21

111 2 0
                                    

“THERE’S ONE THING MONEY CAN’T BUY. IT’S LOVE.”

Chapter 21
Gaya ng dati, hindi ko na hinintay pa na magising si Louie dahil ayokong masira ang plano. Bago umalis sinigurado ko muna na meron siyang kakainin at nakahanda yung vitamins na iinumin niya.

Sumaglit ako sa office sa TZ para morning rituals doon at pumunta naman sa itim na mansyon pagdating ng hapon para sa game six. Nagsisimula na yung laro nung nakarating ako doon. Hindi ako dapat magpapakita pero bigla akong nakita ni Jamie kaya napatakbo ito palapit saakin.

“Myghad, Irene! Ano bang nangyari sayo?! Bakit ngayon ka lang nagpakita?!”

Natawa ako sa reaksyon niya, “I miss you too, Jamie”

“Sagutin mo muna yung tanong ko!” may pagtatampong sigaw niya saakin, “Bakit bigla bigla ka nalang nawawala ng walang paalam?! Nakidnap ka ba? Sinaktan ka ba nila? Sinong gumawa nun sayo, sabihin mo!”

Bigla tuloy ako nakonsensya dahil nagaalalala talaga siya para saakin. Hindi ko man lang masabi sakanya yung tungkol sa plano ko dahil pinangungunahan ako ng takot at hiya once na malaman nila ang dahilan ko.

Pinaliwanag ko sakanya na kinailangan ko munang magtago at malalaman niya ang dahilan soon. Buti nalang at hindi na siya nagtanong pa or nagreklamo na nagtatago na ako sakanila.

We decided to sit down and watched the game.

Simple lang yung mechanics ng game. Kailangan lang ng player hanapin ang target na kinalat namin sa palibot ng Pit habang naka horseback ride. Merong 7 target na kailangan hanapin ang bawat team, ang iba doon ay magkakatabi. Bawal silang huminto sa pangangabayo, kailangan nilang tamaan ang target na may kulay ng team nila ng hindi tumitigil sa pangangabayo. Once na tumama ang arrow nila sa target ng ibang team, tanggal sila sa laro.

Of course, mas malaki ang points kapag nakakuha sila ng bulls eye just like the normal archery game.

Habang nanunuod kaming tatlo sa control room, patakbong lumapit si Sofia saamin “Girls, may bumagsak na target sa cliffside, nahulog yung target sa bangbang”

“Sige ako na bahala dun” pagprisenta ko.

Bigla namang napatingin saakin si Jamie ng kunot ang noo, “Delikado masyado, Irene!”

“Don’t worry, magiingat ako okay?” tumayo ako at kumuha ng bow and arrow incase lang, baka kailanganin bigla, “May available pa bang kabayo? Namiss ko kasi bigla”

Tumango naman si Sofia at ginabayan ako papunta sa kabayong gagamitin ko. Sumakay ako doon at nagsimulang mangabayo papunta sa cliffside kung nasaan nahulog sa bangbang ang target ng yellow team. Meron akong mga nakasabay na players at nagtaka sila kung bakit ako nangabayo pero hindi ko sila pinansin.

Nakarating ako sa sinasabing cliffside at bumaba sa kabayo. Tinali ko si horsey sa pinakamalapit na puno doon at pinuntahan ang dulo ng cliff. Sinilip ko kung gaano kalalim yung pinaghulugan ng target, buti nalang at hindi ganun ka lalim yung pinagbagsakan niya.

Inayos ko ang pagkakasabit ng bow and arrow sa likod ko at nagsimulang bumaba sa bangbang na ‘yon. Dahan-dahan ang bawat paghakbang ko dahil isang maling tapak at pwede akong mahulog at mamatay.

Nakababa ako ng safe kaya mabilis kong kinuha ang nahulog na target at binato ito sa taas. Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay alisin ang sarili ko dito. Dahan-dahan ulit akong umakyat naman pabalik sa taas.

Pero nung nasa taas na ako at saktong katatayo ko lang halos sa dulo ng cliff na ‘yon, biglang may dumating na player ng red team na nagpakawala ng isang arrow. At kung mamalasin ka nga naman, nakatayo pala ako sa tabi ng isa pang target ng red team.

Seducing Louie MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon