5

225 10 2
                                    

1. Prepare the room where the seduction will be taken and your seducting dress before the night of seduction.

2. Give him a glass of your fake liquor. Make sure he'll drink it.

3. Get the glass and start seducing him. Tease him by kissing his temple or touching his bread.

4. Enjoy seducing him.


This is so unbelievable. Ilang beses kong pinauli-uli ng pagbabasa at hindi talaga ako makapaniwala na ganito ang mga kailangan kong gawin. Muli kong binalik ang tingin ko kay Vax, pilya niya akong ngitian na siyang kinainis ko.


Kanina, tinanong ko si Pocky kung anong gagawin ko para matapos na kami sa project na 'to. At heto, binigyan niya ako ng steps kung paano ko daw aakitin si Louie.


Imagining me doing these stpes and—fvck di ko kaya talaga! Feeling ko mamamatay na ako sa gagawin ko. Hindi ko pinangarap gawin 'to, hindi din pumasok sa utak ko kahit isang beses na gagawin ko 'to. This is just crazy!


"Irene" napapitlag ako bigla at tinago yung kapirasong papel na hawak ko saka nilingon yung tumawag saakin. "Oh, Timothy ikaw pala" di ko inaasahan na dadating si Tim. Nandito kasi ako sa kwarto. "Naguusap pala kayo, mamaya nalang"


"Ah hindi! Tapos na kami magusap. Aalis nadin ako" pagpigil sakanya ni Pocky. Nakipagbeso siya saakin saka siya lumabas ng kwarto ko. Naiwan kaming dalawa ni Tim dito sa loob. Niyaya ko siyang umupo sa couch at nagpakiramdaman muna kaming dalawa kung sinong unang magsasalita.


Muntik na niya akong mahuli kanina. Ayokong sabihin sakanya yung tungkol sa project na ginagawa naming queens kasi... kasi feeling ko dudumi bigla tingin niya saakin kapag sinabi ko 'yon. Ewan ko ba, natatakot akong malaman niya yung tungkol dun.


"Bat mo pala ako pinuntahan?" panimula ko. Nakakatitig lang siya sa bandang paa ko. Di ko alam kung anong tinititigan niya dun. "Hm, Tim?" muli kong pagtawag sakanya.


"May pasa ka?"


Tinuro niya yung paa ko kung saan meron akong pasa. Bahagya kong tinago yung paa ko para hindi na niya titigan pa. Bakit nga pala ako nagkaroon ng pasa sa paa? Ah, naalala ko na. Nung isang araw pa 'yon pero parang sariwa pa yung pasa ko sa paa.


Pabalik na ako nun sa mansion. Napadaan ako sa isang eskinita kasi umuulan at kailangan ko ng silong, dun lang ako pwedeng dumaan na hindi ako mauulanan. Sabi nila Mama, wag daw ako magpapaulan dahil mahirap akong magkasakit.


Patakbo akong naglakad dahil baka lumakas lalo yung ulan. Pero napatigil ako ng takbo nang biglang may humarang saakin na mga lalaki. Mga malokong lalaki sila na naghahanap ng gulo. Halatang nakainom sila kasi naaamoy ko yung alak kahit di ako lumapit sakanila.


"Holdap 'to miss, akin na lahat ng gamit mo" sabi nung isang lalaki.


Pero di ako nagpatinag, tinago ko yung bag ko sa likuran ko. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko para magmatigas knowing I'm weak at combat fighting.

Seducing Louie MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon