A/N: I WOULD LIKE TO DEDICATE THIS CHAPTER TO ALL PERRYS! HI ALSO MY CYBER FRIENDS! I LOVE YOU ALL! ARE YOU READY FOR SOME FLASHBACKS? :)
***
Alas-siete ng umaga, nagising ako at wala nang Louie sa tabi ko. Dun ko lang din naalala na kailangan ko pang pumasok sa office dahil ilang araw nalang, dadating na sina Mr. and Mrs. Lewis. Anytime daw, uuwi sila kaya kailangan ready ako sa pagdating nila. Oh scratch it, I mean kailangan pala naming apat na magready.
Hindi ko alam kung may alam na sila sa paguwi nila Mr. and Mrs. Lewis, hindi ko pa natatawagan yung tatlo ko pang kapatid pati si Abby.
*ringing tone plays*
Tinignan ko ang caller ID, it was Angelo. Tamang-tama yung tawag niya. "Hello, Gel?"
"Ai, nakausap mo na ba si Abby tungkol sa paguwi nila Mama dito?" bungad na tanong niya.
"I knew you'd ask me that. Kaso di ko pa siya nakakausap. Eh kung puntahan nalang natin siya mamaya sa apartment niya?"
Nag-isip siya saglit. Sana pumayag siya para less hassle kasi nandito ako sa lungga ni Louie. "Hm, itatanong ko muna si Cheng at Aira. Text nalang kita mamaya kung anong gagawin."
"Okay, bye!"
Pagkatapos makipagusap sa phone, nagpasya na kong hanapin si Louie. Dinala niya ako dito ng hindi ready. Hindi naman pwedeng hindi ako maliligo dahil lang wala akong damit na dala. Isa pa, kailangan ko nadin umalis agad kasi siguradong hinahanap na ako ni Glassy sa office para sa mga documents na kailangan namin next week.
Bumaba ako sa first floor at agad na hinanap si Louie. Di tulad kagabi, mas siryoso na yung mga tao dito at suot na nila ang vest na sila lang ang pwedeng magsuot. Busy sila sa paguusap pero nakuha ko ang atensyon nila nung dumaan ako.
Nagandahan 'yang mga 'yan sayo, girl! Hihihi.
Nasaan na naman kaya yung lalaking 'yon? Kung saan-saang lupalop kasi nagsusuot eh.
"Ma'am Lewis!"
Kilala ko yung boses na 'yun, and yes I was right. Siya nga yung girl sa elevator. Pero nanlaki mata ko sa itsura niya. Hindi na siya nakabalot sa puting tela, kaya kitang-kita ko ngayon ang tinatago niya.
Pulang-pula ang braso at konting parte ng mukha niya. Para siyang mga pantal dahil sa kagat ng kung anong insekto.
"Ma'am Lewis, nasabi nilang may bisita si boss pero hindi ko alam na ikaw pala tinutukoy nila," nakangiti na sabi niya. Wow, ang sayahin niya bigla ah. "Bakit po pala kayo nandito?"
"Di ko nga din alam eh. Tanong mo 'yung boss mo kasi siya nagdala saakin dito" sabi ko.
Mahina siyang natawa na para bang hindi na bago sakanya yung bagay na 'yon. "Masanay ka na kay Zeus. Mahilig manghatak 'yan sa kung saan."
BINABASA MO ANG
Seducing Louie Miller
Genel KurguAfter the inclusion inside the Perry Realm's mansion, the queens of the realm decided to hide and secure their friends from people who wanted to kill them all. For two years, they hid inside a new mansion where no one can track them and gain back th...