Jhoana's POV
"Oh, bakit naka-kunot noo mo jan, Jho?" Jia asked.
"Paano aalis si Bea," bulong ni Ate Ella.
"Oh, saan pupunta? May flight?" Jia said while looking at me, then si Ate Ella nakangiti, baliw na ata.
"Ewan, sabi niya lang may pupuntahan daw siya e," I said. Ate Ella chuckles.
"Ay, hindi sinabi sa'yo, Jho? Ay, mahina. Ako, alam ko saan pupunta," Ate Ella said. Kita na papalapit si Bea dito sa'min tatlo.
"Ate Ella, Jia, Jho, alis muna ko. Balik nalang ako mamayang midnight," Bea said, ngiting-ngiti. Saan kaya pupunta?
"Ingat ka, Bei. Enjoy your night," Ate Ella said with ngiting nang-aasar.
"Ikaw talaga, Ate Ells. Anyway, thanks. Kapag may need kayo, Jho, just PM me," she said.
"Paano yan, ikaw need—" tinakpan ko bibig ni Ate Ella.
"Wag mo na pansinin si Ate Ella. Umalis ka na, baka malate ka pa," I said.
"Hehe, okay, bye Jho," she said. She kissed my forehead, tapos kumaway kay Ate Ella.
"Ay, may pa-forehead kiss," natawa si Bea, tas si Ate Ella takip ko pa din bibig nya.
"Bye, Bea. Alis na," natawa siya ulit saka umalis. Binitawan ko na si Ate Ella kung ano-ano pa sasabihin e.
"Jusq, Jho, balak mo ba ko patayin? Grabe ka sakin, balak na kita talaga kagatin e."
"So, san pupunta si Bea, Ate Ells?" tanong ni Jia. Lumayo ako sa kanila ng konti, nagpanggap na may kukunin.
"May date 'yon," nadinig kong sabi ni Ate Ella. Hindi naman masakit, hehe, edi siya na may date, payakap-yakap pa sakin tapos may date, wow.
Lumapit ako kay Papa. Last day na niya with us. Hindi ko mapigilan, hindi tumulo ang luha ko habang tinitignan siya.
I'm being honest with you, Pa, I don't know how to start again without you. Naging sandalan kita sa mga oras na hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sa mga oras na kailangan ko ng masasabihan bukod sa mga kaibigan ko. Hindi mo ko pinabayaan, dinamayan mo pa ko.
Flashback...
The day I knew that Bea left the Philippines, I became alcoholic, but not totally; may control naman. Naging routine ko na bago matulog.
"Kailan ka pa natutong uminom?" nagulat ako dahil may nagsalita. Pagtingin ko, ay si Papa.
"Sabi ng Tito Ariel mo, pumapasok ka ng late and hindi ka na minsan umaabot sa appointment ng patient mo," he said bago na umupo sa tabi ko. Hindi ako umiimik. We're here sa condo ko.
"Is there any problem? Baka maka-help si Papa. Hindi ako sanay na ganyan ka, anak," umiiling ako at nagsimula tumulo ang luha ko. Niyakap ako ni Papa. Nilagay niya sa shoulder niya yung head ko and nirubbed yung likod ko.
"Tell me what happened, makikinig si Papa sa'yo," he said, but I'm still sobbing.
"Ang tanga ko pa, ang tanga-tanga ko. I realized na yung sa'min ni Doc Anton is just infatuation, na si Bea lang yung tao na nakakapagpasaya sakin, nabibigay lahat ng gusto ko, nagtyaga sa ugali ko, na kayang ibigay lahat ng pagmamahal niya kahit walang matira sa kanya."
"Oh, bakit hindi mo balikan? Talk to her. I'm sure she will listen to you. Isang taon ka nang sinusuyo nung tao," umiling ako.
"Huli na ko, Pa. She left. I can't contact her, pati yung mga social media niya deactivated. And hindi naman ako makalapit sa parents niya. They are mad at me." Niyakap ako ni Papa na mahigpit while rubbing his hand on my back.
"Even if it feels too late, there's often still a chance to make things right and learn from your mistakes. I'm sure one day, makakausap mo din si Bea."
End of Flashback...
Biglang may yumakap sakin at nirubbed yung arm ko.
"Dito lang kami ni Ate Ells, Jho." It's Jia. Pinunasan ko yung luha ko.
"Magpahinga ka na, Jho. Ayaw kita maging pasyente, baka kung ano nanaman mangyari sa'yo," Ate Ella said.
"Hahaha, bwisit ka, Ate Ells. Sanay tayo magpuyat. Naalala mo ba nung nagme-med pa tayo? Halos hindi na nga tayo matulog kakaaral," I said.
"Sa bagay, may point ka naman, pero kumakain naman tayo noon. E ikaw, ayaw mo kumain ng maayos. Kanina ka pa kumain before lunch, kasabay mo pa si Bea. Ano, gusto mo bumangon jan si Tito para subuan ka?"
"Ate Ells! Hahaha, pero I agree. Tara na, kain ka na, Jho. Sabay ka sa'min."
Bea's POV
Kakatapos lang namin mag-dinner ni Aleiah. Muntik na nga ako malate kasi traffic, gladly umabot pa din, haha. Anyway, I'm just waiting for her. She went to the restroom, then we will talk.
Kachat ko si Ate Ella and Jhoana didn't eat dinner daw. Napailing na lang ako at agad na nag-reply.
Ako na bahala, Ate Ells. Pilitin ko na lang makabalik agad. Just look after her for me.
Nakita kong palapit na si Aleiah kaya binaba ko na yung phone ko. Agad siya umupo.
"Can we talk? / May sasabihin ako," sabay naming sabi.
"Haha, okay, ikaw na mauna."
"Sabay na lang tayo, haha," she said.
"Ano ba tayo? / We're just friends, right?"
I'm the one who asked kung ano ba kami. And I guess I got an answer based on what she said.
"Yeah, friends." I chuckled, naguguluhan kasi ako. She cares too much for me.
"Bakit parang malungkot ka? Hahaha, kung hindi ko lang alam past mo at kung naka-move on ka na sa ex mong 4 years na ayaw mo naman pangalanan, sasabihin ko na may gusto ka sakin," she said as she laughed loud, kaya medyo tinignan kami ng mga tao.
"Goodness, Aleiah, lower your voice."
"Balikan mo na kasi! Andito ka naman na sa Pilipinas. Hindi pa naman ata kasal. Hindi mo nakuha sa dasal in 5 years na hiwalay kayo, daanin mo na sa santong paspasan, hahaha." Napa-facepalm na lang ako. Bunganga neto.
"What does 'santong paspasan' mean? You always use words that I don't know what mean."
"Hahaha, take action, Bea. Kung hindi pa kasal, why don't you try to court her again? If ayaw na talaga, edi just respect her. Anyway, ihatid mo na ko at bumalik ka na sa pinanggalingan mo. Gonna meet someone pa tomorrow."
"Okay, okay, thanks for explaining. Let's go." Inipit ko yung 5k sa bill folder and lumabas na kami.
Mabilis kong naihatid si Aleiah sa condo niya and agad ako dumiretso sa Batangas. Mom and Dad will go back tomorrow; last night ni Tito John ngayon.
Nag-drive-thru ako ng McDo for Jho, praying that she will eat this. Aayain ko na din siya magpahinga.
After 2 hours, nakarating ako, and it's 11 PM na. Agad ako pumasok, I saw Jaja.
"Ja, where's your Ate?"
"Ayun oh," tinuro ni Ja. Nakalean sa lap ni Ate Ells and Jia si Jho.
"Kanina pa ganyan ate mo?"
"Pagkababa ko lang. Sabi nila Ate Ella, pinipilit nila kumain si Ate. Hindi naman daw kumain ng maayos e."
"Ah, sige Ja. Oh, iyo pala to," I said, binigay isang plastic ng McDo.
"Thanks, Ate Bei, the best ka talaga," she said. I just tapped her shoulder at pumunta na ko kila Ate Ella.
"Hi."
"Oh, Bei, aga mo. Ala pa midnight ah."
"Ah, natapos agad kami mag-usap nung pinuntahan ko. Ito pala, McDo para sa inyo ni Jia. Tulog ba 'yan? Dalin ko sa room niya baka nangangawit na kayo."
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

YOU ARE READING
Love on Board
FanficStrangers unexpectedly meet on a flight. Is it just a fleeting moment in the sky, or could it become a romantic relationship?