18 (Part 2)

85 1 0
                                    

Nagising ako nang maramdaman kong may manipis na metal na tumusok sa bandang braso ko. Bumungad saakin ang mukha ng isang di ko kilala na babae na naka damit pang nurse. Tinaas ko ang kamay ko at nakitang may IV na nakakabit saakin. Sunod naman na inikot ko ang tingin ko para alamin kung nasaan ako.

Nasa loob ako ng isang pamilyar na kwarto. Di rin nagtagal, naalala ko kung kaninong kwarto ito dahil sa style ng pinto at bintana na meron siya. Pero teka, bakit ako nandito ngayon? Nasaan yung mga kasama ko?

Tinignan ko ang oras, alas nuwebe pasado na pala.

“Pag may sumasakit po sainyo ma'am pindutin niyo lang yung malaking red button sa remote na nasa kabilang kamay mo” bilin saakin nung nurse saka siya lumabas.

Anong remote? Nagulat ako nang makita kong meron nga akong hawak na isang remote sa kabilang kamay ko. Binasa ko ang mga nakasulat sa remote pero di ko naman magets kung para saan 'tong mga 'to. Basta sa taas nito, may apat na malalaking button pero iba-iba ang kulay nila.

Yung isa ay red, yung isa ay blue, yung isa ay green, yung isa naman ay yellow. I assume na yung red ay pang emergency, pero para saan yung iba pa? Well, there's one way to find out.

Teka, anong uunahin kong pindutin? Yung iba kaya muna? Ah hindi, yung favorite color nalang ni Mama. Green.

*beep*

Nagulat ako ng sunod sunod na nagsipag-pasukan ang mga lalaking naka itim na suit. Naka pose pa sila na para bang akala mo eh pinasok yung kwarto ng magnanakaw o isang holdaper. Ako naman ay nagpipigil ng tawa dahil sa mga itsura nila.

“Anong meron sainyo? Bat kayo mga nakaganyan?”

“Pinindot niyo po yung green na button, Miss Lewis” sagot saakin nung mukhang security head.

Wow, ang galing naman! Amazing! “Ah, 'yun pala purpose nun?” nakangiting tinignan ang remote na hawak ko.

“Ano pang meron sa ibang button? Alam mo ba?” tanong ko sakanya.

“Hindi po ba sinabi sainyo nung nurse bago siya lumabas?” tanong niya din saakin.

Umiling ako. “Hindi eh, di ako na-orient. Basta ang sabi niya lang yung tungkol sa red button”

Tinuruan niya ako kung anong meron sa mga button na nasa remote. Ang iba doon ay remote para sa TV, para buksan yung bintana, at eto pa yung cool, may pindutan dun para magsara yung kurtina ng kama. Hi-tech na hi-tech ang dating ng kwartong 'to huh? Pangalawang beses ko na dito pero ngayon ko lang nalaman na may ganito pala?

May button din para tumaas baba yung kama, meron ding button para bumukas ang ceiling at magstar gazing habang nakahiga ss kama. Grabe, ang ganda ng kwartong 'to. Mas hi-tech pa yata 'to sa penthouse ko eh.

“Eh etong blue? Para saan 'to?”

“Naku Miss Lewis wag niyo pong pindutin yan hangga't—”

Pinindot ko iyon kasabay ng pagtigil niya sa pagsasalita.

Oh, anong meron dun? Bat parang gulat na gulat? Pinindot ko lang naman yung blue na button ah.

“Oh bakit natulala ka na dyan? Sino bang dadating kung pinindot ko 'to?” nagtatakang tanong ko.

“Pipindutin niyo lang dapat yan kung—”

Too late, dumating na ang dapat na dumating. Bumukas at pinto at niluwa nun ang lalaking kanina ko pa gustong makita at makausap.

“Anong nangyari?!” parang natataranta niyang sabi.

“W-Wala naman po Sir, tinuturo ko palang po sakanya kung para saan yung mga buttons”

Seducing Louie MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon