12

107 4 0
                                    

Hindi pa lubos na pumapasok sa sistema ko yung nalaman ko. Hindi maaari. Hindi pwedeng mangyari 'to. Nananaginip lang ako. Sigurado akong isang malaking pagkakamali ang lahat.

"This can't be" wala sa sariling bulong ko.

Kumaripas ako ng takbo palabas ng apartment na 'to at sumakay sa kotse. Kaagad kong nabuksan ang makina ng sasakyan at pinaharurot ito papunta sa tagong isla kung saan matatagpuan ang lungga ng mga taong tulad ko.

Ang itim na mansyon.

Kapag meron pang nangyaring hindi maganda, hindi ko na mapapatawad ang sarili ko. Malakas ang kutob kong nandoon lahat ng tao. At malakas din ang kutob kong may hindi maganda ang nangyayari ngayon sa lugar na 'yon. Nakakatiyak ako dyan.

Ilang minuto pa'y narinig kong tumunog ang telepono ko. Inabot ko ang wireless headset ko at kinabit iyon sa tenga saka sinagot ang tawag. "Yes?"

"Nasaan ka?" si Jamie ang nagmamay-ari ng boses na iyon. "Where's your exact location?"

"Fourth Street, I'm on my way"

"Teka Max, delikado kung susunod kayo dito. Nagkakagulo na lahat tao dito at nagkakainitan na ang iba. It's safe for you not to come" pagtutol ni Xyla. Napansin ko ding maingay sa location niya kaya alam ko na agad kung anong ibig niyang sabihin. "Pero Green, hindi ka naman pababayaan dyan. We're almost there"

"I agree. I'm just around the corner" dugtong ko sa sinabi ni Jamie.

"Sofia, can you hear me?"

"Naririnig kita, Max" sagot ni Mcdo. "Give me instructions, I want to help"

Saglit na natahimik kaming anim. Tila ba'y ang lalim ng iniisip ng bawat isa saamin. "Just tell Piattos and the other boys to secure the mansion."

"Kahit hindi mo sabihin, gagawin namin 'yan. Basta mag-iingat kayo dyan ha."

Again, napuno kami ng katahimikan pero ramdam ko ang tensyon saamin. Ako man ay hindi din mapakali at diniinan ko pa lalo ang pagtapak sa silinyador ng kotse para lalong bumilis ang takbo nito.

"Pitsa, anong balita dyan?"

"Hindi ko mahanap yung maskara ko" sabi naman ni Vanessa. "Milo nasaan mo ba nilagay yung maskara?"

Bahagyang nagtawanan kaming anim. That was a sign na kailangan kong kumalma ng konti, thanks to Vanessa, I realized it early.

Inalala ko kung saan ko banda nilagay yung mga maskara. "Nandun sa mini bar, sa pangalawang drawer"

Nasa loob na ko ng boundaries ng itim na mansyon. Hindi ko ipapasok sa kaloob-looban ang kotse dahil alam kong alam ni Louie at itsura ng kotse ko. Tinago ko ito sa mapunong bahagi ng BM territory. Mula dito ay tinakbo ko ang daan papunta sa gilid ng mansyon. Hindi ako pwedeng magpakita sa loob.

Dalawang kilometro ang layo ng kinatatayuan ko ngayon sa mansyon. Nakikita ko ang iba na abala sa paguusap-usap at yung iba naman ay tila may di pagkakaunawaan sa isa't isa. Pinag-aralan ko ng maigi ang lugar.

Merong mataas na puno sa ilang bahagi ng mansyon at meron ding malaking security tower na nakikita ang lahat ng galaw sa gilid ng mansyon.

"I have a plan"

Halos sabay-sabay kong narinig ang pagbuga nila ng kaba na kanina pa nila tinago.

"Sa wakas, gumana din utak niya" sabi ni Vax. "Atleast ako gumagana utak, eh ikaw?"

Bu-bwelo pa sana ng banat si Vax pero pinigilan na kami ni Green. "Milo, Pocky, stop."

"Anong plano?"

Seducing Louie MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon