Chapter 60

391 20 9
                                    

Bea's POV

It's 11:30. Yes, nakabili at nag-franchise na din ako ng Potato Corner. I don't care kung magkano, ang mahalaga maibigay ko yung cravings ng asawa ko. Though girlfriend pa lang naman, inanakan ko na e hahaha. Napailing na lang ako habang nagda-drive pauwi.

Before 12, naka-uwi na ako. Agad akong bumaba at pumasok, pina-valet ko na lang kotse ko para mabilis makaakyat.

"Babyy..." tawag ko pagpasok ko ng unit.

"Loveee," ulit ko, pero nakita ko siya natutulog na at humihikbi sa couch. Agad kong binaba yung Potato Corner at binuhat siya papunta sa kama.

"Hmmm," dumilat siya, halatang antok na antok at galing sa iyak.

"Sleep ka na, baby. Bukas mo na kainin yung Potato Corner mo," I said, pero tumayo siya at umupo sa lap ko, paharap sakin, at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko na lang din siya, pero hindi mahigpit. Wala pala siyang bra, hay jusko, torture na 'to. Pero naka-isa naman ako kanina, okay na 'yon.

"Sleep ka na, tabi na tayo, saka ka yumakap sakin," nakayakap pa din siya sakin.

"Ayaw ko sa bed. Gusto ko sa taas mo ko."

"Okay, pero sandali lang. Magpapalit lang ako ng top."

"Ayaw, okay na 'yan. Amoy Potato Corner. Sleep na tayo, antok na ko," she said. Ayon, wala tayong magagawa, susunod na lang tayo sa gusto niya. Dahan-dahan akong humiga, nasa top ko nga si Jhoana.

"Better?" I said. Tumango siya, nasa chest ko yung ulo niya. Ako na yung instant kama ngayon. Good luck na lang sakin bukas. Tinaas niya yung ulo niya, kaya I looked at her like asking, "What?"

"I love you," she said. Bigla niya akong hinalikan at bumalik sa pagyakap sakin. Hay nako, Jhoana Louisse, you're so cute.

"I love you too," I kissed the top of her head and rubbed her back.

Jhoana's POV

Gumising ako na nasa top ni Bea, and 5 weeks pa lang, meron na akong morning sickness. Takbo ako sa restroom. Maya-maya naramdaman ko na may nag-rurub ng likod ko.

"Good morning, Love," halatang antok pa siya kasi nakahawak sa mukha niya yung isang kamay niya.

"Tayo ka diyan, dito ka sa sink," she said at umupo sa tabi ko, hinalikan ang noo ko. Umiling ako kasi nahihilo ako.

"What do you want to eat? Wag ka na pumasok today. I'll just message Jema and Sati na you're not feeling well. Then if okay pakiramdam mo, uwi tayo sa inyo. I don't want na ikaw lang maiiwan dito mag-isa kapag lalabas ako, since Jaja is here na naman sa Manila and staying sa condo mo. Dito na lang siya, may isang room pa naman, papalinis ko na," mahabang sabi niya. Ito yung isa sa mga nagustuhan ko kay Bea, she's always thinking the best for me. Even before, she always reminded me to eat, to sleep on time. But kaya ko naman.

"Okay, but no need naman na si Jaja na magstay. Kaya ko naman, love," I said habang naka-rest sa chest niya.

"No, Jho, this time hindi ako payag sa gusto mo. I want you and our little pumpkin to be safe," she said.

"Halika na sa bed, mahiga ka. I'll prepare our breakfast," she said. Umiling ako.

"No, sama ko sa'yo sa labas."

"Okay, okay, tara na." Inalalayan niya akong tumayo at niyakap ko siya.

"Ang clingy naman. Sana lagi ka na lang buntis, ang sarap sa feeling na ganito ka ka-clingy, haha," natatawa siya kaya binitawan ko yung hug ko.

"I'm just kidding. Tara, I'll carry you na lang," she said at bigla nga niya akong binuhat. Napakapit ako sa shoulder niya.

"Loko ka, baba mo 'ko. Baka malaglag ako, alalahanin mo, may baby sa tummy ko," I said. Hindi niya ako pinansin, kiniss niya ako sa lips at ngumiti.

Binuhat talaga niya ako hanggang kitchen at inupo sa countertop.

"Just watch, baby," she said. Pinanood ko siya gumawa ng pancake, magluto ng fried egg at bacon.

"Daanan na natin sila tito bago tayo umuwi sa amin," I said.

"You sure? Baka kasi pag sila inuna natin, sabihan tayo na hindi makauwi agad sa inyo," she said habang nagtitimpla ng milk.

"Yup, I'll just file a sick leave." Then nilagay niya sa table yung mga food.

"Okay, if that's what you want, bossing. Tara na, kain ka na ng breakfast, baka magutom si baby," she said, sabay buhat sakin pababa ng countertop.

Det's POV

"Hon, ayain mo kaya anak mo magbakasyon sa farm sa Batangas, 3 weeks na din nakalipas nung umuwi sila dito ni Jhoana," I said.

"Nako, Det, pauwiin nga dito kahirap, pagbabakasyunin pa ba?" Ika—

May kumatok sa pinto namin. Nasa room kami dahil balak mag-golf ni Elmer.

"Yes, Manang?"

"Ma'am, andyan po sila Ma'am Jho at Ma'am Bea sa baba." Nagkatinginan kami ni Elmer.

"Sige, Manang, susunod kami. Salamat," I said, at sinara na niya ulit ang pinto.

"Oh, ayan na pala hon, umuwi, hahaha. Sabihin mo ngayon magbakasyon, baka pumayag kasama si Jhoana e," Elmer said.

"Naku, kay Jhoana ko sasabihin. Halika at bumaba na tayo."

Bumaba kami ni Elmer. Wala na dito sila Loel, 2 weeks lang sila dito ni Lucas.

"Isabel, bakit hindi ka nagsabi na uuwi kayo? Hindi man lang ako nakapaghanda ng pagkain para sa inyo. Hi, Jhoana."

"Hello po, Tita, Tito," Jhoana said at nag-bless at beso sa amin ni Elmer.

"Isabel, buti dumalaw kayo. May sasabihin sana mom mo sa'yo," Elmer said.

"Ah, Dad, actually may sasabihin din kami."

"Mamaya na 'yan, magmeryenda muna tayo, dun natin pag-usapan. Halika kayo sa garden—Manang, pakidala ng meryenda sa garden, thank you," I said.

"Sige po, ma'am, isusunod na lang po namin."

"Ah, Mom, hindi kami magtatagal kasi uuwi din kami sa Batangas, kala Jho," Isabel said.

"Okay, tungkol ba saan 'yan?" I said.

"Mukhang napaka-importante niyan, Isabel. Magkakaapo na ba kami? Hahaha," biro ni Elmer. Tinampal ko siya. Ano na lang sasabihin ni Mareng Lovel kung buntis na si Jhoana, kakabalikan pa lang nila. Tumingin si Bea kay Jhoana while she's holding Jhoana's hand.

"Ma—" Magsasalita na sana si Isabel pero dumating si Manang.

"Ma'am, sir, ito na po ang meryenda niyo," Manang said.

"Thank you, Manang," I said, at umalis na sila.

"Ano 'yon, Isabel? Don't tell me buntis nga si Jhoana?" Hindi umiimik si Isabel at Jhoana, nakatingin naman kami ni Elmer sa kanila.

"Yes, Mom, Dad, Jhoana is pregnant. To be exact, 5 weeks pregnant."

----

A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D

Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

Love on BoardWhere stories live. Discover now