7

173 7 0
                                    

Mahigit dalawang oras kaming uminom. Kung hindi ko lang binilisan yung paginom, hindi pa kami agad makakaalis sa bar na 'yon. Paano ba naman kasi etong si Louie, nagpalaro pa ng card games, wala naman akong alam na laro ng cards kundi unggoy-ungguyan at solitaire. Kaya ang nangyari, taga-panuod lang nila ako doon.

Nagpasya kaming umuwi na gawa ng lasing sina Mike at Drake na muntik nang makatulog kanina sa bar. Si Ian nalang ang nagprisinta na iuwi yung dalawa kaya kaming dalawa ni Louie ang sabay na bumalik sa hotel na tinutuluyan namin.

Dahan-dahan niya akong binuhat, bridal style. Alam kong hilo lang 'tong nararamdaman ko dahil sa alak na nainom ko. Pero bakit pakiramdam ko nag-iinit na ako at hindi lang 'to basta nalasing ako sa ininom naming dalawa? Iba yung pakiramdam, ibang klaseng init ang bumabalot sa katawan ko ngayon. Dinadala niya ako ngayon papasok ng isang hotel suite pero hindi sa suite ko. Aba, paano kami nakarating dito?

At saan ako balak dahlin ng lalaking 'to? Alam kong hindi ito yung hotel na tinutuluyan namin, nakakasiguro ako doon.

"H-Hey, pasaan tayo?"

"Sa langit"

And with that, tumayo balahibo ko at lahat na ng buhok na pwedeng tumayo sa katawan ko. Shit lang, bakit ang seductive niyang tignan ngayon? Gawa lang ba 'to sa kalasingan o dahil isa talaga siyang pinanganak na mala-Adonis ang itsura? Hindi ko na alam kung anong nangyayari saakin, nasasapian na yata ako ng masamang espiritu. Kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko.

Kanina ang usapan, gagawin na ang plano namin. At yun ay ang akitin ang lalaking kasama ko ngayon. Pero mukhang naliligaw talaga ako sa plano namin. Niyaya niya akong maglaban sa inuman. Ang premyo ng mananalo? Isang tumatagingting na isang milyon. Mahigpit ang naging labanan namin, parehas kaming mataas ang alcohol tolerance. Pero siyempre, dadating din kami sa puntong hindi na kakayanin ng katawan namin at malalasing kami.

Sa kasamaang palad, natalo siya at bukas meron akong isang milyon galing sakanya. Bwisit kasi, panay ang laro ng cards kaya hindi masyadong nakakainom. Bakit kasamaang palad? Sa sobrang dami ng pera ko, di ko na alam kung saan ko pa ilalagay 'yan. Bakit ba kasi nanalo pa ako?

"We're here" sabi niya. Idinilat ko yung mata kong gusto nang matulog at nakitang nasa loob na nga kami ng isang suit. Dahan-dahan niya akong nilapag sa kama at binitawan. "Magpahinga ka na, maaga pa tayo bukas"

Kasalanan niya kung bakit ako nalasing ngayon gabi. Kasalanan niya din kung bakit nasira yung plano ko. Nakahanda na yung lugar ng pangyayarihan ng pangaakit na plano namin para sakanya, pero nilasing niya ako. Medyo nilasing lang pala.

Maglalakad na sana siya palayo nang bigla kong habulin ang kamay niya at hinila palapit saakin. Kunot-noo niya akong tinignan. "What?"

Imbis na sumagot, hinila ko ulit siya palapit saakin. Kinuha ko ang kwelyo niya at sinunggaban ng halik. Hindi ako makakapayag na basta-basta nalang masisira ang plano. Pinaghandaan ko 'to kaya wala nang atrasan 'to, tuloy na tuloy na ang plano.

Tumagal ng ilang segundo bago siya humalik ng pabalik saakin. Damn, he's a good kisser. Kung sabagay... expert na siya sa bagay na 'to. Para sakanya normal lang ang make-out at kiss. Dahil isa siyang sex god sabi nila. Ngayon ko mapapatunayan kung tama nga ang sinasabi nilang 'yon. As the kiss deepened, I felt his hands gently holding my arm and using his other free hand to caress my face. The feeling is very new to me. Ngayon ko lang naramdaman 'to sa tanang buhay ko.

We were both gasping for air after a deep kiss. "You're fucking seducing me" sabi niya habang nakatitig saakin.

"I think I am seducing you" I said with a playful tone.

Seducing Louie MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon