3

220 7 0
                                    

I had a beautiful morning today. Well, hindi ko kasi inaasahan na magiging maganda performance nung dalawang alipin-este bisita ko sa mansion eh. Nung nabalitaan kong pursigido sila sa pageensayo, natutuwa ako kasi parang okay na sakanila yung ginagawa nila. And the best part is, may friends na si Rey at Tim (although isa lang yung kay Tim at the rest kay Rey)

Everything's going smooth and nice.

*BLAG*

Okay that's not smooth and absolutely not nice. Sino naman kaya ang pwedeng magbalabag ng pintuan ng ganun.

"Milo!" pasigaw na tawag niya.

"Oh Max! Nakabalik ka na pala, kamusta ang-"

"Ano sa tingin mo ginagawa mo?! Bakit nagpapasok ka ng kalaban sa teritoryo natin?"

As expected, magagalit si Max sa ginawa kong pagpapapasok kina Rey at Tim sa mansion. Binitawan ko lahat ng hawak ko at umupo sa conference table ng HQ. Napatigil din lahat ng miyembro na nandito dahil sa pagsigaw ni Max saakin.

"Let me explain. Hindi sila kalaban, alam kong hindi. At alam kong hindi nila ako bibiguin. Trust me with this. I'll take responsibility if something happens, even if it cost my life" sabi ko.

She took a deep sigh. Tumingin pa siya sa kisame saka muling tumingin saakin at sarkastikong tumawa.

"You're unbelievable. Itataya mo buhay mo sa taong hindi mo pa kilala?" tanong niya. Ngumiti lang ako ng mapait. "You're really unbelievable, Milo"

Lumabas na si Max. Nakatingin yung mga tao saakin at bigla siyang umiwas ng tingin nung gumalaw ako sa kinauupuan ko. Na-shock lang siguro sila. Minsan lang kasi kami magkasigawang anim dito. Madami lang sigurong iniisip si Max ngayon kaya siya ganyan.

Pagkatapos ng assessment ng clubs, pumunta na ako sa office para magtrabaho. Tinatawagan nadin ako ni Louie dahil kukunin pa daw namin ang gown na gagamitin ko para sa annual business ball ng LGM Inc., ang kumpanya nila Louie.

Pagdating ko sa office, nakikita ko yung mga empleyado ni Louie na palabas na ng building. Yung iba excited ang mga itsura at yung iba naman eh parang pagod na pagod. Eh? Anong meron? Bakit parang nagsisipag-uwian na sila?

Lumapit ako dun sa isang babae na naglalakad mag-isa para magtanong. "Excuse me. Saan kayo pupunta?"

"Ay kayo po pala Ma'am Lewis. Half-day po lahat ngayon dahil para sa ball mamaya. Pinapauwi na si Sir Louie lahat para makapag-ayos pa mamaya" sabi nung babae.

"Thank you."

Patuloy padin ako sa pagpasok kahit palabas na sila ngayon. Sabi kasi ni Louie pumunta daw ako sa office niya at di daw siya aalis dun ng wala ako kaya aakyat ako. Finally, nasa pinto na ako ng office niya nang makarinig ako ng boses ng lalaki sa loob.

Boses yun ng kaibigan niyang si Drake.

Binuksan ko yung pinto at pumasok. Parang nagulat sila sa nakita nila. Tumingin ako sa bandang likod ko kung merong multo pero wala naman.

Tinaasan ko ng kilay si Drake na nakatingin. "What?"

"Di ko alam na ang hot mo pala tignan, Miss Irene"

"Thank you, maliit na bagay"

Umiwas lang ng tingin si Louie at binalik ang tingin sa blueprint na hawak nila. Nagusap silang dalawa. Mas lumapit ako sakanila at nakita kung saang blueprint ito-ang blue print ng building na kinalalagyan ko ngayon.

Pinagmasdan ko ang blueprint at nakinig sa usapan nilang dalawa.

"Dadagdagan ko security dito tuwing gabi. At the end of the year, mas hihigpit na ang pagpapasok natin sa loob. At maglalagay pa ako ng secret camera sa loob ng office mo" sabi ni Drake kay Louie.

Seducing Louie MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon