ayaw mo bang i-meet muna ang lalaking gusto kang pakasalan?" Nakangiting tanong ni dad nangunot ako sa kaniya, parang may kung ano sa ngiti niyang 'yon.

"Dad, I told you na diba na ayokong inaarrange marriage mo ako, kaya Kong maghanap Ng lalaking mapapakasalan ko kung gugustuhin ko, okay?" Sabi ko sa kaniya.

"Okay, Ikaw ang bahala" Sabi niya. "Baka mamaya magsisi ka" dugtong pa niya.

"Dad" saway ko sa kaniya, ayaw niya kasing tumigil. Naglalagay pa naman ako ng eye liner.

"Ok ok fine, be careful for your vacation and if ever something happened don't HESITATE to ask help, I'm always free for you, okay?" Sabi niya. Binitawan ko ang eye lines na hawak ko. Lumapit ako sa kaniya at yinakap siya sa likod.

"Dad, wag na po kayong mag-alala sakin kaya ko na po ang sarili ko, alam mo namang matapang tong anak niyo eh" pinakita ko pa sa kaniya ang braso ko. Umiling iling nalang siya sa katigasan at madami pa siyang mga sinabi. Sinasagot ko lang siya na ok.

"Bye, dad!" Humalik muna ako sa kaniya at pumasok na sa kotse.

Ang dami kong na miss sa pilipinas, namimiss ko na sina Bimboo, dati nong una kong bakasyon hindi kami nakapagbonding dahil sa mga nangyari, pero ngayon sana naman matuloy na, always akong ready pagdating sa fighting, pero mas gusto ko muna 'yong tahimik na buhay.

Speaking of Ingo... Nang maalala ko ang pangalan niya, kumirot bigla ang puso ko, na guilty ako sa mga nangyari sa kaniya. Isa rin itong reason kung bakit ako uuwi ng pilipinas. Dahil sabi non ni dad, tutulungan niyang ipagamot si Ingo kapalit nang pagbalik ko sa Florida, alang alang sa kaniya, sinunod ko yon, dahil ayaw kong mawala siya. Ayokong mawala siya dahil, masasaktan ako, lalo pat ako ang dahilan ng pagkawala ng Nanay Facita niya na kaisa isa niyang pamilya na lamang. Tapos mawawala pa siya, double guilt na yong mararamdaman ko, at isang pamilya pa. Parang ako ang dimalas sa pamilya nila. Hayst.

Kumusta na kaya si Ingo? May girlfriend na kaya siya o kaya may asawa at may mga anak na ba sila? Kasal na kaya siya?

Yan ang mga tumatakbo sa isip ko. Hindi naman ako nagsisilos no, gusto ko lang malaman kung ayos lang ba siya ngayon sa buhay niya. Wala po akong pagtingin sa kaniya tanging kaibigan lamang ang nararamdaman ko sa kaniya. Yon lamang po. Wala nang iba, Lalo pat di natin alam na baka mamaya meron na yon eh magsilos pa sa akin. Kaya i-keep ko nalang ang ganitong isipin.

Naaalala ko siya dati nong mga bata pa kami, mahilig siyang magtanim ng mga kamoting kahoy at maglibot libot sa maliit nilang sakahan. Pinaglulutuan niya ako ng kamote at saka kinukuhaan ng buko tapos sabay kaming kumakain. Ang sarap mamuhay, simple lang, pero ang saya.

Hindi ko alam kong anong magiging reaction ko kapag nakarating na ako sa pilipinas at magkita kami. Nangiti ako. Ang alam ko lang ay naeexcite ako ngayong makikita ko siya. Limang taon ring hindi kami nagkita kaya, namimiss ko na siya at gusto ko na siyang makita, yong mga pangisi ngisi niya. Natatawa ako ng alalahanin ko sa tuwing ngumiti siya. Masasabi kong bagay sa kaniya ang ngumingiti ang gwapo niya actually.

GIN HIHIGUGMA KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon