Chapter 19
Few days has passed already. Sa loob ng ilang araw na 'yon, I worked my butt off and fix all the problems of both companies I'm handling. So far, wala pa naman ulit na nagiging problema. Sa umaga puro meeting, pagdating sa hapon naman, depende kung anong may mas importanteng gagawin.
To tell everyone frankly, I'm having a hard time. My parents are sick, kaya lahat ng trabaho nila saamin bumagsak. Ang kaso si Francesca, hindi padin ganun kaayos ang lagay kaya ako ang mas nagaasikaso ng mga trabahong naiwan ng mga magulang namin. Buti nalang at maaasahan ko din si Angelo kahit papano, natutulungan niya ko kapag kailangan ko talaga ng tulong.
Aira is doing good too, medyo busy din siya dahil sa trabaho at sa pagiging isa sa leader ng grupo nila. Mamaya palang mangyayari ang game three at sigurado akong naghahanda sila ng maigi para dun. Kaya ayoko nang dagdagan yung pasanin niya.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Hans. Sa panglimang ring, sumagot siya. "Hey Hans, busy ka ba ngayon?"
"Woah. Ang ganda namang pambungad sa umaga yan. Bakit? Yayayain mo ba akong magdate?" tanong niya.
Siguro tuwang-tuwa 'tong lalaking 'to kapag sinabi kong yayayain ko siya na lumabas. But I don't think we'll be doing that today, I have something in mind instead. May plano akong yayain siyang lumabas minsan pero hindi pa siguro ngayon.
Gusto kong bumawi sakanya sa pagaalaga ng mga magulang ko sa private infirmary niya.
"I'll go to your place for lunch, I'll bring the foods with me. Will that be okay?" tanong ko sa kabilang linya.
Hindi matagal ang naging response, pumayag siya. "Sige, text mo nalang ako kapag papunta ka na"
Binaba ko na ang tawag at bumalik sa trabaho. Around 10pm, sinundo ako ni Paula para sa meeting kasama ang project team at ang advertising team. Nilatag nila sa harap ko yung hinihingi kong poster at promotion video, so far so good.
"Okay na ba yung gagamitin na kotse para bukas? Nasaan na yung listahan ng mga sasama bukas?" tanong ko kay Aaron.
Meron siyang inabot saakin na papel kaya binasa ko iyon. Eto yung listahan ng mga staff na sasama sa workshop camp bukas.
"Naka ready na yung company bus na gagamitin bukas" sagot ni Aaron saakin.
I nod in approval. Hindi ko na pinatagal pa yung meeting at maaga silang dinismiss. Hindi muna ako umalis doon at binasa yung mga edited documents na kailangan kong bigyan ng approval para bukas wala akong ibang gagawin bukod sa ikutin ang workshop camp.
Ngayon ko narealize na mas madaming kailangang gawin ngayon sa office kumpara dati. Sa sobrang dami ng gusto kong gawing advancements, lumiliit yung chances na magkaroon ako ng quality time para sa sarili ko o para sa mga kaibigan ko man lang.
Nang matapos ako sa pagbabasa, naglakad na ko pabalik sa office at tumigil saglit sa harap ng desk ni Paula. "Okay na 'tong mga 'to, ikaw na bahalang maginform sakanila. Sino yung kumausap sa advertising company?"
"Si Anne po, papuntahin ko po ba sa office niyo?" tatawagin niya sana si Anne pero pinigilan ko siya. "Ah hindi na, pupuntahan ko nalang siya sa susunod. I'll be out for lunch, gusto mo bang sumama?"
Napaisip siya sa offer ko. Aba hindi dapat siya tumanggi kapag niyaya ko siyang lumabas para sa lunch or whatsoever, chance na niya 'to para makilala ang isang hot na bachelor katulad ni Hans.
Hmm. Mukhang kailangan kong isama si Paula sa mga lakad ko, ayokong maging single forever 'tong secretary ko no.
***
BINABASA MO ANG
Seducing Louie Miller
Genel KurguAfter the inclusion inside the Perry Realm's mansion, the queens of the realm decided to hide and secure their friends from people who wanted to kill them all. For two years, they hid inside a new mansion where no one can track them and gain back th...