Chap. 11

0 0 0
                                    

"hayy namiss ko ang paghiga sa malambot na kama" Nasabi ko nalang ng makapagcheck in na kami ng hotel. Dahil ayokong makasama sa kwarto si Ingo, ako na ang nagbayad sa room niya. Libre ko na.

Makalipas ang ilang minuto

*Dingdong*

Ay ganon dingdong? Nakapaghotel ako dati hindi naman dingdong ang tunog non ah, pero ito dingdong talaga, pero baka iba lang 'yon at iba lang 'to, ito ang type nilang doorbell eh, wag nakong feeling.

Pero namiss ko tuloy sa bahay. Nakaligo narin ako at nakabihis. After ko magwithdraw kanina namili talaga ako ng damit pati rin yong isa, nilibre ko na, kawawa naman. Naparoll eyes pa ako.

"Food delivery po, Ma'am" nginitian ko siya ng di nakikita ang ngipin at binigay ang bayad.

"Ah manong pakibigay nalang 'tong isang order sa kabilang room, thank you" nag-okay naman ang delivery boy. At sinarhan ko na ang pinto.

Nakabalot pa ang order kong foods pero naaamoy ko na ang espirito ng pagkain.

Ito na..bubuksan ko na.. talagang natatakam na talaga ako, kumukulo narin ang tiyan ko, estoy muy enfadada na talaga, oh diba sa sobrang gutom ko nakapag Spanish na ako, kaya hindi na talaga 'to kaguton gutom lang-ibang gutom na talaga 'to. Hindi na ako makapaghintay pa, hindi ko na muna binuksan ang iba at isusubo ko na sana ang una kong binuksan na order pero-

*Dingdong*

Nakanganga na panaman ako. Napapikit nalang talaga ako dahil sa beset na nagdoorbell.

Inis kong nilapag sa supot ang hita ng manok na inorder ko sa Mang inasal. At mabilis na nagtungo sa pinto. Padabog kong binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto bumugad sakin ang gulat na ekspresyon ni unggoy.

"Ano?!" Malakas na sigaw ko. Hindi pa siya makarecover dahil sa gulat. Mabilis akong tumingin sa side ko at binalik ang paningin kay Ingo. Galit ako. "Anong kailangan mo?!" B-n-ang ko pa ang pinto kahit bukas na at naglikha iyon ng malakas na tunog.

Nakita ko siyang napakurap kurap ng mata. Tinitigan ko siya, Pero bigla kong naibaba ang mga tingin ko sa kaniya mula sa balikat sa dibdib sa...kaniyang ano at sa paa.

"Ahm oh-mn!" Umubo siya. Ang kaninang parang batang lalaki na parang natatakot dahil mukha siyang nakakita ng multo ay bigla naging ano ang mukha - hindi ko madescribe ang ano niya- ekspresyon niya. Basta parang nanunukso. Napalunok pa ako ng makita ko ang tiyan niya na basang basa pa ito. Nakatapis lang siya ng tuwalya. Kaya napalunok nanaman ako. Sa mga oras kanina gutom na gutom ako pero sa mga oras na 'to busog na busog na ako. Hindi ko na maramdaman ang gutom. Mukhang ayoko nang kumain ng hita ng manok parang gusto ko nang iba...

Rinig kong pinatunog niya ang daliri niya malapit sa mukha ko para gisingin ako.

Inayos ko na ang kalagayan ko ngayon at ibinalik ang galit kong mukha. Nang tignan ko na ang mukha niya, abot hanggang tainga ang ngisi.

"Ano s-"

"Nakalimutan mo yatang ibigay ang damit na para sakin?"

Isinandal niya ang isa niyang kamay sa pader, habang nakatingin sakin-at nakangisi. Nagkatitigan kami, kalaunay bumitaw din ako, tinarayan ko siya. Pinaramdam kong hindi ako naaakit. Hindi ko maramdaman ang presensiya niya sa likod, kinuha ko na ang bag kung saan nakalagay ang damit niya na binili KO.

Nandon lang siya sa may bukas na pinto ni hindi manlang pumasok, tsk.
Inihagis ko na ang bag at sinalo niya iyon na may ngiti. Siraulo talaga, para siyang may tupak kakangiti. Pero masasabi kong- Hindi naman na sasabihin ko 'to dahil type ko siya, hindi ganon yon ha. Sasabihin ko 'to kasi honest lang ako sa kung anong nakikita ko. So, base sa kung anong nakikita ko. Ang gwapo niya talaga. For sure kapag naisuot na niya ang damit na binili ko mas magmumukha siyang tao. Ahahahaha

Nang makalapit ako hinawakan ko na ang pintuan.

"Umalis kana,chupi! Chupi!" winagayway ko pa ang kamay ko pagtataboy na umalis na siya.

Sinarado ko na ang pinto at nakahinga narin. Bigla kong naalala ang inorder ko at napakagat nalang ako sa labi at pinagpatuloy ko na ang pagkain. At wala ng may nagdoorbell buti nalang dahil hindi ko na pagbubuksan.

"Did you enjoy, Mahal?" Rinig kong boses mula sa likod.

"You're so expert and I like it, mahal" sagot naman nong babae. Teka, nahinto ako sa pagkain. Isusubo ko na rin sana pero na istatwa ako ng marinig ko ang boses na 'yon. Familiar ko ang boses na iyon. Hindi ako nagkakamali.

"Oh bakit ka na istatwa diyan?" Tanong ni Ingo, ngumisi na naman siya. Pero hindi ko siya pinansin. Nakafocus ako doon sa nag-uusap na dalawang tao. Pero hindi ko sila na nakita dahil nakatalikod ako sa kanila. Lilingon na sana ako,pero hindi ko pinagpatuloy ng marinig ko ang sumunod na tanong nong lalaki.

"So, is there any update about your step-daughter,Sheina?" Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko, so confirmed. Step mother ko ang nasa likuran ko at ang ikinagulat ko she's cheating on my dad. Naikuyom ko ang mga palad ko.

"I have no update yet. But I'll make sure, malapit na siyang mawala sa mundong ito" narinig ko siyang tumawa pati ang lalaki niya.

"Good job,mahal, kaya mahal na mahal kita eh" Mga hay*p.

"Hoy" Sabi ni Ingo, winagayway niya pa ang kamay niya sa mukha ko. Pero Hindi ko siya pinansin, okupado na ang utak ko sa nalaman ko ngayon. Tinignan ko siya ng masama kanina pa siya nangungulit. Masasampal ko na naman 'to. "Ano-" sininyasan ko siyang wag maingay, nanggagaliiti pa ang mga ngipin ko habang nakatingin sa kaniya. Kaya mas lalo lang siyang natawa, happiness niya talaga ako. Pinandilatan ko siya pero mas lalo lang siyang natawa. Rinig pa sa loob ng mcdo. Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko, napakagat labi nalang ako, dahil anomang oras, minuto o segundo, malalaman ng step mother ko nanandito ako. At ang sisisihin ko itong unggoy na 'to.

Walang kamalay malay 'tong ingot na 'to na ang gustong pumatay sa amin ay nasa likuran lang namin. 

"Excuse me?" Tawag ng bruha kong madrasta sa amin. Rinig ko mula sa likuran ko. "Miss, can you get the ketchup for me,please?" Utos niya sa akin. Nasa amin kasi ang ketchup.

GIN HIHIGUGMA KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon