8

173 8 3
                                    

AFTER SIX MONTHS

Mabilis kong inikot yung mata ko sa paligid para hanapin siya. Nagpumilit kasi siyang siya ang magsusundo saakin ngayon na nakabalik na ako ng bansa. Gusto kong isipin na miss na niya ako pero baka mag-assume lang ako kaya kinalimutan ko na yung ideyang 'yon. Isa pa, wala daw forever. Okay, anong connect? Paki hanap nga!

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap nang may biglang tumakip sa mata ko. Shit, medyo kinabahan ako. "S-Sino ka?"

Tumawa siya ng mahina, "Pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa."

Hindi ako nagdalawang isip na sikuhin siya ng malakas dahilan para matanggal yung pagkakatakip niya sa mata ko at mamilipit sa sakit. Hawak niya yung parte sa bandang tiyan niya na tingin ko yung natamaan ko kanina.

Nakakainis naman kasi 'tong lalaking 'to eh! Gusto ba niya akong himatayin sa gulat? Alam naman niyang praning akong tao eh.

"Ang sadista mo talaga, Irene!" may pagtatampo sa boses niyang sabi saakin. Inirapan ko nalang siya. "Ikaw pa galit? Grabe talaga kayong mga babae eh, no?"

Aba't sumasagot na siya ngayon?!

"Hoy Timoteyo, wag kang humugot-hugot diyan ah! Alam mong ayaw kong ginugulat ako eh. Kasalanan ko ba kung nasiko kita? At pwede ba, mas malalakas topak niyo kesa samin! Sayo palang eh, nako!" pagkasabi nun ay nag-flip ako ng buhok.

"Sorry na, beastmode ka na naman ba?" malambing niyang tanong.

Bigla akong napatingin sakanya. I can believe this man is almost the same with Louie, ang lakas ng tama sa utak. Minsan, siryoso pero madalas nangungulit. Ibang iba sa Tim na nakilala ko sa office ni Louie. Ang pinagkaiba lang niya kay Louie? Si Timothy, mabait na tao... sa maniwala kayo't hindi, hindi pa nadudungisan kamay niya. Alam ko kasi yung ang totoo.

Nasa mood na naman siya kaya di siya masyadong nagsusungit ngayon. Nagiging masayahin na siya ngayon di tulad dati, at masaya ako doon.

Ngumiti ako ng bahagya, "Pagod lang siguro, sorry din. Natatakot lang siguro ako na ibang tao yung gumawa saakin noon tapos may balak palang masama."

He replied to me by giving me a smile. One smile from him makes everything go back to normal. At di lang yun, it gives me feels inside. Napakagwapo naman kasi netong lalaking 'to eh!

Kinuha niya saakin yung dalawang maleta bag na hatak ko kanina saka kami nagsimulang maglakad papunta sa kotse. Agad niyang pinasok ang mga gamit ko sa compartment habang ako naman ay minabuti nalang na pumasok sa loob ng sasakyan. Di din nagtagal ay umalis na kami sa tapat ng airport.

"Kamusta ang world trip? Balita ko nagpunta ka ng Japan, Korea, Canda at Australia ah?" tanong niya habang nagmamaneho.

"Si Glassy nagsabi?" Tumango naman siya. Psh, napakadaldal talaga ni Presto kahit kailan. Sabi kong huwag sabihin na pinuntahan ko yung mga 'yon eh. "Well, it's been fun visiting those places. Mamaya ipapakita ko sayo yung mga selfie ko and yung mga souvenir ko."

I lied. Una sa lahat, wala akong selfies na ipapakita dahil hindi naman ako naglibot sa mga lugar doon. Pangalawa, wala akong souvenir dahil hindi bakasyon ang pinunta doon. Di din ako mahilig sa ganun. At huli, hindi naging masaya yung pagpunta ko doon, tulad ng sinabi ko hindi ako nagbakasyon.

Bahala na mamaya kung anong selfie ang ipapakita ko sakanya at sana wag na niyang maalala para di na ako mahirapang pang magsinungaling ulit.

Sa penthouse kami dumiretso. He escorted me on my way there and so I offered a cup of coffee in return. Gaya ng nakasanayan na, binalitaan niya ako ng bagay na hindi pa niya nasasabi saakin sa mga nangyari habang wala ako sa mansion. Six months is a long time, madaming pwedeng mangyari.

Seducing Louie MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon