23

90 1 0
                                    

Chapter 23
Hinahagod ko ang likod niya habang pilit siyang inaabutan ng tissue. Kanina pa siya umiiyak at hanggang ngayon di ko padin magets kung bakit siya umiiyak. Di ko maimagine na umiiyak siya ngayon saakin eh. I mean, hello, parang ang OA naman dahil iniiyakan niya yung maliit na bagay.

For the nth time, tinanggihan niya yung tissue na pilit kong inaabot sakanya, “Ayoko sabe! Paano mo nagawa sakin ‘to Ireng?!” sigaw niya.

“Okay fine. But can you please stop crying? Pumapanget ka lalo eh” nagulat ako pinanlisikan niya ako ng mata “Joke lang po”

Lumapit saamin si Ryu, ang boyfriend ‘daw’ ni Aira para abutan siya ng panyo. Lumayo ako ng konti kasi nakakahiya naman kung papagitan ako sakanilang dalawa. Nung una akala ko hindi niya tatanggapin pero halos manlaki mata ko nang kuhanin niya ang panyo mula sa lalaki.

Aba, nananadya ba ‘to? “Bakit yung panyo niya tinanggap mo samantalang kanina pa kita inaabutan ng tissue?!”

“Tumawag nga kayo ng nurse, sabihin niyo may nanggugulo saakin” nakatingin siya saakin ng masama.

What the?! Ano bang ginawa ko para magalit siya saakin?!

Nakikipagtagisan ako ng tingin sakanya. Naputol lang yun dahil may unan na lumipad papunta sakanya. Nang tignan namin kung sinong may gawa, si Angelo lang pala.

“Hoy Aira, wag kang masyadong OA dyan ah. Di ka pa magpasalamat na ikakasal na ‘tong kapatid natin” pagtatanggol saakin ni Angelo. Nako buti pa si Angelo, naiintindihan ako. “Mababawasan na yung makikihati sa kumpanya”

Kumuha ako ng unan sa kama ni Cheng since yun yung pinakamalapit saakin, “Akala ko naman naiintindihan mo ko kaya ka nagreact!”

“Tama na nga ‘yan” seryosong sabi ni Francesca.

“Okay look, I’m sorry okay? Sobrang busy ko para sa preparations pero hindi naman ibig sabihin nun wala na kong pake sainyo” paliwanag ko. Ewan ko ba dito sa mga ‘to, ang tanda na para magtampo. “May dahilan naman kung bakit ngayon ko nalang kayo ulit nabisita”

Nagtatampo sila saakin dahil isang beses palang daw ako pumunta sakanila simula nang magising silang lahat, busy daw ako masyado sa kasal ko. Sabi pa ni Aira na pinagpalit ko na daw siya kay Louie kaya siya umiiyak siya kanina. See? Para lang silang bata na nagta-tantrums.

Pinaliwanag ko sakanila kanina na kailangan na kaagad namin maayos ang kasal bago nila subukang sirain na naman si Louie. Sa ngayon konti palang ang nakakaalam ng plano, as much as possible, ayaw namin na malaman ng iba ang tungkol sa kasal dahil alam namin na di nila hahayaang mangyari ‘yun.

However there’s one thing, it’s something I must do. It was an agreement between me and Louie, kapalit ng pagpapakasal ko sakanya. At isa ‘yong mabigat na desisyon para saakin.

I don’t know how will they react, kapag nalaman nila ang tungkol sa agreement na ‘yun.

“Sigurado ka na ba sa gagawin mo? Hindi biro ang kasal, Irene” sabi ni Cheng na para bang binabalaan niya ko.

“Alam ko naman ‘yun. Pinagisipan ko naman ‘to ng maigi at sigurado ako sa gusto kong gawin”

Naglabas ng opinyon si Angelo, “Sigurado akong hindi hahayaan ng ibang grupo na makasal kayo. Posibleng magbago ang mga bagay-bagay sa Black World dahil sa gagawin niyo”

“May punto siya” pagsang-ayon ni Aira. Mukhang nakabalik na siya sa katinuan. “Pag kinasal kayo, magiging isa nalang ang tribe at ang realm. Mas lalo nilang gugustuhin na pabagsakin ang Supremo niyan”

Tama naman sila. Actually, naisip na namin ‘yan ni Louie simula palang. That’s why we came up with ‘that’ agreement. Alam namin na di sila tatayo lang at hayaan na magsanib ang dalawang malakas na grupo dahil lalo silang mawawalan ng pag-asa na magawa yung gusto nila.

Seducing Louie MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon