Hindi kami agad dumiretso ni Louie sa sinasabi niyang bar. We went to a quiet place and waited for the sun to go down. Hindi nadin ako nagreklamo kasi sobrang ganda nung lugar at napaka-peaceful doon. I can feel the cold wind blowing, and I feel like flying. Sinamantala naming dalawa yung pagkakataon na pwede kaming makapagrelax.
At ang pinakanakakatuwa sa nangyari kanina, ay hindi nagsungit saakin si Louie, not even once! He was smiling genuinely and very innocent. Nakakapanibagong makita siyang ganun kaenjoy at kasaya, lagi kasing nakakunot-noo si Louie na parang akala mo lahat ng problema sa mundo, siya pumapasan. Aakalain ko na nga sana na kalahati sa pinaulan ni Lord na problema, siya ang sumalo.
To cut the short story short (short na nga icu-cut pa hehe talaga naman)... nagenjoy kami parehas sa konting oras na 'yon. It was truly worth it. Indeed it is.
Napansin kong tumigil na ang kotse sa tapat ng isang maliwanag na lugar na sa tingin ko ay ang bar. Nagtanggal na ng seatbelt si Louie pero ako pinapanuod ko lang siya. "Alam kong gwapo ako, Irene. Wag mo akong panuorin" nakangisi niyang sabi.
Nagiging pilyo na naman siya, I like this.
"Di ko lang lubos matanggap na marunong ka palang tumawa" matawa-tawa kong sabi. Nagsimula nadin akong magtanggal ng seatbelt habang pinagpatuloy yung sinasabi, "I mean, hindi ko alam kung bakit ang saya ko din nung nakita kang tumatawa kanina at ineenjoy yung hangin na parang tanga. Pfft!"
Sandaling tumaas ang kanang kilay niya pero agad na nawala, "Sa sinasabi mo, parang wala akong karapatang maging masaya, Miss Lewis" nakangiti at malumanay niyang sabi.
Grabe na talaga 'to! Nakakapanibago talaga siya! "That's not what I meant! Ang akin lang-"
"Don't worry, hindi ako na-offend. Tama kayo ng tingin saakin, wala akong karapatang maging masaya sa buhay. Kaya naman tumatawa ako ng patago," kalmado padin niyang sabi. "Sa totoo lang, di ko alam kung bakit may humihila saakin na lumapit sayo. Pero ako na nagsasabi sayo Irene, wag kang magtitiwala saakin. Masama akong tao, sana ikaw na mismo maglayo ng sarili mo saakin. Baka pagsisihan mong pumasok ka sa buhay ko"
Iyon ang mga salitang binitawan niya bago siya bumaba ng sasakyan at naglakad papasok ng bar. Ako naman, parang nasho-shock pa ako sa mga sinabi niya. Bakit niya sinabi 'yon? At bakit naaawa ako sakanya nung narinig ko yung mga 'yon? Teka nga, bakit ako naaawa? Tama naman yung sinabi niya eh. Alam ko dahilan kung bakit niya sinabi 'yon.
Balang araw, siguro, pagsisisihan ko nga na pumasok ako sa buhay niya. Pero meron di namang nagsasabing hindi ako magsisisi. Ang gulo, sobrang gulo talaga.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras sa loob ng kotse, sumunod nadin ako agad sa loob. Ako'y namangha dahil ang laki at elegante tignan yung lugar. This is bar, but it's more like a casino dahil may naglalaro ng card games, billiards at darts. Of course, madaming umiinom at nagsisigarilyo.
"So polluted here, ugh" bulong ko sa sarili ko.
Minabuti ko nalang na hanapin kung saang lupalop nandun si Louie. Bakit naman kasi kailangan iwan pa niya ako diba? Bago lang ako sa lugar na 'to, paano nalang kapag may nangyaring hindi maganda saakin? Jusq, ayokong isipin kasi baka mangyari!
BINABASA MO ANG
Seducing Louie Miller
General FictionAfter the inclusion inside the Perry Realm's mansion, the queens of the realm decided to hide and secure their friends from people who wanted to kill them all. For two years, they hid inside a new mansion where no one can track them and gain back th...