Chapter 20
Tulala akong naglakad palabas ng conference hall, feeling ko biglang bumagal takbo ng mundo at parang naninikip yung dibdib ko. Hindi ko napapansin ang iba pang mga kasama kong lumabas din ng conference hall dahil natutulala padin ako.I can't believe it...
Bumalik ako sa reyalidad nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko sabay akbay kaya naman tumigil sa paglalakad sa kawalan at dahan-dahang humarap sakanya. Si Angelo pala ang taong umakbay saakin. "Oh? May sinasabi ka ba?"
"Bakit ba tulala ka? Daig mo pa ang natalo sa pustahan?" nagtatakang tanong niya. "Hindi padin ba masink-in sayo na nanalo tayo sa laban?"
Dahan-dahan akong tumango at ngayon, hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Tulala ako kanina dahil hindi ako makapaniwalang napanalo ko ang laban. Nasa 62.4% ang di sumang-ayon sa pagpapatalsik kay Mama sa pagiging CEO ng TecZone, 23.7% naman ang sumang-ayon. Kaya ang resulta, denied ang request at si Mrs. Lewis padin ang may-ari ng TZ.
Kanina habang ginaganap ang botohan, pakiramdam ko nawalan ako ng hangin na pwedeng hingahan at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong mamamatay sa loob ng kwartong 'yon kanina. At siguro nga, dahil hindi pa lubos masink-in saakin ang naging resulta kaya tulala akong naglalakad sa kawalan palabas ng conference hall.
"So anong balak mo after? Gusto mo bang maginom tayo?" alok saakin ni Angelo.
I pretty like the idea. Ngumiti ako sakanya at tumango. "Maghahalf-day lang ako ngayon kasi kukunin ko mga gamit ko sa bahay ni Louie at dadaan saglit kina Mama para kamustahin sila. Magkita nalang tayo sa penthouse ko, isama mo si Cheng at Aira"
"Osige, itetext nalang kita kapag papunta na kami doon" sabi niya tsaka nagmamadaling umalis.
Tignan mo yung kapatid kong 'yon. Bagay sakanya ang suot niyang corporate attire dahil lalo siyang nagmukhang disenteng lalaki pero hindi bagay ang kakulitan niya sa suot niya ngayon. Hindi talaga mawawala sakanya ang pagiging pilyo at maligalig.
Umiling-iling ako na natatawa habang pinapanuod siyang tumakbo palayo.
Nagpaalam ako kay Paula na maghahalf-day at agad nadin namang umalis para pumunta sa bahay ni Louie. Nagtaka ako dahil tahimik ang bahay. Hindi kaya tulog na naman si Louie? Di padin ba okay pakiramdam niya? Tsk. Ilang araw na siyang may lagnat at kagabi bago ko siya iniwan para umuwi sa penthouse, may sinat padin siya.
Nagpasya nalang akong magluto ng makakain ni Louie pagnagising siya. Pero bago ako nagsimulang magluto, nagpalit muna ako ng pambahay na shorts at damit para komporatable at saka nagluto ng ulam. Ineenjoy ko sarili ko habang nagluluto at kumakanta-kanta pa, mas masarap daw ang niluluto kapag sinasamahan mo ng masayang kanta.
Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang makarinig ako ng boses mula sa front door. Boses ng babae? Dahil sa sobrang pagkacurious kung sino ang dumating, pumunta ako sa sala para salubungin ang bisita.
"Nasaan ang boss niyo?" dinig kong tanong ng babaeng dumating.
"Baka po natutulog siya sa kwarto niya, Lady Anne. Ilang araw na pong masama pakiramdam niya kaya pabalik-balik ako dito para alagaan siya" suhol ng isang pamilyar na boses.
Hindi na ako nakapagpigil pa na magtago sa likod ng malaking antique cabinet dito at naglakad papunta sa kinatatayuan nila. Hindi na ako nakapagtanggal ng apron at basta nalang silang pinuntahan. At gaya ng inaasahan ko, ang bruhildang witch nga ang nandito kasama ng isang matandang babae na tinawag niyang Lady Anne.
Nanlaki ang mata ng dakilang witch nang makita ako, ganun din ang tinatawag niyang Lady Anne kanina. The old woman checked me from head to toe with a disgusted look. Who is she anyway? Mukha nga siyang mayaman pero mukha ding arogante ang isang 'to.
BINABASA MO ANG
Seducing Louie Miller
Художественная прозаAfter the inclusion inside the Perry Realm's mansion, the queens of the realm decided to hide and secure their friends from people who wanted to kill them all. For two years, they hid inside a new mansion where no one can track them and gain back th...