18 (Part 1)

96 1 0
                                        

I started to feel cold, so slowly, I started to open my eyes. Bumungad saakin ang isang kwarto na pagkalaki-laki pero walang kahit isang tao bukod saakin. I don’t think this is a hospital room pero akalain mo sa simula dahil sa puting kulay ng dingding at ng sahig. Also, the room has glass windows all over.

Pinagmasdan ko muna ang katawan ko, may nakakabit na intravenous sa kamay ko. Sakto pa, may maliit na lamesa sa tabi ng kinahihigaan kong kama, nakita ko ang itsura ko sa salamin. I’m pale as fuck and my face looks horrible. Hindi ko alam kung bakit ako nagkasakit ng ganito, confident ako na maganda ang life-style ko kaya imposibleng magkasakit ako ng ganito.

Teka, nasaan na ang mga magulang ko? I can’t see them from here. Kailangan kong malaman kung nasaan sila. Pero nasaan ba ako? Hindi ko alam kung nasaang lugar ako ngayon at wala din akong kasama.

Tinanggal ko ang IV na nakakabit saakin at pinilit na tumayo, at saka lumabas ng kwarto. Nasa second floor ako ngayon, may malaking butas sa gitna ang second floor kaya kita ang nasa gitnang part ng baba. Hinanap ko ang hagdan pero tanging elevator lang ang nakita ko na matatagpuan sa kabilang side ng kinatatayuan ko ngayon.

Nahihirapan mang maglakad ay pinilit kong makarating sa elevator na ‘yon. Humawak nalang ako sa glass rails para hindi matumba dahil ramdam ko ang panghihina sa katawan ko. Pero bago pa man ako makarating ng elevator, sumakit na naman ang ulo ko at napaupo sa sahig.

“Arghh!”

Sa kabila ng sakit ng ulo ko, malinaw kong narinig na tumunog ang elevator at bumukas ito pero hindi ko makita kung sino ang sakay nun. Nanlabo na naman ang paningin ko at sobrang sumasakit ang ulo ko.

“Irene!” dinig kong sigaw ng taong galing sa elevator. “Bakit ka nandito? Hindi ka dapat umalis sa kwarto! Teka kukunin ko yung gamot mo”

Tumakbo siya papuntang kwarto at patakbo ding bumalik saakin para ibigay ang isang bote na naglalaman ng gamot at tubig. Kumuha ako ng isang tableta at ininom iyon. Sinubukan kong i-relax yung sarili ko para umepekto yung gamot, at the same time, hinahagod niya ang likod ko para lalo akong kumalma.

“Nawawala na ba yung sakit?”

Tumango ako ng konti at tinignan siya, “Thank you, Hans”

Mukhang sakanya ang bahay na ‘to dahil siya ang unang dumating para alalayan ako. Halata ding sakanya ito dahil mukhang kabisado niya ang bawat sulok ng bahay.

“Hindi ka dapat umalis sa kama, kailangan mong magpahinga. Saan ka ba dapat pupunta?”

“Nasaan sila Mama? Nasaan sila ngayon? Kamusta ang lagay nila?”

Napayuko siya bigla sa naging tanong ko. Alam ko na kaagad na hindi maganda ang balitang maririnig ko mula sakanya. Pero kahit na anong sama ng balitang ‘yon, kailangan kong malaman kung anong nangyari sakanila at kamusta ang lagay nila.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagsalita, “Dalawang araw na yung lumipas simula nang mangyari ‘yon. That night, mabilis kong pinatawag yung magaling na doktor at surgeon ko at sinabing dito nila gamutin ang mga magulang mo pati nadin ikaw. Nagamot naman sila pero hanggang ngayon hindi padin sila gumigising.”

I clenched my fist in anger. Ayokong tanggapin yung sinasabi niya pero hindi pwede dahil alam kong ‘yon talaga ang totoo. Walang malay ngayon ang mga magulang ko at hindi namin alam kung kailan sila magigising. Ang pinakamasakit pa ay wala na naman akong nagawa para iligtas sila dahil kahit ako, hindi ko nailigtas ang sarili ko sa kapahamakan.

Wala akong ideya kung paano nangyaring nakakaramdam ako ng sobrang sakit nung gabing ‘yon. Pero isa lang ang masisiguro ko sa mga nangyari… iisang tao lang ang may gawa ng lahat ng ‘yon.

Seducing Louie MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon