9

160 7 1
                                    

"Excuse me Grace, nasaan si Louie?"

Tinigil niya yung pagsusulat niya at tumingin saakin, "Di ko nga din po alam Ma'am Irene eh. Bigla nalang kasi siyang umalis kanina. Hindi po ba siya pumunta sa meeting niyo?"

Nginitian ko siya, "He did. Thanks anyway!"

Kanina pa tapos yung meeting namin eh. Actually, nawala siya bigla kanina sa kalagitnaan ng meeting. Akala ko nga may dumating na investor kaya siya umalis eh. Pero mukhang wala siya dito kanina pa, hindi din alam ng secretary niya kung nasaan siya.

Sa mga nakalipas na araw, hindi pa ulit kami nakakapagusap simula nung may nangyaring inside attack dito sa opisina. Kahit magkasalubong lang, hindi nangyayari. Hindi ko alam kung sadyang busy siya at walang panahon para makipagusap saakin o umiiwas siya saakin. Sobrang nakakapagtaka kasi. Nasa iisang building lang kami pero hindi kami nagkakasalubong man lang?

Nasaan naman kaya yung isang 'yon?

Imbis na magsayang ng oras, bumalik nalang ako sa opisina ko at pinagpatuloy ang trabaho. Paper works and presentations ang ginagawa ko dahil next week, dadating na sila Mr. and Mrs. Lewis, my parents. They phoned me earlier this morning, biglaan yung decision nila na umuwi ng bansa at siguradong kakamustahin nila ang lagay ng kumpanya sa nakalipas na dalawang taon ng pamamahala ko.

Lima ang business nila Mr. and Mrs. Lewis dito sa Pilipinas. Apat doon ay hawak namin nina Cheng, Angelo at Aira. Yung isa, ipapamana nila sa tunay nilang anak, ang nagiisang biological daughter ng Lewis, si Abby Gael Lewis. She's 17 years old, college student sa isang international university. Hindi pa niya makukuha ang mana niya, pero alam ng lahat na sakanya mapupunta ang malaking bahagi ng kayamanan ng mga Lewis.

Di tulad namin, isa lang siyang normal na teenager na nag-aaral sa isang elite school kung saan siya nababagay. Mahigpit na bilin saamin ng mga magulang namin na wag hayaang makilala ng tao si Abby bilang anak nila, kahit si Abby mismo ay ayaw na makilala siya ng tao bilang anak ng isang mayaman. Mas gusto niyang mamuhay ng simple.

Speaking of, muntik ko pang makalimutan na kailangan kong puntahan si Abby para sabihan siyang dadating sila Mr. and Mrs. Lewis next week. Tatawagan ko nalang siguro siya mamaya pag-uwi ko ng penthouse.

Around three in the afternoon, nagpasya akong lumabas para sana magmiryenda. Kinuha ko ang susi ng kotse at pumunta sa isang branch ng Yapi Time dahil balita ko masarap ang milktea nila doon. Paborito ko ang milktea na may mint kaya yung una kong nakita na 'with mint' ang siyang inorder ko.

"Here's your order ma'am! Enjoy your drink!"

Pagkakuha ng order agad akong lumabas ng shop. Maglalakad na sana ako palapit sa kotse nang matanaw ko ang isang pamilyar na babae, yung babaeng nakasabay ko sa elevator nung isang araw. Ganun padin ang itsura niya, nakabalot ng puting tela ang buong katawan, merong mga papeles at folder na dala at meron siyang kausap sa telepono. Napansin ko ding pumapara siya ng taxi pero wala siyang makuha.

Nilapitan ko siya para sana alukin siyang sumabay nalang saakin, kaso napahinto ako nang may mahulog na papel mula sa hawak niyang folder, lumipad ito at nag-landing sa paa ko. Di na ako nagdalawang-isip na kunin ito, di ko sinasadyang mabasa ang nakasulat sa papel na iyon.

1. Olympus Tribe
2. Perry Realm
3. Gray Wolves
4. Gracil Green Rangers
5. Wales Republic
6. Curtis Empire
7. Montecierra Reign
8. Imperial State

Kusang kumunot yung noo ko sa nabasa ko. Sinasabi ko na nga ba't isang assassin 'to eh. Bakit meron siyang listahan na ganito? Isa ba siyang spy sa LGM Inc.?

Etong grupo na nakalista dito, ito ang Infinity Circle. Sa dami ng grupo sa Black World, ang walong nasa listahan na 'to ang sinasabing pinakamalalakas na assassins sa kasalukuyan. Anytime pwedeng mawala ang isang grupo sa circle basta't may tatalo na isa pang mas malakas na grupo sakanila. Sa pagkakaalam ko ngayon, wala pang nagbabago sa circle. Dahil sarado ang Black Mansion, walang pangyayaring pwedeng magbago ng Infinity Circle.

Seducing Louie MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon