17

105 1 0
                                    

A/N: Sorry nalate ng post. Nabeat ko na naman yung 25 pages sa isang chapter, kaya sulit na sulit ang update. Ikaw, oo ikaw nga. Ikaw na nagbabasa nito, salamat sayo! Mwa.

Chapter 17
Narinig kong tumutunog ang alarm ng phone ko. Di ko pa agad minulat ang mata ko at gumapang ang kamay ko sa ilalim ng unan kung saan ko madalas ilagay ang phone pag natutulog. That's odd, dito ko lang naman laging nilalagay 'yon eh. Kinapa ko yung ibabaw ng unan dahil baka doon ko nailagay pero iba ang nahawakan ko.

May mukha sa kama ko?!

Mabilis akong napabangon, and to my surprise, I saw a man sleeping next to me. What the fuck? Bakit katabi kong matulog si Louie? Kinapa ko ang katawan ko at nabunutan ako ng tinik nang maramdaman kong meron akong suot na damit. Ngayon ko lang din narealize na hindi ito kwarto ko, or kwarto ni Louie o kahit ang gold room.

Sinubukan kong alalahanin yung mga nangyari kagabi. We were drinking outside while enjoying the music and the view. Tapos nung naubos yung iniinom namin, umalis siya saglit para kumuha pa ng beer kaya pagbalik niya uminom kami ulit at nagkwentuhan ng saglit. Pagkatapos magkwentuhan, naaalala kong sinabi ko na kailangan ko nang matulog dahil maaga akong gigising at dahil nadin sa inaantok na ko. Aayain ko sana siya na bumalik na sa dorm pero may tumawag sakanya kaya medyo lumayo siya saakin.

Wait a second... sa sobrang antok ko humiga ako sa damuhan habang hinihintay si Louie at... malamang nakatulog ako kaya hindi ko na alam kung paano kami nakarating dito sa lugar na 'to.

Kinuha ko ang unan na gamit ko kanina at hinampas ng malakas si Louie dahilan para magising siya sa mahimbing niyang tulog. "What the fuck!" sigaw niya saakin.

"Hinaan mo nga boses mo!" pagsita ko sakanya ng pabulong pero galit. "Nasaang kwarto tayo?! At bakit katabi kita?"

"Let me sleep first!" sabi niya tsaka nagtakip ng mukha gamit yung unan na pinanghampas ko sakanya. Bakas sa mukha niya ang pagkainis dahil sinira ko yung tulog niya. Pero hindi ako nagpatinag, kinuha ko yung unan at lalong kumunot ang noo niya. "Ano ba, Irene! Magpatulog ka naman kahit konti"

"Sagutin mo muna kasi yung tanong ko!" mahinang sigaw ko sakanya.

"Stop whinning like a child and let me sleep" sabi niya tsaka tumalikod saakin.

Ugh, nakakainis talaga 'tong lalaking 'to kahit kailan! Padabog akong bumangon at kinuha lahat ng gamit ko saka lumabas ng kwarto. Pagkalabas, doon ko narealize kung nasaan kami dahil pamilyar yung hallway. Nasa kabilang side kami ng gold room, meron kasing mga extra room dito sa floor na 'to at doon kami nanggaling.

Mabilis akong naglakad papuntang gold room dahil nadin sa inis ko dun sa lalaking 'yon. Bwisit, kasalanan ko ba na hindi siya natulog?! Tinatanong ko lang naman kung saan niya ko dinala, ang dali lang sagutin pero ayaw pang sabihin. Tapos siya pa talaga yung galit samantalang ako yung walang kaalam-alam sa ginawa niya kagabi. Malay ko ba kung pinagsamantalahan niya ako at...

Oh my goodness! Baka nga pinagsamantalahan niya ako kaya kami nandoon!

Marahas na binuksan ko ang pinto ng gold room at dire-diretsong naglakad papunta sa tapat ng cabinet ko. Alam kong lahat sila napatingin saakin pero hindi ko sila pinansin, wala ako sa mood. Nilagay ko lahat ng hawak ko na gamit sa loob ng cabinet at binalibag ang pinto ng cabinet dahilan para magulat ang ilan sakanila.

"Hoy babae, bakit ka ba nagdadabog dyan?" tanong ni Jamie.

"At saan ka natulog, ha?" nakacrossarms na tanong naman ni Xyla.

Hindi ko sila sinagot. Narinig kong nagsara yung pinto pero hindi ako lumingon sa kahit sino sakanila. Basta narinig ko nalang si Drake na sinabi, "Mukhang alam ko na kung saan"

Seducing Louie MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon