Bea's POV
"Wait, baby, may nakalimutan ako sabihin kay Tito," I said as she got into the car, and she looked at me.
"I'll start the engine so you can turn on the aircon and not get too hot. I just need to say something to Tito," I added.
I ran back to Tito's grave.
"Tito, mabilisan lang po 'to, alam niyo naman po yung anak niyo, mainipin masyado kapag ganito, nasa sasakyan na siya," I said, glancing at the car.
"I'm gonna marry your daughter. She doesn't have any idea about this. Thank you, Tito, for bringing Jhoana into this world. Kayo ni Tita, I promise to be a good wife and dada to our child—"
"Beatriz, ang tagal mo!" Jhoana shouted.
"Haha, see, Tito? I have to go now po. Balikan po kita once she says yes, baka awayin po ako ng anak niyo," I said, touching his grave. I ran back to the car—Jhoana might scold me if I take too long.
"Bakit ang tagal mo?" Jhoana said with an eye roll as I got into the car.
"What? Wala pa nga 'yon 5 min—"
"Mag-drive ka na," she cut me off, really moody.
"Opo, bossing. Wag ka na magalit," I said, taking her hand and kissing it.
"I love you. Wag ka na magalit; may sinabi lang ako kay Tito."
"Mag-drive ka jan," she said. I scratched my head. Oh, if only I didn't love you this much.
It was only 15 minutes away from the cemetery when there's no traffic, so we got to her place quickly. Maybe we'll stay here tonight since it's already late.
When we arrived, she got out immediately, not even waiting for me. Here we go again with her cold shoulder. I grabbed her stuff and the leftover food, then followed her.
"Baby, love, wait for me," I said as I caught up with her.
"Wag ka na magalit," I turned her to face me and hugged her.
"Tara na, pumasok na tayo," she was still mad 😔. When we entered, their maid saw us.
"Ma'am Jho, buti po umuwi kayo. Kakadating lang po ng mama niyo," she said, and just then, her mom stepped out of what used to be Tito's office.
"Oh, Jhoana, Bea, bakit hindi niyo sinabi na uuwi kayo?" Tita asked.
"Ah, Tita, actually, biglaan lang din po kasi may sasabihin po kami," I said as Tita looked at Jho and then at me.
"Mukhang napaka-importante niyan. Tara sa garden. Manang, paki-dalan na lang ng meryenda 'tong dalawa," she said.
"Ah, Tita, wag na po, kakameryenda lang din po namin ni Jho. By the way, pinapabigay po ni Mom," I handed over the gift from my mom.
"Hay nako, si Det talaga. O sige, Manang, kayo na bahala sa dinner. Tara, wala pa si Jaja; mamaya-maya pa 'yon," she said, and we followed her to the garden.
"Maupo kayo, makikinig ako." I helped Jhoana sit before I sat down.
"Ano ba kayong dalawa? Akala ko ba may sasabihin kayo? Mukhang magtititigan lang kayo dito," Tita said, laughing. I scratched my nape, waiting for Jho to speak.
"Ah, Tita—"
"Ma, I'm 5 weeks pregnant," Jho suddenly said. Tita smiled, but tears began to fall from her eyes.
"Tita, I'm sorry. Papanagutan ko naman po si Jhoana—"
"Hindi ako galit, Bea. Natutuwa ako dahil magkaka-apo na ko. Sa wakas, parang kailan lang pinag-uusapan namin 'yan ni John. Gustong-gusto niya na magka-apo sa inyo ni Jhoana. Ito na, natupad na 'yung gusto niya, pero hindi man lang niya naabutan," Tita said, wiping away her tears. Jho stood up and hugged her. Meanwhile, I couldn't describe the happiness I was feeling.
"Halika nga din dito, Bea," Tita said, calling me over. I stood up and joined them.
"Alagaan niyo mabuti 'yan, kundi lagot kayo sa lolo niyan," Tita said.
"Opo, Tita, ako po bahala sa mag-ina ko. Thank you, Tita, for bringing Jhoana into this world," I said, feeling a deep sense of gratitude.
"Hay nako, tama na drama. Kung nandito si Papa John niyo, baka nagaaya na 'yon uminom." Jhoana and I laughed, but when we looked at each other, she gave me a glare. Still mad. Oh, Lord, help me later.
"Hehe, oo nga po, Tita, request kasi ni Tito 'yan," I said. We continued chatting, talking about various things. Tita asked if Dad and Mom already knew. It was getting dark, so Tita suggested we go inside.
"Tara na kayo sa loob, antayin natin si Jaja bago mag-dinner. Matutuwa si Jaja kapag nalaman niya na magiging tita na siya," Tita said. I helped Jho again, but she swatted my hand away. Too bad Tita didn't see it; I could have used some backup. I just followed her inside.
"Maaa, akyat lang po ako saglit," Jho said.
"Samahan na kita," I offered.
"Wag na, jan ka na lang," she replied, while Tita watched us.
"Sige, dahan-dahan ka lang, love," I told her. She left us and went upstairs to her room.
"Bakit wala sa mood 'yung negra kong anak?" Tita asked.
"Haha, Tita, madinig ka po. Actually, Tita, bago po kasi kami umuwi dito, pumunta pa kami kay Tito. Sinabi din po namin sa kanya na buntis si Jho," I explained, scratching my head.
"Kaso po, aalis na po sana kami. Iniwan ko siya sa sasakyan at bumalik kay Tito para magpaalam. Kaso po, nainip siya. Ayun, nawala sa mood."
"Pagpasensyahan mo na 'yon. Ganoon talaga siya. Sana tagalan mo siya. Wag mong bibitawan, lalo na ngayon magkakaanak na kayo," Tita said.
"Opo, Tita, wag po kayo mag-alala. Ako po bahala sa mag-ina ko. Ah, Tita, wala pong alam si Jho. Hindi din po ako nagbabanggit about the wedding. Alam ko po na mas maganda sana na kinasal muna kami bago kami makabuo, but it happened na po na nakabuo na bago ikasal. Tita, hindi ko na po sasayangin 'yung oras na 'to. Mabilisan lang din po, baka bigla pong bumaba si Jhoana," I said, and Tita nodded as she listened.
"Tita, hihingin ko na po 'yung kamay ni Jhoana sa inyo para bumuo ng sarili naming pamilya. Tita, I'm gonna propose to Jhoana, maybe next week. I'm gonna marry her as soon as possible habang maliit pa 'y
yung tummy niya," I said, and Tita smiled at me.
"Alam mo, Bea, matagal ko nang pinaghahandaan 'to. Pero iba din pala ang pakiramdam kapag dumating na yung panahon na hihingin mo na nga ang kamay ni Jhoana. Hindi naman ako tututol. Sa dami ng pinagdaanan niyong dalawa at kung paano mo pinatunayan ang sarili mo sa amin, at sa kung paano mo minahal ang anak ko, walang rason para tutulan ko ang gusto mo. Isa pa, mas mabuti nga na magpakasal na kayo, lalo na't magkakaanak na kayo. Basta, wag na wag mong sasaktan o pababayaan ang anak ko, lalo na ang magiging apo ko," Tita said with warmth.
"Opo, Tita. I promise, hindi ko po sasaktan ang mag-ina ko," I replied, feeling relieved and grateful.
----
A/N: I apologize for any typo and grammar errors you may have noticed. :D
Bahala na ulit kayo di ako nagproofread😭😆

YOU ARE READING
Love on Board
FanfictionStrangers unexpectedly meet on a flight. Is it just a fleeting moment in the sky, or could it become a romantic relationship?