Pagkapasok ko palang ng office, bumulaga na kaagad saakin yung desk ko na punong-puno ng folders and designs galing sa mga interior designer na nakatoka each project. Bago ko sila haharapin at tapusin, may kailangan muna akong i-check sa private suite.
Sa ilalim ng desk ko, makikita ang isang button na kapag pinindot, bubukas ang isang pintuan mula sa dingding papunta sa private suite na ako at si Glassy lang ang nakakaalam.
Mabilis akong pumasok dala-dala ang mga papeles na kailangan kong trabahuin at agad naman iyong nagsara. Pagpasok, unang makikita ang mga bagay na nag-aaliw saakin tulad bookshelf na punong-puno ng fiction at science books, play station, dart board, billiard table at mini-bar sa sulok. May malaki ding TV dito at mga couch para kapag maguusap kami in private ni Glassy or ng ibang reyna.
Kapansin-pansin ngayon ang sampung box na nasa sahig. Automatic na gumuhit ng ngiti ang mga labi ko dahil sa nakikita.
Nandito na nga yung hinihintay kong delivery! Late man ng dating, atleast nandito na. Better late than super late!
Sa ibabaw ng unang box, merong nakapatong na plastic at note. Agad ko iyong kinuha at binasa.
'Good day, Ms. Lewis. Sorry for the delay, but we assure you that everything's perfect. We did it nicely according to your design. Here are all the orders you made. I separated yours ma'am. I hope you liked it.'
Kinuha ko yung plastic na nasa ilalim ng note. Di ko pa man din nabubuksan, ramdam ko nang maganda yung kinalabasan ng order ko. I'm so excited! I don't know why, but I'm excited. I'm excited to see what's inside this plastic I'm holding as well as the boxes.
But the excitement must wait...
Muli kong hinarap ang mga nakakabaog na paper works at inisa-isa itong basahin lahat. Sa loob ng dalawang oras, wala akong ibang ginawa kundi ang umupo at magbasa ng over-view sa lahat ng events na nangyari sa kumpanya for the last two years under my management.
Tumaas ng 27% ang sales ng kumpanya since last year. Isa na 'yong achievement, pero hindi pa 'yon sapat para maging proud saakin sina Mr. and Mrs. Lewis. Kailangan ko pang magdoble-kayod sa pagta-trabaho para lang mapatunayang karapat-dapat ako sa tiwalang binigay nila saakin.
Binaba ko yung binabasa kong papel nang marinig ko ang buzzer sa labas ng office. Sino naman kayang bibisita saakin? Iniwan ko yung binabasa ko at lumabas ng private suite para salubungin ang bisita.
Bago ko pindutin ang button para sa pinto ng office bahagya kong tinignan ang sarili ko sa salamin sa tabi ng desk ko. The door opens at kasabay nun ang pag-ayos ko ng damit, kung bakit kasi ang daring netong pinasuot saakin ni Louie eh. Naco-conscious tuloy ako!
Sandali akong natulala sa gulat ng makita kung sino ang bisita ko, "L-Louie"
Ngumiti lang siya at umupo sa upuan sa harap ng desk ko.
"Dalawang oras palang ang lumipas, nandito ka na agad. Anong dahilan ng pagbisita mo?"
BINABASA MO ANG
Seducing Louie Miller
General FictionAfter the inclusion inside the Perry Realm's mansion, the queens of the realm decided to hide and secure their friends from people who wanted to kill them all. For two years, they hid inside a new mansion where no one can track them and gain back th...