15

132 5 2
                                    


Chapter 15

Tumatakbo ako ngayon para habulin ang pasarang elevator. Buti nalang talaga mabilis akong tumakbo kaya nakaabot ako bago siya tuluyang magsara. Bwisit kasi yung elevator ko, ngayong araw pa nasira kaya napilitan tuloy akong gamitin ang public elevator. Pati elevator hindi marunong makisama, kitang nagmamadali yung tao eh.


Inayos ko yung magulo kong buhok habang naghihintay na makarating sa ground floor. Di man lang ako nakapagsuklay ng buhok kanina sa sobrang pagmamadali. Lagpas pa yung pagkakalagay ko ng lipstick at eyeliner kasi natataranta na ako. Seriously, I'm so fucked up today. Ang panget ng itsura ko ngayon at wala ako sa wisyo.


Pagbukas ng elevator, mabilis akong tumakbo papunta sa parking lot at humarurot papuntang office. Kanina pa ko tinatawagan nila Cheng pero hindi ko nasagot kasi ang sarap tulog ko. Yes, I'm fucking late. Malapit na mag-alas diyes ng umaga! Two hours na kong late sa trabaho! Ilang araw akong hindi makatulog ng maayos at kagabi lang ako nakatulog ng mahimbing. Di ko naman alam na malalate ako dahil sa himbing ng tulog ko.


Wag naman sanang galit sina Mr. and Mrs. Lewis. Ay dios mio! Goodluck nalang saakin.


Pagkapark ko ng kotse tumakbo ako agad papasok ng building. Wala nang poise-poise dito, late na ako sa meeting ko kasama ang top management team. Lahat ng nasa daan halos itaboy ko na nga eh. Yung iba sakanila binati ako ng 'good morning' pero hindi ko sila pinansin. Paano ba naman kasi? Mukha bang may maganda sa umaga ko?! Nakasimangot na nga ako dito oh, babatiin pa nila ako ng good morning kung hindi ba naman sila insensitive.


Nakarating ako kaagad sa tapat ng conference room. Bubuksan ko na dapat yung pinto pero biglang dumating si Glassy at merong inabot saakin na folder. "Ma'am eto yung karugtong ng report" sabi niya. Hindi ko na siya napasalamatan at pumasok nalang ako bigla sa loob.


Lahat sila napabaling ang tingin saakin, "I am very sorry for being late Mrs. Lewis"


She was busy checking out Mr. Salvador's report. Without even looking, she asked me to sit down and continue the meeting. Oh crap, ayaw na ayaw pa naman ni Mrs. Lewis ng paimportante lalo na sa mga meetings. Sigurado akong galit siya kasi hindi man lang niya ko pinasadahan ng tingin eh. Lagot ako nito mamaya sa office.


Nilapag ko yung folder na hawak ko sa tapat ng upuan ko maging ang handbag ko. Buti nalang at konti lang ang nandito ngayon, top management lang kasi ang may meeting. Ngayon namin ipapakita ang mga development plans namin at kung meron na ba kaming natapos na isang project sa mga planong 'yon. Luckily, meron akong natapos na isa. Sana yun yung way para mawala yung atraso ko ngayong araw.


"Where's your report, Irene?" tanong niya. Dahan-dahan kong inabot yung folder na naglalaman ng report ko. I got confused when she just scanned my report, as in parang pinasadahan lang ng tingin. And then that's it, tapos na yung meeting. "Thank you ladies and gentlemen. You are dismissed!" she said and stepped out of the room.


For real? Mukhang nagmamadali siya, siguro meron pa siyang kasunod na meeting kaya parang nagmamadali siya? Teka, wala sila Cheng dito ah. Pero bakit sila yung tumatawag saakin kanina? Nakasampung missed calls nga siya eh kasi akala ko kasama siya sa meeting ngayon. Nakakapagtaka naman. Ang weird talaga ng mga nangyayari ngayong araw.

Seducing Louie MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon