4

210 9 0
                                    

Pagtapos ng ilang araw, binigyan na ng discharge letter yung dalawa para makalabas na sila ng hospital. Pero madaming binilin yung doktor nung dalawa sakanila. Madaming bawal gawin at kainin at lalong madaming dapat na inuming gamot para sa mga sugat nila.


Sa mansion ng Perry ko padin sila pinatuloy. Sila Max nadin ang nagsabi na doon na sila magpagling. Nakakatuwa lang isipin na nagtiwala nadin silang lima sa dalawa. Naabutan ko pa ngang bumisita si Mcdo at Pizzahut sa hospital nung isang bago sila idischarge.


Naglalakad ako papunta sa kwarto nila Tim nang makasalubong ko si Mcdo at yung boyfriend niya. "Irene! Mygad girl, namiss kita!" magalak niyang sabi.


"Hay nako Sofia, busy kasi kayo masyado ng boylet mo kaya namimiss mo ako. Di mo man lang ako binibisita" nagtatampo kong sabi.


Maraming may akala na masamang tao si Mcdo Perry, ang Third Queen ng Perry Realm. Pero madami pa silang kailangang malaman tungkol kay Mcdo para malaman kung totoo nga ang husga sakanya ng mga taong nasa paligid namin, lalo na para sa mga nasa Black World.


She's a sweet girl, sweet as honey. Silang dalawa ni Pizzahut ang pinakacaring saaming anim in their own ways. Kaya di nadin ako magtataka kung bakit ang tagal na nila ng boyfriend niya na si Hunter, isang normal na nilalang.


"Sorry na girl, alam mo kasi... mag-boyfriend ka na! Wag mong gayahin sila Green na taken kuno pero walang sinasagot na manliligaw" natawa kaming parehas. Naalala ko tuloy kung paano sinabi ni Green yung line na 'yon. "By the way, kamusta? Anong balita dun sa dalawa mong ampon?"


"Pupuntahan ko sila ngayon, gusto mo ba sila makilala?"


Nagtinginan silang dalawa ni Hunter. Maya-maya'y tumango si Hunter. Yung tingin palang 'yon, ibig sabihin nagpapaalam siya sa boyfriend niya. Nakangiting tagumpay ngayon si Sofia at excited na kumawit sa braso ko.


Nagpaalam kami saglit kay Hunter at pumasok sa kwarto nung dalawa. Naabutan ko silang dalawa na nakahiga at siryosong naguusap. Natigilan sila nung nakita nila kaming dalawa. Ngumiti ako at naglakad palapit sakanila.


"Tim, Rey, si Mcdo nga pala. Gusto niya kayong makilala" nakangiti kong sabi.


Parang nagulat sila sa sinabi ko.


"Hello boys!"


"H-Hi p-po" tila natatakot na sabi ni Rey. Natawa kaming dalawa kasi parang gulat na gulat silang makita si Mcdo ngayon. Nilapitan ko si Rey at hinawakan sa balikat. "Natatakot ka ba kay Sofia, Rey?"


"M-Medyo? Hehe kasi siya yung-diba siya yung-"


Naramdaman kong nabatukan ako ni Sofia sa harap nung dalawa. "Ikaw talaga Irene! Pinagti-tripan mo yung dalawa eh. Naku boys, wag kayong matakot saakin. Di naman ako nangangain"


"Ah. Hehehe"


Ang awkward nilang tatlo ngayon. Nagpapakiramdaman pa sila. Sinubukan ni Mcdo na kausapin sila at magtanong ng ilang bagay. Nung tumagal, naging okay naman sila kahit papano. Kinausap na din ni Tim si Mcdo at minsan ay nagjojoke pa si Mcdo sakanilang dalawa.

Seducing Louie MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon