A/N: Meron pala akong mali pagdating doon sa time frame. Two years na nakalipas simula nang mangyari yung inclusion nung araw na nagmeet ng personal si Louie at si Irene. Pero isang taon na ulit yung lumipas so three years na dapat. Sa previous chapter/s nabanggit ko na two years padin so sorry for that error. Happy reading!
***
Minamasahe ko ang sintido ko habang nakaupo sa bleachers. Semi-finals na ng basketball men at ang naglalaban ngayon ay ang Perry Realm at Olympus Tribe. Bakit ako nakaupo sa bleachers? Nagiisip ako ng speech na sasabihin ko sakanila para makumbinsi ko silang gawing maayos ang laro nila. Although hindi naman kami papasok ng semi-finals kung hindi naman sila magaling diba? Pero kasi... may problema eh.
"Be, haba ng hair mo be" bulong saakin ni Sofia. Inirapan ko siya at muling nanuod sa laro. "Tignan mo naman oh, dalawang grupo gustong kumuha sayo"
Tsaka nagtawanan sila Sofia, Vanessa at Vax. Seriously? Anong nakakatawa sa nangyayari? Palibhasa hindi nila alam kung bakit ganun yung ginawa ni Hans. Hindi pa nila nahuhulaan yung sikreto sa likod nitong first game kaya nagagawa pa nilang tumawa. Hindi ba nila nakikita yung nangyayari ngayon sa court? O baka dahil wala silang pake?
First quarter palang, mainit na kaagad yung tensyon sa loob ng court. Since hindi kasama si Mike sa admins, pinayagan siya na maglaro. At siya ang nagdadala ngayon sa team nila. While on our team, it's Tim, pangalawa lang si Piattos. Bakas sa mukha nilang dalawa na masyado silang pursigido na manalo to the point na ayaw nilang magpa-sub. Pangatlong laro na nila ngayon at kung maglalaro pa sila sa championships, siguradong pagod na sila at mas malaki ang chance na matalo.
I'm trying to figure out a different play for them but I can't seem to find a way. Ano bang alam ko sa basketball?! Di ako tumagal sa larong 'yan dahil masyado akong payat para dyan kaya di ako nagkaroon ng madaming kaalaman tungkol dyan.
Buti pa yung mga babae, walang problema. Kanina tinawagan ako ni Xyla at Jamie para sa update ng laro ng girls sa isang open court sa likod ng Pit. Six minutes lang ang laro sa girls at running time pa kaya mabilis lang. Kung sa kalaban naman ng girls, ang competition ay nasa Perry at ang Imperial State.
Nawala ako sa pagiisip nang makarinig ako ng pito "Fourth personal foul, number 7" sigaw ng referee.
Wala na kong sinayang na oras at lumapit sa officials para manghingi ng time-out. Kailangan na nilang ilabas si Tim dahil masyado nang mainit ang ulo niya. Nagsilapitan sa bench yung mga players and this time ako naman ang magsasalita para sakanila.
"Listen to me people, calm your tits and play your game. Wag niyong ipressure ang sarili niyo sa larong 'to, remember they're just eccentric, they're trying to confuse our minds" siryoso kong tinignan si Tim na nakakunot padin ang noo. All of a sudden, nagwalk-out siya at nagshooting, tinapos ko muna yung sinasabi ko "Basta kahit anong mangyari, hindi ko kayo iiwan para sakanila kaya maglaro lang kayo. Give them a game not a show."
Nagsipag-tanguhan naman sila. Tumayo ako para puntahan si Tim na nagshu-shooting sa free throw. Alam na niyang nilapitan ko siya pero hindi niya ako pinansin, nagpatuloy lang siya sa shooting. Aba dedma ang beauty ko dito? Tumayo ako sa ilalim ng ring para tumigil siya sa pagshoot.
BINABASA MO ANG
Seducing Louie Miller
General FictionAfter the inclusion inside the Perry Realm's mansion, the queens of the realm decided to hide and secure their friends from people who wanted to kill them all. For two years, they hid inside a new mansion where no one can track them and gain back th...