Seducing Louie Miller

616 15 1
                                    

Mrs. Baekhyun's Note:

Medyo maikli yung Prologue at siryoso. So, hi! Expect some SPG chapters, so please read at your own risk. Bawal ang bata dito!!!! This is a Perry Series and sana susuportahan niyo lahat. Inspirasyon ko yung mga favorite kong stories dito such as MHIAMB, Montello High: School of Gangsters and Apostle Thirteen, nagkakasundo ba tayo ng binabasa? Lels. I hope you liked it. Send me your feedbacks :) Vote and comment po. Thank you for reading Seducing Louie Miller!!! xxx


READ AT YOUR OWN RISK. THERE ARE WORDS THAT ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS, PLEASE BE GUIDED ACCORDINGLY. THIS IS PURE FICTION, A PRODUCT OF MY OWN IMAGINATION.

WARNING: Mild SPG alert.

GENRES: General Fiction, Action, Romance

***

Dahan-dahan niya akong binuhat, bridal style. Alam kong hilo lang 'tong nararamdaman ko dahil sa alak na nainom ko. Pero bakit pakiramdam ko nag-iinit na ako at hindi lang 'to basta nalasing ako sa ininom naming dalawa? Iba yung pakiramdam, ibang klaseng init ang bumabalot sa katawan ko ngayon. Dinadala niya ako ngayon papasok ng isang hotel suite. Aba, paano kami nakarating dito?


"H-Hey, pasaan tayo?"


"Sa langit"


And with that, tumayo balahibo ko at lahat na ng buhok na pwedeng tumayo sa katawan ko. Shit lang, bakit ang seductive niyang tignan ngayon? Gawa lang ba 'to sa kalasingan o dahil isa talaga siyang pinanganak na mala-Adonis ang itsura? Hindi ko na alam kung anong nangyayari saakin, nasasapian na yata ako ng masamang espiritu. Kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko.


Kanina ang usapan, gagawin na ang plano namin. At yun ay ang akitin ang lalaking kasama ko ngayon. Pero mukhang naliligaw talaga ako sa plano namin. Niyaya niya akong maglaban sa inuman. Ang premyo ng mananalo? Isang tumatagingting na isang milyon. Mahigpit ang naging labanan namin, parehas kaming mataas ang alcohol tolerance. Pero siyempre, dadating din kami sa puntong hindi na kakayanin ng katawan namin at malalasing kami.


Sa kasamaang palad, natalo siya at bukas meron akong isang milyon galing sakanya. Bakit kasamaang palad? Sa sobrang dami ng pera ko, di ko na alam kung saan ko pa ilalagay 'yan. Bakit ba kasi nanalo pa ako?


"We're here" sabi niya. Idinilat ko yung mata kong gusto nang matulog at nakitang nasa loob na nga kami ng isang suit. Dahan-dahan niya akong nilapag sa kama at binitawan. "Magpahinga ka na, maaga pa tayo bukas"


Kasalanan niya kung bakit ako nalasing ngayon gabi. Kasalanan niya din kung bakit nasira yung plano ko. Nakahanda na yung lugar ng pangyayarihan ng pangaakit na plano namin para sakanya, pero nilasing niya ako.


Maglalakad na sana siya palayo nang bigla kong habulin ang kamay niya at hinila palapit saakin. Kunot-noo niya akong tinignan. "What?"


Imbis na sumagot, hinila ko ulit siya palapit saakin. Kinuha ko ang kwelyo niya at sinunggaban ng halik. Hindi ako makakapayag na basta-basta nalang masisira ang plano. Pinaghandaan ko 'to kaya wala nang atrasan 'to, tuloy na tuloy na ang plano.

Seducing Louie MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon