Chap.8:

0 0 0
                                    

"Woooww!! Ang ganda ng view at ang fresh fresh ng hangin!" Tinaas ko ang kamay ko at nilanghap ang sariwang hangin. Woah.

"Gusto mo?" Biglang may nagsalita sa likod ko, nilingon ko ito at nginitian siya.

"Dati pa favorite ko na 'to, kaya gustong gusto ko 'to" nakangiti kong sagot at tinanggap ang Cornetto nahawak ni Ingo.

"Alam ko kaya nga ito ang binili ko eh kasi alam kong ito ang gusto mo" Sabi niya tinignan ko naman siya na may nanunuksong tingin.

"Asuss" Sabi ko pa habang binubuksan ang Cornetto.

"Naalala mo dati, bago tayo makabili ng paborito mong Cornetto, nangunguha mo na tayo ng bayabas tapos binibinta pa natin sa mga kaklase natin" sinulyapan ko siya at nangiti ako nang maalala ko ang isa sa mga childhood memories namin.

"Oo nga nakakatuwa nga 'yon haha" ilang segundo kaming nagkatitigan at biglang natawa. "Alam mo ang sarap pala mag stay sa ganitong lugar tahimik,payapa at simple lang" Sabi ko ng nakangiti alam kong nakatingin siya sakin kaya nilingon ko siya. Sobrang lapit ng mga mukha Namin sa isat isa. Nagkatitigan kaming dalawa ngayon parang ang seryuso namin, parang ang sarap niyang titigan. Hindi ko alam kung ilang segundo na kaming nagkakatitigan hanggang sa unti unti niyang inilalapit ang mukha niya sa akin.

"Ahm Ingo, siguro hinahanap na tayo nina Aling Edna" nakatingin parin kami sa isat Isa at sobrang lapit na talaga ng mga mukha namin. Hindi niya inaalis ang mukha niya kaya ako na ang kusang umiwas.

"Pasensya kana" mahinang wika niya. Hindi ako manhid para hindi ko maramdaman ang nararamdaman ni Ingo. I'm so curious about myself, do I am falling in love with him too?

Bumalik na kami sa bahay nina Aling Edna.

"Oh bakit kayo ginabi? Halina kayo rito kakain na tayo" bungad ni Aling Edna. Tinignan niya kami bakit hindi kami sumasagot. "Oy ano ba ang nangyari sa inyong dalawa ha?" Na cu-curious niyang tanong.

"Wala po" walang gana kong sagot at naglakad na ako papuntang mesa.

"Iho, ano bang nangyayari sa inyo?" Rinig kong tanong ni Aling Edna kay Ingo

"Ewan ko po" sagot naman ni Ingo

Tinignan lang kami ni Aling Edna

"Ano kayang nangyari sa dalawang 'yon?" Napakamot nalang si Aling Edna habang nakatingin sa amin.

"Ako na riyan" insist niya. Katatapos lang namin kumain.

"Hindi 'wag na kaya ko na 'to, matulog kana" at pinagpatuloy ang pagliligpit ng mga plato.

"Oh sigi bahala ka, tawagin mo lang ako pagmay kailangan ka ha" Sabi niya .

"Oum Sige" narinig ko na siyang naglakad paalis.

"Sigurado ka?" Sabi pa niya nasa may pintuan na siya. Natawa pa ako ng mahina

"Oo nga" sagot ko at sinulyapan ko pa siya, madalas siyang tumitig sa akin kaya ako na ang umiiwas agad. Bumalik na ako sa paghuhugas ng pinggan.

"Sigurado ka ha?" Tanong niya ulit, sinulyapan ko siya na natatawa na talaga.

"Oo nga siguradong sigurado, umalis kana" natatawang pagtataboy ko sa kaniya

"Sigi, ingat ka dito may multo"pananakot niya pa at umalis na nga siya. Napailing nalang ako sa kakulitan niya.

"Hoy!" Panggugulat ko sa kaniya. Napatalon pa siya kaya tumawa ako ng malakas

"Hahahaha!" Tinuturo ko pa siya habang tumatawa.

"Ikaw ha!" Hinabol niya ako

"Ahh hahaha" tatawa tawa ako habang hinahabol niya ako

"Halika rito" at nahuli niya ako tawa parin ako ng tawa. Mas lalo akong natawa dahil kinikiliti niya ako

"Ano ba tama na Ingo! Di na ako makahinga! Hahaha" hihingal hingal kaming nahiga sa damuhan at nagkatitigan at natawa na naman.

Tumingin siya sa taas at may tinuro.

"Kita mo 'yan?" Tumingin naman ako sa taas

"Malamang" sagot ko at natawa, "I think it's about to rain"

"Namiss kong maligo sa ulan" Sabi niya

"Ako rin" nagngitian kaming dalawa. Hanggang sa naramdaman nalang namin ang pagbuhos ng ulan, namalayan nalang namin nag eenjoy na pala kami sa ulan.

"Wohoooo!"

"Hoooooo!"

"Hahahahaha" natawa kami pariho na parang mga sira

"Bilis punta tayo don!" Sabi ko at hinila siya.

"Wohooooo!!" Sigaw namin

"Hoy ano ba kayong dalawa magkakasakit kayo niyan!" Rinig kong sigaw ni Aling Edna

"Ayos lang po! Hooooo! Hahaha!" Nakikita ko kung paano kami nag eenjoy ni Ingo sa ulan. At talagang para kaming bumalik sa pagkabata!

"Para kayong mga bata, pumarito na kayo, tumigil na kayo diyan!" Saway ni Aling Edna pero hindi namin siya pinapakinggan tuloy lang kami sa paglalaro ng habol habulan!

Nahuli ako ni Ingo ang kaso madulas ang inaapakan namin kaya sabay kaming napahiga, pinagtawanan lang namin ang isat isa. Naramdaman ko ang kamay niyang ipinahid sa mukha ko may kasamang putik pala kaya kumuha rin ako ng putik at nilagyan siya, tatawa tawa ako ng makita ko ang madumi niyang mukha.

"Hahahaha!"

"Ang saya no maligo sa ulan" katatapos lang naming magbanlaw at heto maayos na ulit kami tignan.

"Oo nga, para tayong bumalik sa pagkabata hahaha" nakangiti niyang sabi nangiti rin ako. "Pero sa tuwing umuulan naaalala ko si Inay, naalala mo ba 'yon, yung palagi tayong nilulutuan ng champorado tuwing umuulan kasi malamig ang panahon?" Nakangiti niyang kwento habang inaalala niya ang mga panahon noon.

"Oo naaalala ko iyon, namimiss ko rin ang luto ni Inay Facita" ngumiti ako sa kaniya, pinahid niya ang luha ko. "Alam mo ba Ingo hanggang ngayon naguguilty parin ako sa nangyari kay inay facita" tinitigan ko siya habang maluha luha ako. " I feel so much guilty it's something like I always having a nightmare" at hindi ko na ma control ang sarili kong umiyak. Niyakap niya ako. "I'm sorry Ingo, because of me you lost your love one, na siya nalang ang natitira mong pamilya tapos nawala pa siya" hinagod niya ang likuran ko.

"Wag ka nang umiyak, it's not your fault, if anyone is to blame here, it's not you, but the people who killed her" tinulak ko siya at pinunasan ang sariling luha, nagtaka naman siya,kung bakit ko siya tinulak. "Ang galing mo naman palang mag English eh, haha" natawa ako habang nagpupunas ng luha.

"Pero seryuso naman kasi ako, at hindi ka dapat maguilty dahil wala kanaman kasalanan, Hindi Ikaw ang pumatay sa kaniya, kaya wag mong sisihin ang sarili mo dahil wala Kang kasalanan"

"Pero buhay na dito ang pinag uusapan Ingo eh"

"Huwag kanang maguilty, please? Ayaw kasi kitang nakikitang nasasaktan eh"

GIN HIHIGUGMA KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon