Chapter 46

516 24 19
                                    

Bea's POV

We just landed in Cebu. Currently, bumababa na yung mga passengers. I checked my phone to message Jho.

Hi, do you want something here in Cebu? We just landed. See you later :).

"Captain, papicture daw po, Majoy," sabi nung isang flight attendant.

"Sure, sure," I said. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko while nagpipicture kami.

"Thank you, Captain," I just smiled and checked my phone again.

Hmm, bukod sa dried mango, ikaw lang.

Ui, kinilig siya, hahaha. See you later. Message me saan ba kita pupuntahan later. Take care.

"May jowa ata si Captain, Majoy, wala kang pag-asa," nadinig kong sabi nung kasama niya, pero hindi ko na pinansin at nireplyan si Jho.

Loko, ikaw ata kinilig sa sarili mong banat. Pero you can have me naman basta ba I can have you din ;)

Ang landi, hahaha. Jan ka na, may rereview pa akong documents sa company ni Papa. May mga business pa pala siyang naiwan na hindi namin alam.

Jhoana's POV

Haha, sayo lang naman ako lumalandi. Okay, okay, ingat ka din. Magiging nanay ka pa ng mga anak ko.

Kachat ko si Bea, and pinagttripan ako ng bwisit. Kanina pa 'to. Nanay pala, sige.

Okay, Daddy, gtg. See you later.

Hahaha, hindi ko na inantay reply niya kasi may meeting akong aattendan. Sati just called me and informed me about this.

So, matagal na alam ni Dad kung nasan si Bea? Why didn't he tell? He has shares sa airline kung saan piloto si Bea. Ano alam ko sa airline company? I sighed. Bahala na.

Inabot ng 3 hours yung meeting. 5:00 PM na pala, hindi ko namalayan. I checked my phone. Hindi nagreply si Bea. Hahaha, gumana ata yung reply ko kanina. Tinawagan ko siya. Agad naman siyang sumagot. I opened my camera, and she did too.

"Daddy, what happened to you? I'm waiting for your reply." Hahaha, natatawa ako. Hindi siya makaimik.

"Hahaha, if you've seen your face, Bea," I said. Umiling siya.

"Just wait, Jho, tignan mo kung masasabi mo pa mga 'yan," she said as she smirked. They're about to leave na ata kasi nasa loob na siya ng plane.

"Come on, Daddy, show me what you've got. See you later, and have a safe flight. Message me anong bay ka lalabas." Hindi ko na siya inantay magsalita. Baka kung ano pa sabihin, I ended it na.

Nagprepare ako para aalis na lang ako mamaya para sunduin si Bea. Baka mga 6:30 PM, Manila na siya.

Nagbrowse ako sa socmed, and I saw a photo. Majoy Baron tagged Bea de Leon. Napairap na lang ako before I liked and screenshot it.

6:00 PM na mahigit. Hindi ko na inantay message ni Bea kung nakaland na siya. Umalis na ako para pupuntahan ko na lang saan bay siya lalabas.

Naalala ko na naman yung about sa airline partner ni Papa. Sana bukas walang flight si Bea. I know kahit papaano may malalaman ako sa kanya about sa airline, though nagresearch naman ako, iba yung may knowledge talaga.

Bea's POV

Na-message ko na si Jho na nasa bay 14 ako. Alam naman na niya na Terminal 3 ako, so dederetso na 'yon dito.

"Hi, Capt, sino po inaantay mo? Sabay ka na po sa'min," she said. I'm waiting kay Jho. Bigla lumapit si Majoy sakin.

"Ah, hindi na, Majoy, andito na din sundo ko." Huminto yung kotse sa harap, at bumaba si Jho para lapitan ako.

"Baby, tara na. Magdidinner pa tayo." I'm shocked kasi tinawag niya akong baby.

"Ah, ye-yes, baby. Majoy, una na kami. Ingat na lang," wala na akong nagawa kundi sakyan si Jho sa sinabi niya. Pinagbuksan ko siya ng door. Syempre, ako na magda-drive. Ayaw niya pa pumasok.

"Baby, go inside na," nginitian ko siya. Pumasok naman. Nilagay ko yung handbag ko sa likod at small luggage ko, then pumasok sa driver's seat.

Pagpasok ko, tahimik lang si Jho. Problema na naman ne'to. Napailing na lang ako.

"Where do you want to eat?" Di siya sumasagot.

"Jho, I said where do you want to eat?"

"Ha? Ikaw na bahala." I sighed. Dineretso ko na lang sa condo niya. Pagdating namin, bumaba siya agad-agad. Hindi din ako inantay. Sinundan ko na lang agad.

Bukas yung main door niya. Nagorder na lang ako ng food namin, McDo na lang. Favorite naman niya. Wala naman akong magagawa kundi suyuin siya. Mas okay na yung dito kami sa condo kaysa sa labas. Inantay ko na muna yung food bago ko siya puntahan.

I sighed and knocked sa room niya bago pumasok. Nakaupo siya sa vanity mirror niya, nakabihis na din ng sleepwear. Lumapit ako sa kanya.

"Sorry, pagod lang. And if it's about the flight attendant kaya ka nagkakaganyan, wala 'yon. Kain na tayo," I said. Nakatayo ako sa likod niya, ready na sa dining table sa labas.

"Please, tara na, baby," I said. Kinuha ko yung kamay niya. Tumingin siya sakin. Huminga siya ng malalim at tumayo. Iniwan ako. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Hay nako, kung hindi kita mahal.

Sinundan ko agad siya at pinaghila ng upuan.

"Thanks," she said. Ngitian ko siya. Tahimik lang kami kumain. Pagkatapos ay niligpit ko yung kinainan namin. Pumasok siya sa room niya, sumunod na lang ako. Nakalean siya sa headboard ng bed niya at nagcecellphone.

"Want to watch a movie? Wala akong flight tomorrow. Lipat na lang ako sa guest room after," I said. Hindi siya kumibo, pero inabot niya yung remote at inopen yung TV.

"Pili ka na," I said. Then tumabi ako sa kanya.

"Like the old days," she said and chuckled. Yeah, we used to watch movies before. Same condo, same bed. But we are not in a relationship now.

Ang drama ng napili ni Jho na movie, my goodness, *Through Night & Day*. Naiiyak siya, kaya nilagay ko head niya sa shoulder ko. Niyakap niya ako.

"Chancing," I said. Kinurot niya ako.

"Aww, you're so mapanakit," I said.

"Edi wag," she said, tas inalis niya sa shoulder ko yung head niya.

"I'm just kidding lang naman," kinakalabit ko siya, pero focus na focus siya sa movie. Bigla siyang lumingon sakin, and nagkatitigan kami until I felt my lips on her lips. I remembered she said kanina, Show me what you've got.

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Love on BoardWhere stories live. Discover now