Ella's POV
"Lakas nila Mr. de Leon kay Jho," Jia said nandito kami sa office ni Jho magkausap kami kagabi ni Jema and may kinwento siya sakin kaya kinwento kona din kay Jia syempre share the chika hahaha
"Hahaha saka 'di ba himala pumayag maglunch e kakakilala lang nila,"
"Hahaha pero after kasi ng encounter nila ni Jho sa airport 'di ba ako sumama sa kanya hinanap kona yung name ng pilot na yon and ayon kakilala pala ni Den, syempre nakibalita na ko ahahah,"
"Hahaha grabe ka ate ells, so share your blessing," Jia said at tawa ng tawa.
"Well sa pagtatanong ko, mayaman daw yang mga de Leon na yan. Tapos 2 lang daw magkapatid nasa US pa yung isa, bunso na yang si Captain BDL kung tawagin nila. Matalino din daw. Nasa mukha naman. But ito pa nga sabi sakin ng source ko may manhood daw yon,"
"Oh, e pwede na kay Jho yan hahaha, sa tingin mo ate? Ano ship natin?,"
"Hahaha tignan muna natin kung okay, NBSB si Jho, then open naman siya sa gxg. E itong si captain BDL kung totoo ang chika, 2 in 1 na yon aba jackpot, poganda tapos pwede pa siya bigyan ng anak." Kasi nagbasa basa ako about intersex mataas naman ang percentage na makabuo ng baby ang isang intersex. Pero alamin ko muna kung true
"Sa bagay, hahaha kapag nagkataon tatanda pa ng dalaga yon, nasan na ba si Jho tagal," jia said sabay reklamo hahahah
"Ewan ko ba kanina paalis na yon e,"
"Ate ells yan na siya," jia said at nakatingin sa pinto
"Maraguinot, maraguinot ano 'tong nababalitaan ko," I said lumapit siya samin hahaha
"Ay good morning ate ella and Ju ha," she said
"Hahaha ay sensya na good morning doc Jho," I said
"Oh ano nanaman yung nabalitaan mo?," she said
"Hahaaha gusto ka lang namin ayain maglunch, diba Ju," I said habang pinandidilatan ko siya huhulihin ko lang si Jho hahahq
"Ay sa true bes ano? Lunch?," Jia said
"Wrong timing kayo pupuntahan ko pa sila tito El-- Mr. de Leon walang kasama," Jho said
"Wait tito el? Hahaha taray Ju tito tawag sa patient tapos kahapon naglunch kasama ang anak ng client tapos nagpamigay ng mcdo dito kahapon hindi tayo binigyan, tapos kasabay --," hindi ko natapos sinasabi ko Jho cover my mouth
"Ang ingay mo ate ella san mo naman nakuha yan, sa bagay bakit ko pa itatanong syempre sa secretary ko na pinopormahan mo"
"hahaha boom na reverse ka ate ells,"
"Ingay mo Jho, e ikaw ano bakit mo sinamahan maglunch tapos may pahatid pa sa parking, tapos ngayon ikaw pupunta sa parents? E lunch naman,"
"Personal kasi ko kinausap ni Bea madedelay daw flight ng kuya niya, since mabait naman yung mag asawa sakin pumayag na ko," she said at umupo sa swivel chair niya
"Ay oh sino ka jan stranger to instant family na ang peg? Hahaha tapos Bea nalang parang hindi sinabihang manyak ah hahaha," I said natawa si Jia
"Ay ewan ko sa inyo ate ells," she said at binuksan ang laptop niya
"Hahaha okay po doc, sama kami next family bonding ha," I said
"Issue kayo, lumayas na nga kayo dito madami pa ko gagawin tigilan niyo ko," She said
"Tara na nga Ju hindi naman tayo poganda para samahan maglunch," I said at hinila si Jia palabas habang tawang tawa
"Hahaa ate ells pikon ka lang kay Jho e," Jia said pagkalabas namin
"Ay hindi, sinagot na ko ni Jema. Wag ka nalang muna maingay since ikaw na may long time jowa sayo ko muna sabihin. Si Jho kilatisin muna natin si Bea hahaha, if yon dumalaw dito sa hospital ng wala na yung parents niya ay sinasabi ko sayo Ju ipupush ko yan HAHAHAHA" I said
"Support para hindi naman tumandang virgin ang kaibigan natin, sayang ang ganda HAHAHA," ju said maganda naman talaga si Jho habulin nga e ewan ko don pogi naman mga manliligaw, may mga kaya naman din ewan ko don ano hinahanap pa.
"Hahahaha team JhoBea," sabay na sigaw ni Ju at nag hi five pa kaya nagtawanan kami. Buti nalang maaga pa wala pa ang boss
Bea's POV
Nasa kalagitnaan na kami ng flight when I received a message from Jho. Napangiti nalang ako sabay iling kasi she's not related to my family pero look at her.
Good morning, Capt dont worry ako na bahala. Have a safe flight. :)
Hindi ako nagdalawang isip na replyan siya stable naman ang lipad namin.
Hi Doc, Im in the middle of the flight, Ill make bawi once na nakabalik na ko promise. By the way have a nice day, take care😚
Shet wrong emoji nasend ko na nung napansin ko ito dapat yon ☺️ kaya sinundan ko agad ng sorry message
Im sorry doc wrong tapped sa emoji
Hindi na siya nag reply after that baka nasa hospital na Ill message her again nalang kapag naka land na kami sa Paris.
"Capt first time yan nagcellphone ka during flight, na ngingiti ka pa" my officer 1 said
"Oh that nasa hospital kasi yung Dad ko, I just received a message from her doctor," I said
"Sus Capt. Iba yung ngiti mo e,"
"Hahaha anong iba ngiti? Pare pareho lang naman ngiti ko ah, oh look" pinakita ko sa kanya yung chat namin ni Doc Jho
"Nako Capt. Hahaha ganda nyan ah, bagay kayo. Nag wowork naman siguro ang doctor at piloto hahahq," he said
"Hahaha talaga bagay kami? E ang panget nga ng first encounter namin saka kakakilala lang namin," I said
Nagkwentuhan kami ng officer 1 ko hanggang makaland sa Paris. Humingi siya ng advice about smooth landing and take off
"Capt see you later baba muna ko ibibili ko pa ng regalo yung girlfriend ko," he said sama na kaya ako? Bili ko ng gift si Doc
"Oh wait sama ako, may bibilin din ako," I said
"Huh? Capt nilalagnat kaba? bago yan ah dati ka naman nagpapabili lang,"
"Hahaha this is for Doc I want na ako mismo mamimili,"
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆
Sorry ngayon lang busy kahapon😆

YOU ARE READING
Love on Board
FanficStrangers unexpectedly meet on a flight. Is it just a fleeting moment in the sky, or could it become a romantic relationship?