Chapter 40

462 26 27
                                    

Jhoana's POV

Pakiramdam ko ay may nakayakap sa akin. Naalala ko na kausap ko sila Tito Elmer, nasa tabi lang kami ni Papa. Panaginip lang ba lahat iyon? Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko, at may nakayakap nga sa akin. Pamilyar ang amoy niya.

Unti-unti kong inalis ang yakap niya dahil hindi ko makita kung sino iyon.

"Be-Beatriz," bulong ko. Natutulog siya nang mahimbing. Hindi ko maiwasang hindi tumulo ang luha ko. Naisip ko si Papa-nandito si Bea sa tabi ko ngayon, pero si Papa, wala na siya.

"Hey, stop crying," mabilis siyang tumayo at niyakap ako. Ramdam ko na hinalikan niya ang ulo ko.

"Hush now, be strong for tito," sabi niya habang hinahaplos ang likod ko. Hindi ko alam kung paano siya napunta dito. Hahanapin ko pa lang sana siya. Nag-file na nga ako ng leave para hanapin siya, pero... we lost Papa.

"Do you want something? Sabi ni Jaja hindi ka pa kumakain buhat kahapon," sabi niya. Gustuhin ko mang kumain, wala akong gana sa kahit ano.

"You need to eat, Jho. Hindi magiging masaya si Tito kung ganito ka. Listen to me." Hinawakan niya ako sa mukha at pinunasan ang mga luha gamit ang kanyang hinlalaki.

"I know it's tough, but you need to accept it. Things will get better. Even though we're not together, I still care for you. Don't be hard on yourself," sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak. Hindi ko alam kung paano magsisimula ulit. Hinalikan niya ang noo ko at niyakap ako ulit.

May kumatok at pumasok sa kwarto ko. Hindi ako tumingin kung sino iyon.

"Ay, oh, gising na pala si Ate," sabi ni Jaja. "Ate Bei, umuwi na pala sila Tita, balik na lang daw sila bukas. Pinapababa ka pala ni Mama, kain ka daw dinner. Kanina mo pa daw binabantayan si Ate. Ate, sumama ka na din, kahapon ka pa hindi kumakain." So, kanina pa pala siya nandito? Tumingin ako kay Bea habang humihikbi.

"Sige, Ja. Sunod kami ni Ate mo, sandali lang," sagot ni Bea.

"Sige, Ate Bei," sabi ni Jaja bago sinara ang pinto at umalis.

"Hush now, Jho. Tara na, you need to eat," sabi niya habang nakangiting malaki sa akin. After five years, nakita ko ulit ang ngiti niya. I really miss her. Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa harap ko.

"Tara na, baka bumangon si Tito at siya pa ang sumundo at magpakain sa 'yo. Ikaw din," sabi niya.

"Beatriz!" sabi ko. Nakakainis siya, alam niya kasing takot ako sa mga ganon.

"What? Hahaha, alis na ko. Ayaw mo kumain? Antayin mo na lang si Tito, sure naman magpaparamdam siya sa 'yo," tumalikod siya sa akin at mabagal na naglakad.

"Bwisit ka talaga. Oo na, sandali, teka, wag mo 'ko iwan," nagmamadali ako para hindi niya ako maiwan.

"Hahaha, Jho, if you see your face," tuwang-tuwa niyang sabi. Inirapan ko siya at nilagpasan.

"Hahaha, I'm sorry na," di ko siya pinansin. Bahala siya diyan, kala niya kahit miss ko siya, ganon na lang.

"Oh, Ate, asan si Ate Bei?" tanong ni Jaja.

Di ko siya sinagot at inirapan ko din.

Bea's POV

"Anyare don?" bungad ni Jaja sa akin.

"Hehe, alam mo na, galit na naman. Sabi ko kasi baba na 'ko, antayin niya na lang si Tito magparamdam sa kanya. Ayaw bumaba e," sagot ko habang nagkakamot ng ulo.

"Hahaha, ay effective, Ate. At least kakain na siya, tignan mo," sabi ni Jaja, sabay tingin kay Jho na kumukuha na ng pagkain.

"Effective nga, manunuyo lang ako kahit hindi ko naman jowa," sabi ko.

"Haha, alam mo, Ate Bei, madami ka pang hindi alam. Sige na, una na 'ko, baka madami tao e. By the way, andyan pinagselosan mo si Doc Anton," sabi niya bago umalis nang hindi man lang ako pinagsalita. Doc Anton, ang pinagselosan at dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Jho. Napailing na lang ako.

Oo nga pala, I forgot to message Aleiah. I need to clear things between us. Lumapit ako kay Jho at inirapan niya ulit ako. Hahaha, I miss that.

"Oh," inabot niya sa akin yung plate na may pagkain na. Tinignan ko siya.

"Ayaw mo?"

"Hindi, ito na nga oh," sagot ko habang kinuha ang plate. She still the same. Napailing na lang ako. Kalma, Bea. Madami pa kayong dapat ayusin at pag-usapan.

Habang inaantay ko siya, pinanuod ko siyang kumuha ng food.

"Tingin-tingin mo jan?" tanong niya.

"Sungit," bulong ko.

"May sinabi ka?" tanong niya.

"Wala po. Sabi ko, thank you for this," sabi ko sabay turo sa food na binigay niya. She nodded at tumabi sa akin.

Tahimik kaming kumain. Minsan napapansin kong tumitingin siya sa akin. Kanina pa nagvavibrate ang phone ko, feeling ko napansin na niya.

"Sagutin mo na yan, kanina pa nagvavibrate," sabi niya habang pinaglalaruan ang natirang food sa plate niya. So I checked my phone, and it's Aleiah.

"What? I'll be quick," sabi ko habang tumatayo.

"Hello, Aleiahboo," bati ko.

"Hii, ang busy naman masyado. Hindi magawang mag-reply," she said.

"Hehe, I'm sorry. I'm on leave kasi something happened. Don't worry, I'll talk to you. Actually, we need to talk. Maybe I'll pick you up tomorrow, 5:00 PM?"

"Oh, I'm sorry, hindi ko alam. Sure, sure, just take care," sagot niya.

"Yeah, you too. Bye." Hindi ko na inantay sagot niya, I ended the call and went back to the kitchen. Tahimik lang si Jho at nagce-cellphone na. Wala na yung plates namin sa table.

Napansin ko ang picture namin ni Jho sa side table. Gusto kong pag-usapan namin yun, but it's not the right time, so I let it go.

"Hey, it's been what, 5 years? Right? How are you, Jho?" tanong ko. Tumingin siya sa akin with a forced smile.

"Okay naman. Tuloy pa din ang buhay. But now... I don't know. The person who never left me before is now gone," sabi niya. Hindi niya mapigilang tumulo ulit ang luha niya pero agad niyang pinahid.

"Ikaw? How are you? Siguro may anak ka na," she chuckled.

"I'm fine. Piloto pa din. I just got assigned here a few days ago. About the may anak ka na...," umiling ako. She nodded.

"Asawa?" tanong niya, natawa ko.

"You go upstairs na lang, Jho. Take a bath then bantayan natin si Tito, daig mo pa SOCO e,"

"That my problem tinakot mo ko kanina, what if magparamdam si papa?" Napailing nalang ako naniniwala pala talaga siya

"Haha okay okay tara na nga i'll make sama nalang sayo sa taas,"

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Love on BoardWhere stories live. Discover now