EPILOGUE

1.8K 49 16
                                    


"Err. Nope, ang cringe," usal ng babae habang pipindot ang backspace sa laptop nito.

Napabuntong hininga siya at pinulot ang baso na may lamang mainit na tsokolate. Sumimsim siya rito at tumayo. Hindi niya mapigilan ang mapaisip, ipagpapatuloy niya pa ba ang pagsusulat? Parang inamaag lang din kasi ang istorya niya.

"But, I should at least give the characters a happy ending right?" sabi niya sa sarili.

"No. I'm going to change the plot, this time, maayos na."

Inubos niya ang tsokolate sa mug at nagpatuloy sa pag-delete ng mga istoryang nasimulan niya. Umabot na ito ng mahigit limampung chapter pero hindi niya pa rin ito nagugustuhan.

"Ayan. Let's start again, shall we?" She smiles and starts typing on the keyboard.

Hindi niya ba namalayan ang oras. Huminto lang siya kung kailan sumasakit na ng sobra ang mga daliri niya. Nag-umpisa siya ulit sa umpisa, medyo nahihirapan pa siya sa pagbuo ng plot dahil halos lahat na maiisip niya ay cliché na. Wala ng bago.

Restarting... 99%

"Huh?" Naningkit ang mga mata niya.

May lumabas kasing asul na box sa screen niya at nakalagay ang sulat na 'yon doon.

"Ano 'to?"

Sinubukan nuyang burahin ang sulat na 'yon pero hindi niya magawa. Kinakabahan tuloy siya, baka nagkaroon na ng virus ang laptop niya.

Restarting... 100%

"Hala tangina. Sino ang bwisit na nang-hack sa laptop ko," kabadong sabi niya habang kinakagat ang ibabang labi niya.

Walang nangyari sa laptop niya at nawala na lang ng basta 'yon kaya nakahinga siya ng maluwag at tiningnan maigi kung may mali ba sa laptop. Salamat naman at wala.

Muli niyang tinuloy ang pagsusulat hanggang sa wakas ay wala siyang ibang nagawa kundi ang ilagay ang magandang ending.

"I will cherish you forever," mahinang sabi ng babae habang nagtitipa sa laptop. "Ayan, kasal na sila ni Hades at gumaling na si Magdalena. Namuhay sila ng mapayapa," nakangiting sabi niya.

Restarting complete.

"Huh? Ulit? Teka, ano bang nangyayari dito sa laptop ko?"

Inalog niya ang laptop niya at nagulat na lang siya ng sobra itong lumiwanag dahilan para mapapikit siya.

Pagdilat niya ng mata ay natagpuan niya ang sarili sa malaki at hindi pamilyar na kwarto. Napakunot ang noo niya.

"Nasaan ako? Ah! Teka, ano 'to?!"

Dali-dali siyang tumayo at tumingin sa salamin na nakita niya. Nanlaki ang mata nito.

"Sino ang batang 'to?! Teka lang, hala. Diyos ko, 'di ba sa novel lang 'to nangyayari?" sabi niya. "Tangina, bakit ako?" frustrated na sabi niya.

"Lady Sofia. The breakfast is ready," katok ng isang maid.

Napalunok siya. Lady Sofia?

"C-Coming!" utal na sabi niya.

Mukhang nasa mataas na katayuan ang may-ari ng katawan niya. Hindi niya pa naman alam kung ano ang ugali ng batang ginagamit niya ngayon.

"Sorry sa kaluluwa mo kung nasaan ka man," aniya at lumabas na ng kwarto.

Namamangha man sa nakikita ay pinigilan niya ang sarili dahil baka mabuking siya. Tawagin pa siyang impostor at patayin, ayaw niya 'yon.

"His highness is here," sabi sa kaniya ng maid na katabi niya.

Magdalena: The Psychopath's Reincarnation.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon