Chapter 17

1 0 0
                                    

Nginisihan niya ako pagkatapos ay tumayo at pinagpagan ang pantalon niya. At naglakad na parang walang nangyari, nag ilang hakbang muna siya bago lumingon sa akin. Nakaupo parin ako sa semento.

"Ano pang hinihintay mo? Pasko?" Sabi niya at ngumisi. Sininyasan niya akong 'tara na' at tinalikuran na niya ako, lakas ng amats. Hindi mo ko madadaan daan sa mga ganiyan no!
Hindi kita ikikiss!

Tumakbo ako palapit sa kaniya. Bigla siyang umakbay sa akin pero bigla rin akong umiwas.

"Bakit hindi ka manlang natamaan ng baril. Alam ko namang natamaan ka eh?!" Tanong ko ng makarecover, kasi hindi parin talaga ako makaget over sa nangyari, sobra akong nag-aalala.

Pinakita niya sakin ang loob ng damit niya. Nanlaki ang mata ko. Kaya naman pala.

Nakasuot siya ng ballistic shields..

Ngumisi siya sa akin. At pagkatalikod niya, saktong may lumabas na lalaki pero kaagad siyang na tamaan ng baril. Nilingon ko si Ingo na ngayo'y nakatutok ang baril sa kalaban na ngayo'y humandusay sa sahig. Nakangiti ito at itinaas baba pa ang kilay niya.

Tinarayan ko siya. Kaagad kong kinalabit ang baril nang makita ko ang mabilis na pagsulpot ng lalaki. At yon. Head shot.

"Nice" Sabi niya. At nanguna sa akin.

Nagtago siya sa may pader. Ganon din ako. Sumilip pa siya kung may kalaban. At may biglang may bumaril mabuti na lamang at nakapagtago siya ulit. Mabilis din siyang bumaril at natamaan niya ito.

Sininyasan ako ni Ingo na magtungo sa taas. Tumango ako at mabilis na umakyat ng hagdan may mga nakakasalubong ako pero mabilis ko silang nauunahang bumaril.

Nang makaakyat ako. Nakita ko si Ingo na nakikipagtalastasan sa pagbaril.

Grabe, ang galing niya, parang ibang Ingo ang nakikita ko ngayon. Parang isa siyang action star kung makipagbarilan. Hindi ko inakalang magaling siya sa ganitong bagay. Dahil ang alam ko lang isa lamang siyang hamak na super simple na lalaki. Pero ngayon. Napapanganga nalang ako sa nakikitang bagong Ingo. Nakakahanga.

Habang abala ako sa panunuod sa kaniya bigla siyang lumingon sa gawi ko at itinutok ang baril.

Kinabahan ako ng iputok niya iyon. Naramdaman ko nalang na may natumba sa likuran ko.

Nagulat ako ng makita ang lalaki, may lumabas pa na dugo sa bibig niya. Nilingon ko si Ingo. Iiling iling siya habang nakatingin sa akin.

Mabilis niyang napatumba lahat ng kalaban bago umakyat ng hagdan kong nasaan ako ngayon.

"Magfocus ka sa mga kalaban, wag sa akin" bulong niya. Magsasalita na sana ako pero may sumulpot na kalaban.

Mabilis kaming nagtalikuran ni Ingo. Hinawakan ko ang baril ko ng dalawa kong kamay habang nakataas ito sa banda kong dibdib. Umikot kami ng dahan-dahan nang magkadikit parin ang likuran namin.

Sabay kaming nagpaputok ng baril nang sumulpot sa amin ang limang lalaki. Mabilis naman naming napatay lahat.

Hindi naman kami ganon ka expert diba? *Smirk*

Narinig kong nagpalit si Ingo ng magazine at kinasa ng matapos.

Humiwalay ako kay Ingo at mabilis na hinabol ang lalaki nang makita ko itong tumakbo. Ilang segundo ko muna bago ko ito natamaan ng baril.

Natatamaan ko kasi ang bawat target ko nang Isang Segundo lang.

Hindi naman sa pagmamayabang.

Sumunod pala sakin si Ingo. Bigla itong sumigaw na 'dapa!' lilingon pa sana ako pero ka agad niya akong yinakap at natumba kami. Napatakip ako ng tainga dahil sa lakas ng pagsabog ng bomba. Mabuti nalang at nakatalon kami pero ang sakit naman huhu. Ako ang nasa ilalim at si Ingo nasa tabi ko habang ang isa niyang kamay ay nasa likuran ko parang pinuprotektahan niya ako. Mabilis siyang lumuhod at pinatamaan ng bala ang lalaki. Confident pa siyang matatalo kami. Pero mas mabilis si Ingo na kumilos kaya ang ending siya ang natalo.

"Bilisan mo!" Sigaw niya sa akin, nakadapa parin kasi ako. Kaya mabilis akong tumayo. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming tumakbo habang siyay panay ang baril sa mga kalaban. May pa lugod lugod pa siyang nalalaman. At tinignan niya ako ng mayabang na tingin. Parang pinapahiwatig niyang walang wala ako.

Aba-aba nagkakamali siya!

Mabilis ko siyang binitawan, tinignan ko siya ng masama, tinignan niya ako ng nagtatanong na tingin. Mabilis kong kinasa ang baril ko, nakaharap talaga ako sa kaniya. Mabilis akong tumakbo sa gitna at nagslide at saka lumuhod na parang si Spiderman habang bumaril. Nahulog ang lalaking natamaan ko ng bala.

Akala niya siya lang ang marunong sa mga paluhod luhod? Ako din no!

Naglakad ako ng taas-noo, pabalik sa kaniya.

Ngingisi ngisi naman siya. Kinunutan ko siya ng noo.

"Anong nginingisi ngisi mo diyan mukha kang timang" nainis ako sa pangisi ngisi niya ano bang nakakangisi don? Ang astig ko kaya.

"Wala nakita ko kasi ang girl version ni spiderman" Sabi niya sabay tawa.

Mabilis ko siyang binatukan. At nagpatiuna sa paglakad. Deserve.

Narinig ko siyang nag 'hoy' pero hindi ko na siya pinansin.

"Tita Sheina! Tita Sheina!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang tawag na 'yon sa akin. Si Bimbo, 'yon! "Tita Sheina! Tita Sheina!" Nagpalingalinga ako, kung saan nanggagaling ang boses.

Agad kong hinawakan ang baril ng mahigpit habang tinutok ang baril sa kung saan ang boses.

"Maligayang pagdating, Sheina!" Nakangiting sigaw ng lalaki sa taas. Nakatutok ang baril sa pamangkin ko. At meron pang nasa likuran, nandoon sina auntie, bakla, at ang dalawang anak ni auntie Janice na maliit na babae. May mga lalaking nagpakabantay sa kanila nakatutok din ang mga baril sa kanila.

"Wag kang magpadalos dalos, Sheina, hinihingi lamang namin ang kayamanan mo! Masama ba 'yon?" Sabi niya habang tumatawa gayon din ang kasamahan niya.

Malamang masama yan, pero kung bobo ka hindi ka marunong umintindi, hindi yan masama.

Nakita kong sininyasan nitong bobo ang mga kasamahan niya. Nagets siya ng mga ito at dangling bumaba.

"opps opps opps, kalma kalang, Sheina, dadahan dahanin kalang ng mga kasama ko, Hindi ba?" Tanong niya sa kasamahan niya. Mas hinigpitan ko ang hawak kong baril.
Narinig ko naman ang pagsang ayon ng mga lalaki sa kanilang boss. Sabay halakhak. "Kumalma kalang, Sheina, nag iisa kalamang, dilikado" ngumisi ngisi pa siya.

"Nagkakamali ka" sagot ni Ingo na ngayo'y nakatutok ang baril sa kaniya.

Halatang nabigla si Edwardo sa pagdating ni Ingo na mas ikinabigla niya dahil nakatutok sa kaniya sa likod ang baril. "Ngayon, taas ang kamay" utos ni Ingo. Dahan dahang niyang itinaas ang kaniyang kamay. Kinuha ni Ingo ang baril sa kamay ni Edwardo. "Lakad" utos pa niya. At doon bumungad sa likuran ang mga wala ng malay na niyang tauhan, maliban sa narito sa ibaba.

GIN HIHIGUGMA KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon