Chapter 24
Today, will be a very long day for me. Paano ko nasabi? Well, I don't know. Bigla ko nalang siya nafeel na ganun ang mangyayari saakin. You see, my instincts don't disappoint me not even once kaya kapag naramdaman ko ang isang bagay, ganun na talaga yun.
Anyway, I'm with Louie. Naubos na ang laman sa ref kaya naman napagpasyahan namin na pumunta ng supermarket para mamili ng pwedeng itambak sa ref. May plano din siyang maginvite ng tao sa bahay sa isang araw kaya naman namimili na kami ng mas maaga.
It's Sunday today kaya wala kaming trabaho parehas. Actually wala naman ako dapat na day-off dahil may deadline ako pero sadyang makulit si Louie so ayun nauwi kami sa Sunday is day-off na usapan.
What's annoying me is that I don't have the chance to enjoy my day-off. Paano ba naman kasi? Naglinis at nagredecorate kami ng penthouse. Balak niya yata talaga na dito na kaming magstay dalawa kaya gusto niyang ibahin ang ayos ng bahay base sa gusto niyang ayos.
Muntik na talaga akong mainis kanina at magreklamo. Kung hindi siya si Louie, baka ako pa mismo nagpalayas kay Lady Anne sa bahay niya para makauwi na siya doon. So yeah, no choice ako kundi tumulong nalang sa pagaayos.
Sabi niya, sunod naman naming ayusin ang laman ng ref. Sapilitan ang pagsama ko sakanya ngayon sa supermarket dahil wala pa naman talaga akong balak na mag grocery. Kung bakit kasi kailangan sa bahay pa sila magkikita ng mga kaibigan niya eh.
"Let's cook french cuisine. What do you think?" tanong niya habang nagtitingin ng bilihin.
"Ikaw bahala. Bisita mo naman sila eh" Ako na nagtulak ng cart, nauna na ko sa snacks area.
Kumuha ako ng konting snacks na makakain ko kapag gusto kong manuod at magmovie marathon. Kumuha din ako ng chocolates na nakita ko sa katabing section.
Nagulat siya dahil ang dami nang snacks sa cart namin pero buti at hindi siya umangal. Sagot niya kasi ang bayad sa grocery ngayon kaya akala ko babawasan niya yung mga snacks na nilagay ko. Oh well, mukha namang hindi siya kuripot sa bagay na yan kaya okay na din.
Hinintay ko siyang makumpleto lahat ng ingredients na gagamitin niya para sa meals na ihahanda niya sa isang araw. Di rin naman nagtagal, natapos siya sa pagpili.
Habang nasa biyahe kami pauwi, tumawag ako sa Manang's para umorder ng bucket chicken for lunch. Inayos namin ang mga pinamili habang hinihintay yung order na chicken. Sa sobrang dami ng ginawa namin mula kaninang 7:00 AM, hindi na kami makakapagluto ng pananghalian.
Tumawag ang lobby at sinabing nasa baba na yung order kaya ako na ang nagpresinta na kukuha.
Inabot ko sa delivery man yung bayad. After kong makuha yung order ko, lumapit ako sa front desk para magbilin, "Jia, I'm expecting a package within this week and I want you to call me right away once the package arrive"
Sinulat niya yun sa sticky note niya, "Yes, ma'am. Saan po ba manggagaling yung package ma'am?"
Merong ipapadalang sapatos saakin si Aizen, nagiwan siya ng e-mail saakin kagabi, "New York. A package from Ms. White"
Siya na daw ang bahala sa package kapag dumating yun. Nagulat din ako dahil biglang may pinadala si Aizen. Siguro late gift niya para saakin?
I was about to go up when one of my hoteliers approached me, "Ma'am, kararating lang po netong letter. Para daw po sainyo"
A letter for me? This is strange, "Thanks" Di ko maiwasang di titigan ang sulat habang nasa elevator.
Hindi ito tulad ng mga letter na madalas kong natatanggap. Bukod sa hindi pahaba ang envelope, mas mukha siyang invitation kaysa letter pero meron pading nakakapagtaka sa bagay na 'to. Kung invitation nga 'to sa isang party or business event bakit parang ang simple naman yata ng envelope na ginamit?
BINABASA MO ANG
Seducing Louie Miller
Ficción GeneralAfter the inclusion inside the Perry Realm's mansion, the queens of the realm decided to hide and secure their friends from people who wanted to kill them all. For two years, they hid inside a new mansion where no one can track them and gain back th...